Bitcoin Forum
November 12, 2024, 12:25:12 PM *
News: Latest Bitcoin Core release: 28.0 [Torrent]
 
   Home   Help Search Login Register More  
Pages: [1] 2  All
  Print  
Author Topic: NEW MEMORANDUM OF BIR CIRCULAR NO. 60-2020  (Read 522 times)
doomistake (OP)
Hero Member
*****
Offline Offline

Activity: 1400
Merit: 571


View Profile
June 11, 2020, 05:22:23 AM
 #1

Regarding about this new memorandum, it says that
all of the people who are conducting any business or earning online is responsible to follow the requirements in the given link below.

https://www.bir.gov.ph/images/bir_files/internal_communications_2/RMCs/2020%20RMCs/RMC%20No.%2060-2020.pdf

Anong masasabi nyo dito mga kabayan?
raidarksword
Member
**
Offline Offline

Activity: 2044
Merit: 16


View Profile WWW
June 11, 2020, 06:09:04 AM
 #2

Ang saklap naman talaga nito pati online sellers na kukunti lang kinikita papatawan pa ng buwis. Hindi ako kontra sa buwis pero dapat sana sa ibang sector nila mas tutukan sa pagkuha ng buwis, hindi sa kakarampot na kita sa mga online sellers at dagdag gastos din yan. Sa pagpasa ng batas na ito hindi din makatarungan kasi nasa pandemic pa tayo at hindi pa nakabawi. Hindi natin mararamdaman kung bigla nalang pati sa crypto pag iinitan narin ng BIR.
doomistake (OP)
Hero Member
*****
Offline Offline

Activity: 1400
Merit: 571


View Profile
June 11, 2020, 06:37:07 AM
Merited by FlightyPouch (1)
 #3

Ang saklap naman talaga nito pati online sellers na kukunti lang kinikita papatawan pa ng buwis. Hindi ako kontra sa buwis pero dapat sana sa ibang sector nila mas tutukan sa pagkuha ng buwis, hindi sa kakarampot na kita sa mga online sellers at dagdag gastos din yan. Sa pagpasa ng batas na ito hindi din makatarungan kasi nasa pandemic pa tayo at hindi pa nakabawi. Hindi natin mararamdaman kung bigla nalang pati sa crypto pag iinitan narin ng BIR.

Mismo boss. Pero yung POGO di nila nilalagyan ng TAX. Saka tayo na naman kawawa kasi utang sila ng utang, napakalaki na ng utang ng bansa natin kaya kung anu-ano na naman ginagawa nila para makahuthot ng tax sa lahat ng pinoy. Tayo yung kawawa, di man lang natin maramdaman yung almost 9T na inutang nila. Tapos sasabihin sa balita kulang raw yung pera kaya di nabibigyan ng ayuda yung iba. Nakakatawa lang.
cryptoaddictchie
Legendary
*
Offline Offline

Activity: 2254
Merit: 1377


Fully Regulated Crypto Casino


View Profile
June 11, 2020, 07:10:56 AM
Last edit: June 11, 2020, 07:25:24 AM by cryptoaddictchie
 #4

Hi OP can you edit the link attached? It is not secured kapag iciclick directly. Thank you.

Code:
https://www.bir.gov.ph/images/bir_files/internal_communications_2/RMCs/2020%20RMCs/RMC%20No.%2060-2020.pdf

Grabe pala yung latest news.

The Nationwide Association of Consumers Inc. (NACI) said Thursday the plan of the Bureau of Internal Revenue to require online sellers to register to ensure tax compliance will be counterproductive and unrealistic.

"Requirements such as the one issued by BIR lately for e-commerce companies will prove to be counterproductive and unrealistic especially for small e-commerce businesses," NACI assistant secretary Neva Talladen said during the virtual meeting of the House committee on trade and industry.

The committee discussed House Bill 6122, or the proposed "Internet Transactions Act," aiming to regulate the e-commerce industry in the country.

The Bureau of Internal Revenue Memorandum Circular No. 60-2020 states that "all persons doing business and earning income in any manner or form, specifically those who are into digital transactions through the use of any electronic platforms and media, and other digital means," shall register to ensure that they are tax compliant.

For me sa hirap ng sitwasyon ngayon dapay hindi nila biglain ang mga online sellers yan na nga lang ang pinagkakakitaan at pangtustos dahil sa dami ng nawalan ng work tapos ganyan pa. Im sure daming reklamo ang mga tao about dito which is included tayo na mga nagagamit ng digital assets as buy and sell.


Memorandum Image para mabasa ng mga kababayan natin:


Kupid002
Sr. Member
****
Offline Offline

Activity: 1036
Merit: 329



View Profile
June 11, 2020, 07:31:38 AM
 #5



Mismo boss. Pero yung POGO di nila nilalagyan ng TAX. Saka tayo na naman kawawa kasi utang sila ng utang, napakalaki na ng utang ng bansa natin kaya kung anu-ano na naman ginagawa nila para makahuthot ng tax sa lahat ng pinoy. Tayo yung kawawa, di man lang natin maramdaman yung almost 9T na inutang nila. Tapos sasabihin sa balita kulang raw yung pera kaya di nabibigyan ng ayuda yung iba. Nakakatawa lang.

kunting kibot kasi ngayon tax na parang sobrang pinahirapan ung mga tao.

Kung maliit na businesses  Lang naman dpat hindi na nilalagyan ng tax,hindi nman kasi lahat kumikita ng Malaki, ultimo tubig at kuryente natin ang laki ng tax tapos ung napakaliit na negosyo mo at maliit1 na kita mababawasan pa ng tax.
Ok Lang naman sana if nararamdaman ng lahat ung tax na binabayad nila kaso hindi naman.
rhomelmabini
Hero Member
*****
Offline Offline

Activity: 2058
Merit: 578

No God or Kings, only BITCOIN.


View Profile
June 11, 2020, 07:43:13 AM
 #6

They even require to voluntarily include the past transactions of it, I think this isn't new and even by 2013 it already has a memo, RMC 055-13. If it means to all even sa malilit na seller or resellers then there isn't some justice for that at sa tingin ko yung gobyerno ay more on the tax, it's all business for them as well.

“The more corrupt the state, the more numerous the laws.”
― Tacitus

Do you think this quote still relevant in this age?

Shimmiry
Full Member
***
Offline Offline

Activity: 840
Merit: 105


★Bitvest.io★ Play Plinko or Invest!


View Profile
June 11, 2020, 08:33:17 AM
 #7

“The more corrupt the state, the more numerous the laws.”
― Tacitus

Do you think this quote still relevant in this age?

So relevant. Imagine, online reselling must be a way to evade taxes dahil hirap din naman kumita online and ikaw pa mismo magdedeliver, yet the greedy BIR tends to seek kung ano pang mga ways para kumita sila. Damn, ang kaban ng bayan is sobrang laki naman, sadyang hindi lang marunong humandle ang ibang local governments sa mga taxes na kinukuha nila sa taong bayan. Andami nilang gustong ipursue na laws just to have a percentage in ALL businesses as if they are part of it. Sobrang bulok kasi kahit mga online sellers are just reselling from someone who is just also reselling. Pataas ng pataas ang presyo and all those resellers would give a part of their income to the BIR? It's just hideous.

But then, napaisip ako, what if gawin ng mga online resellers is to delete their current facebook account then make a new one? Edi walang past transactions na makukuhaan ng tax ang BIR. Diba? And if everyone do the same, para san pa ang recent taxing ng new memorandum?

Natawa lang ako sa nakita ko sa fb "Pati pagtae namin singilin niyo na din.." Hahahha
Bttzed03
Legendary
*
Offline Offline

Activity: 2114
Merit: 1150


https://bitcoincleanup.com/


View Profile
June 11, 2020, 09:31:54 AM
Merited by bL4nkcode (2), cabalism13 (1)
 #8

Ang saklap naman talaga nito pati online sellers na kukunti lang kinikita papatawan pa ng buwis. Hindi ako kontra sa buwis pero dapat sana sa ibang sector nila mas tutukan sa pagkuha ng buwis, hindi sa kakarampot na kita sa mga online sellers at dagdag gastos din yan. Sa pagpasa ng batas na ito hindi din makatarungan kasi nasa pandemic pa tayo at hindi pa nakabawi. Hindi natin mararamdaman kung bigla nalang pati sa crypto pag iinitan narin ng BIR.
Wala naman binanggit sa memorandum na lahat ng online sellers ay automatic papatawan ng buwis. Ang sinabi lang ay kailangan magpa-register.

Kapag registered ang business mo (traditional man o online), hindi ibig sabihin magbabayad ka agad ng mga monthly at annual taxes. Under the latest TAX law (TRAIN), kung ang kinikita mo ay nasa 250,000 pesos o pababa kada taon, hindi mo na kailangan magbayad ng buwis (pero kailangan mo pa din mag-file ng returns). Kakarampot pa ba yung 250K per year?

Isa pa, hindi na bago ito. Matagal ng nasa batas na taxable ang mga incomes derived dito sa bansa unless expressly stated sa batas na exempted siya (isa sa exemption yung annual income 250K pababa).

Mismo boss. Pero yung POGO di nila nilalagyan ng TAX. Saka tayo na naman kawawa kasi utang sila ng utang, napakalaki na ng utang ng bansa natin kaya kung anu-ano na naman ginagawa nila para makahuthot ng tax sa lahat ng pinoy. Tayo yung kawawa, di man lang natin maramdaman yung almost 9T na inutang nila. Tapos sasabihin sa balita kulang raw yung pera kaya di nabibigyan ng ayuda yung iba. Nakakatawa lang.
In addition to what I said above, POGOs are required to pay taxes. Kaya nga may mga sinasarang unregistered at tax evading POGO service providers eh.




It actually pays to read more into the provisions at mga further explanations/clarifications para hindi tayo bara-bara sa mga komentaryo natin. Huwag lang tayo basta mag-rely sa nabasa nating news articles.

Allow me reemphasize this:
Business registration does not automatically mean you have to pay taxes.

Personally, wala akong issue sa memorandum. If anything, pwede pa nga makatulong ito sa mga small sellers. Kung compliant sila, malamang mas madali silang mag-avail ng mga financial assistance at iba pang services sa bangko at sa gobyerno.
blockman
Hero Member
*****
Offline Offline

Activity: 3094
Merit: 629


View Profile
June 11, 2020, 10:10:32 AM
Merited by cabalism13 (1)
 #9

Allow me reemphasize this:
Business registration does not automatically mean you have to pay taxes.
Tama ka dito. Meron silang sinusunod na tax table at kapag 250k and below yung annual na income mo, 0% tax ka at sa madaling salita ay exempted ka. Yung registration lang talaga ang kailangan, ganyan ang gagawin ng iba, declare lang sila na pasok sa exemption.

clickerz
Hero Member
*****
Offline Offline

Activity: 1414
Merit: 505


Backed.Finance


View Profile
June 11, 2020, 12:46:59 PM
 #10



Mismo boss. Pero yung POGO di nila nilalagyan ng TAX. Saka tayo na naman kawawa kasi utang sila ng utang, napakalaki na ng utang ng bansa natin kaya kung anu-ano na naman ginagawa nila para makahuthot ng tax sa lahat ng pinoy. Tayo yung kawawa, di man lang natin maramdaman yung almost 9T na inutang nila. Tapos sasabihin sa balita kulang raw yung pera kaya di nabibigyan ng ayuda yung iba. Nakakatawa lang.

kunting kibot kasi ngayon tax na parang sobrang pinahirapan ung mga tao.

Kung maliit na businesses  Lang naman dpat hindi na nilalagyan ng tax,hindi nman kasi lahat kumikita ng Malaki, ultimo tubig at kuryente natin ang laki ng tax tapos ung napakaliit na negosyo mo at maliit1 na kita mababawasan pa ng tax.
Ok Lang naman sana if nararamdaman ng lahat ung tax na binabayad nila kaso hindi naman.

Matagal na ito kaso  na timing pa ngayon na may pandemic kaya marami ang umalma. Marmi talaga ang affected sa balita na ito kaso nga  halos lahat na kakilala natin especially sa social media eh naging online seller na. Mabuti nga dumidiskarte, kasi karamihan naman nyan walang natanggap na ayuda.
ice18
Hero Member
*****
Offline Offline

Activity: 2492
Merit: 542



View Profile
June 11, 2020, 02:49:24 PM
 #11

Pautot na naman ng BIR yung mga maliliit pa talaga ang papatawan ng buwis bakit di nyo triplehen ang sintax at mga sugalan diyan hindi yung nagsusumikap magtrabaho para kumita ,kasama na kaya diyan ang mga vlogger? yan talaga malalaki ang kita milyones pero parang wala naman ata binabayaran na tax correct me if Im wrong di ako sure kung wala nga kasi di naman ako vlogger  Grin
dothebeats
Legendary
*
Offline Offline

Activity: 3780
Merit: 1354


View Profile
June 11, 2020, 03:34:39 PM
 #12

Nangangamba ako para sating mga regular na nagpapalit ng bitcoin sa PHP. Maaaring sa susunod eh tayo naman ang silipin ng BIR, although okay lang naman sakin dahil hindi naman ganun kalakihan ang naipapalit ko. Yun nga lang, maaari nilang hingiin sa mga exchange ang ating trading history na sa kalaunan ay maaaring magamit para tayo ay i-tax, maliit man o malaki ang halaga. Ang nakakainis lang talaga sa gobyerno e kung bakit uunahin pa nilang silipin yung mga maliliit na tao na gusto lamang kumita ng kaunti at hindi yung mga malakihang kumpanya na hayop sa galing kung umiskapo pag-dating sa bayaran ng tax.
Theb
Hero Member
*****
Offline Offline

Activity: 1680
Merit: 655


View Profile
June 11, 2020, 06:48:01 PM
 #13

Background: To give you a quick background kung bakit biglang naging memorandum circular ito is during nung lockdown madami na siguro sa atin naka notice ang increase ng presence ng resellers at online businesses sa social media particularly na sa Facebook from food, home-made disposable masks and PPEs, as well na din mga damit well karamihan sa mga online sellers na ito ay mga single proprietor or self-employed individuals na hindi registered ang business nila sa BIR, which if you don't know lahat ng business dapat ay permitted ng BIR, di lang kasi sila yung tipong garage sale lang na nagbebenta ng 2nd hand karamihan sa mga online seller ngayon may mga supplier na din so technically isa silang business operation na walang permit.



Bakit ito naging concern at napansin? Gaya nga ng sinabi ko obviously mahahalata ito ng BIR kasi kahit yung mga empleyado nila nakikita na din yung pag-taas ng numero ng online sellers sa social media and mahahalata naman nila yung mga Facebook page ng shops/businesses na ito ay hindi naka-rehistro sa database ng BIR which only means they are running without a permit. Malaking concern kasi ito dahil aside sa wala silang permit mataas din yung chance na hindi din sila nagbabayad ng tamang buwis which will be unfair to our part as a normal citizen paying the right tax. Buti nga hindi masyadong harsh and memorandum circular na ito kasi parang nagsisilbing reminder lang para sa mga online business na dapat pati sila rehistrado sa BIR at wala namang nabanggit na mga punishment sa kanilang pagkakamali.
malcovi2
Member
**
Offline Offline

Activity: 1097
Merit: 76


View Profile
June 11, 2020, 08:12:45 PM
 #14

Pautot na naman ng BIR yung mga maliliit pa talaga ang papatawan ng buwis bakit di nyo triplehen ang sintax at mga sugalan diyan hindi yung nagsusumikap magtrabaho para kumita ,kasama na kaya diyan ang mga vlogger? yan talaga malalaki ang kita milyones pero parang wala naman ata binabayaran na tax correct me if Im wrong di ako sure kung wala nga kasi di naman ako vlogger  Grin

Lahat taxable pag kumikita.. Lahat ng forms of income...
Sa ibang bansa meron taxes na binabayaran ang mga youtubers at yung mga nagbebenta ng online pics.
anamie
Full Member
***
Offline Offline

Activity: 485
Merit: 105


View Profile
June 12, 2020, 12:11:32 PM
 #15

Sa tingin ko lang ha, mukhang mahihirapan sila mag collect ng taxes sa mga online sellers kasi paano nila ito ma tratrace kung kumikita nga ba sila ng 250k annually ? Eh napakadali lang sabihin na maliit lang ang kita mo dahil wala naman recibo ang mga online sellers so wala silang basihan kung ikaw ba talaga ay kumikita ng 250k above.
Shimmiry
Full Member
***
Offline Offline

Activity: 840
Merit: 105


★Bitvest.io★ Play Plinko or Invest!


View Profile
June 12, 2020, 12:27:31 PM
 #16

Allow me reemphasize this:
Business registration does not automatically mean you have to pay taxes.

indeed, sabi nga na if less than 250k naman ang kinikita mo per year, walang taxes na babayaran. Kaso kasi ang daming small time online sellers lang ngayon kung saan kahit na registration fee is malaki pa. I mean, magkano lang ang tinutubo nila tapos mostly sila pa nagdedeliver kaya medyo hindi ganoon natutuwa yung mga sellers na kakasimula lang din ngayong quarantine.

Bakit ito naging concern at napansin? Gaya nga ng sinabi ko obviously mahahalata ito ng BIR kasi kahit yung mga empleyado nila nakikita na din yung pag-taas ng numero ng online sellers sa social media and mahahalata naman nila yung mga Facebook page ng shops/businesses na ito ay hindi naka-rehistro sa database ng BIR which only means they are running without a permit. Malaking concern kasi ito dahil aside sa wala silang permit mataas din yung chance na hindi din sila nagbabayad ng tamang buwis which will be unfair to our part as a normal citizen paying the right tax. Buti nga hindi masyadong harsh and memorandum circular na ito kasi parang nagsisilbing reminder lang para sa mga online business na dapat pati sila rehistrado sa BIR at wala namang nabanggit na mga punishment sa kanilang pagkakamali.

Tama naman ang point mo dito Theb, pero hindi ba dumami lang sila dahil sa quarantine? I mean ayon na lang yung ways para kumita sila kasi hindi naman lahat nabibigyan ng ayuda, ng libreng foodpacks and relief, at hindi din lahat may naipon right before the quarantine. Kaya lang naman ayaw ng mga online sellers ngayon sa bagong memorandum dahil kahit simpleng 150 malaki nang tulong sa kanila.

Maybe, ang magandang gawin dito sa issue is after nalang ng quarantine tsaka i-implement yan. Let the online sellers na kumita habang jobless sila ngayon.
Bitcoinislife09
Full Member
***
Offline Offline

Activity: 1028
Merit: 144

Diamond Hands 💎HODL


View Profile
June 12, 2020, 12:29:50 PM
 #17

Sa tingin ko lang ha, mukhang mahihirapan sila mag collect ng taxes sa mga online sellers kasi paano nila ito ma tratrace kung kumikita nga ba sila ng 250k annually ? Eh napakadali lang sabihin na maliit lang ang kita mo dahil wala naman recibo ang mga online sellers so wala silang basihan kung ikaw ba talaga ay kumikita ng 250k above.

Yeah, medjo nagsumasideline din ako sa online selling pero mukang medjo pang supplier type na siguro itong kumikita ng 250k annually, siguro kung full time ka sa online selling di ko lang namamalayan pero baka nasa 250k annually na ang kita mo. Mukang okey pa rin naman sa mga maliliit na online sellers dahil marami jan maliliit lang naman ang puhunan ang siguro naging online seller lang din naman dahil nangangailangan ngayon mayroong virus tulad ko. Pero mali pa rin na ito pa ang inuuna ng gobyerno naten, kung mangyayari ito malamang lahat ng onlinen or kahit mga social media applications ay magkakaroon na din ng tax. Mukang masyadong nagbabawi itong gobyerno dahil kakatapos lang imutang. Mukang tayo nanaman ang magbabayad sa utang ng nila.

Salute dito kay senator sa pagtatagol satin!
Bttzed03
Legendary
*
Offline Offline

Activity: 2114
Merit: 1150


https://bitcoincleanup.com/


View Profile
June 12, 2020, 03:13:53 PM
 #18

~
indeed, sabi nga na if less than 250k naman ang kinikita mo per year, walang taxes na babayaran. Kaso kasi ang daming small time online sellers lang ngayon kung saan kahit na registration fee is malaki pa. I mean, magkano lang ang tinutubo nila tapos mostly sila pa nagdedeliver kaya medyo hindi ganoon natutuwa yung mga sellers na kakasimula lang din ngayong quarantine.
Define small time online sellers at magkano ang average daily net income nila. Mas maganda magusap kung may mga data na pagbabasehan. Madali lang kasi magsabi ng "magkano lang tinutubo nila/namin" pero kapag tinignan ang kinikita nila arawan, pumapatak 1,000 pesos pataas pala.

Pagdating sa registration fees at iba pang magagastos, mga nasa 5K pesos pataas.
  • COR - 500
  • Doc Stamp - 30
  • BIR Printed Receipts (BPR) - 4,500

Yung sa BPR, minimum yata nyan is 10 pads tapos may 50 receipts per pad.

Sabihin na natin na kakasimula lang ngayon, allowed naman sila magpa-register hanggang July 31. May oras para makakalap ng pang-register. 



I'd like to add my personal view kung sino sa mga online sellers ang dapat magpa-register. Kung ang plano ko ay pansamantala lang ito at ititigil ko din kapag nakahanap na ng trabaho (siguro 1-3 months duration), hindi na ako magpapa-register. Kung ang plano ko gawin itong long-term business, I will comply with the BIR. Inuulit ko, personal ko lang ito at hindi mo kailangan paniwalaan at sundin.
Shimmiry
Full Member
***
Offline Offline

Activity: 840
Merit: 105


★Bitvest.io★ Play Plinko or Invest!


View Profile
June 12, 2020, 04:02:12 PM
 #19

Define small time online sellers at magkano ang average daily net income nila. Mas maganda magusap kung may mga data na pagbabasehan. Madali lang kasi magsabi ng "magkano lang tinutubo nila/namin" pero kapag tinignan ang kinikita nila arawan, pumapatak 1,000 pesos pataas pala.
~

Challenge accepted sir. Try ko gumawa ng google forms then I might make a thread in here para pag usapan din yung how much ang kinikita ng online sellers na kilala ko through social media. Sana lang may sumagot Cheesy

I'd like to add my personal view kung sino sa mga online sellers ang dapat magpa-register. Kung ang plano ko ay pansamantala lang ito at ititigil ko din kapag nakahanap na ng trabaho (siguro 1-3 months duration), hindi na ako magpapa-register. Kung ang plano ko gawin itong long-term business, I will comply with the BIR. Inuulit ko, personal ko lang ito at hindi mo kailangan paniwalaan at sundin.

Agree ako sa idea mo sir. Pero ang nakakalungkot na reality lang is nagboost lang ang online selling dahil sa fact na andaming nawalan ng trabaho at walang ginagawa ngayong quarantine sa mga bahay nila eh. I've known some of my friends na biglaang nag sell online ng kung ano ano and some has captions na dahil sa quarantine. Soon I might show the forum ng mga proof about gaano lang ang kinikita nila, but then ang mahirap is broad yung topic such as iba ang kinikita ng food sellers, gadget resellers, at iba pa. Also, "diskarte" affects how much they earn.

Overall, if they would register (with that amount of necessary requirements and how much those costs) baka marami na rin na tumigil nalang instead of complying on something na halos sasakupin lang yung kita nila for a week or two.
Theb
Hero Member
*****
Offline Offline

Activity: 1680
Merit: 655


View Profile
June 12, 2020, 10:35:54 PM
 #20

~snip

Tama naman ang point mo dito Theb, pero hindi ba dumami lang sila dahil sa quarantine? I mean ayon na lang yung ways para kumita sila kasi hindi naman lahat nabibigyan ng ayuda, ng libreng foodpacks and relief, at hindi din lahat may naipon right before the quarantine. Kaya lang naman ayaw ng mga online sellers ngayon sa bagong memorandum dahil kahit simpleng 150 malaki nang tulong sa kanila.

Maybe, ang magandang gawin dito sa issue is after nalang ng quarantine tsaka i-implement yan. Let the online sellers na kumita habang jobless sila ngayon.

I hope I'm not offending anyone pero the law is clear even without this memorandum pag walang business permit para sa negosyo mp then you can't run your business operations legally period. It's not about being unfair during times like this pero during ECQ protocols naman it doesn't exempt them for followig legal procedures of properly running an online business. Alam mo ang “online selling” matagal mg issue yan if natatandaan niyo ilang beses ng nagkaproblema sa batas ang Kimstore dahil yung business nila dati online lang at madaming taxes ang hindi nababayaran kasi hindi natrattack ng maayos yung kita nila. Isipin mo hundreds of thousands ng Filipino similar sa sitwasyon ng Kimstore sino ang kawawa? Diba tayo din? If the government sees a big drop in tax income sure ako maghahamap na sila mg panibagong klaseng tax para lumaki yung tax income nila dahil madaming tax obligation amg hindi nababayaran ng tama.
Pages: [1] 2  All
  Print  
 
Jump to:  

Powered by MySQL Powered by PHP Powered by SMF 1.1.19 | SMF © 2006-2009, Simple Machines Valid XHTML 1.0! Valid CSS!