Bitcoin Forum
November 06, 2024, 12:30:50 AM *
News: Latest Bitcoin Core release: 28.0 [Torrent]
 
   Home   Help Search Login Register More  
Pages: [1] 2 »  All
  Print  
Author Topic: Nasubukan niyo na bang mag Stock Trading?  (Read 632 times)
Casdinyard (OP)
Hero Member
*****
Offline Offline

Activity: 2184
Merit: 891


Leading Crypto Sports Betting and Casino Platform


View Profile
June 18, 2020, 07:19:05 AM
Merited by Lorence.xD (3), Wexnident (2), yazher (1), Theb (1), cabalism13 (1)
 #1

Hindi po ito promotional thread hehe

Guys nasubukukan niyo na bang mag trade ng Stocks? Mostly kasi sa 'tin dito sa forum is mas nakakaalam sa Crypto Trading and yung iba is sa Forex. Recently kasi napansin ko na ang baba ng prices ng mga sikat na Companies gaya ng Jollibee, San Miguel Corp., and MerryMart, dahil sa quarantine and higpit ng ordinances pagdating sa mga businesses na madalas is crowded. But then recently nang naging GCQ na ang ibang places sa bansa, naglakihan na din ang price sa stocks dahil nag-operate na muli ang mga kumpanya.

Why not try using BDO Nomura? My cousin who's working at the BDO bank near us shows me na madali lang magtrade doon and she has holdings but then hinold niya lang kasi di naman siya active trader. But the trading time isn't 24/7 but rather 9:00AM to 1:00PM and weekdays lang (dati itong 9:00AM to 3:00PM pero dahil sa quarantine, shinorten). Also, need mo lang is magpaopen ng account sa BDO (Php 2,000 ang minimum balance and di bawal bumaba sa 2k) and of course register or Sign Up your Online Account sa kanilang platform to start trading, but then recently nabasa ko na marami ring fault ang kanilang system (and yung iba nananakawan) kaya if ever na may trust issues ka sa mga banko, it's better na disregard mo nalang ito.

And as far as I know malaki ang kinikita kapag sa Stocks ka nag-invest and this is the best way as an alternative kung medyo takot ka sa crypto-trading na sobrang volatile.

I've also seen a post by Theb indicating Online Stock Broker alternatives na magagamit mo.
Other Bank-owned Stock Brokerage Services...

If you want to start trading, sali kayo sa group ng mga BDO Nomura traders dahil madami active dito and makakatulong sila, Here's the link: https://www.facebook.com/groups/1923933447917465

Ito naman yung link ng Facebook post ng recent accident sa account niya sa BDO: https://www.facebook.com/fabegrace01/posts/3678537728827421

If may suggestions kayo guys like experiences sa BDO or other platforms like BPI or mga better ideas sa stock trading, share niyo naman! Cheesy
mk4
Legendary
*
Offline Offline

Activity: 2926
Merit: 3881


📟 t3rminal.xyz


View Profile WWW
June 18, 2020, 07:59:47 AM
 #2

My guess is maraming nag ccrypto trading at hindi nag sstock trading dahil:

1. Either walang TIN number, or ayaw lang mag effort ang mga tao na magsubmit ng documents and requirements sa stock brokers. Whereas sa Binance hindi mo na kailangan ng KYC(for now).

2. Probably dahil ang mga funds ng tao dito ay galing sa mga bounties at signature campaigns, hence dinederetso nalang nila sa exchange ung funds, kesa ibenta sa pesos.
Beparanf
Hero Member
*****
Offline Offline

Activity: 2940
Merit: 795


View Profile
June 18, 2020, 12:47:50 PM
 #3

I'm still doing Stock trading pa minsan minsan, hindi kasing dalas pag sa crypto since sa stocks ok lang I hold knowing na pang long term talaga growth pag sa mga companies sa Pinas ang iinvestan. If nagcrcrypto na and alam na mas may chance na mabilis ang pagbaba akyat ng presyo mas mainam ito bilang trading. Gamit Colfinancial and ngayong quarantine ko lang totally naba naba bantay bantayan stocks ko.
pilosopotasyo
Member
**
Offline Offline

Activity: 952
Merit: 27


View Profile
June 18, 2020, 05:46:22 PM
 #4

Na check ko yung BDO Nomura parang maraming complain sa official group nila laging down daw ito, gusto ko ring matutong mag trade pero sa totoo lang need mo talaga pag aralan muna ito kasi long term ito di katulad sa Crypto pag kakuha ng rewards sa bounty dump agad o kaya pag hit sa market at may profit sell muna
Theb
Hero Member
*****
Offline Offline

Activity: 1680
Merit: 655


View Profile
June 18, 2020, 07:14:55 PM
 #5

My guess is maraming nag ccrypto trading at hindi nag sstock trading dahil:

1. Either walang TIN number, or ayaw lang mag effort ang mga tao na magsubmit ng documents and requirements sa stock brokers. Whereas sa Binance hindi mo na kailangan ng KYC(for now).

Regarding sa TIN siguro swerte na din ako na pumasok ako sa stock exchange na estudyante ako at friendly yung stock broker namin na kahit wala daw tin basta nasa college ka pa din. When I asked kung paano naman yung mga hindi makakapag-submit ng TIN na graduate or matanda na hindi din naman sila pinag-babawal ang gagawin lang nila is iho-hold yung dividends na makukuha mo until makapag-provide ka ng TIN number sakanila.


2. Probably dahil ang mga funds ng tao dito ay galing sa mga bounties at signature campaigns, hence dinederetso nalang nila sa exchange ung funds, kesa ibenta sa pesos.

I don't know the exact numbers pero mukhang mas madami pa ang nasa crypto trading kumpara sa sariling stock market natin. Natatandaan ko dun sa isa kong post at least 17% ng internet users ay may hawak ng cryptocurrencies kumpara naman sa stock market na wala pang 1% ng populasyon ang kasama dito. Di ko alam ang totoong dahilan pero may dati nadin kasing research na yung mga millenials sa South Korea and Japan ay nagte-tend to invest in the crypto market dahil mas mabilis yung price movement dito kumpara sa stock market and baka kasama na din ito sa dahilan ng mga Filipino kung bakit mas madami ang nasa crypto trading kumpara sa sarili nating stock market.
bisdak40
Hero Member
*****
Online Online

Activity: 2464
Merit: 560


DGbet.fun - Crypto Sportsbook


View Profile
June 18, 2020, 10:22:15 PM
 #6

Sa totoo lang, gusto ko sanang mag-explore sa stocks trading kaso lang noong nagkwekwentohan kami ng pinsan ko sabi nya ay kailangan ng malaking halaga ng pera para makapag-invest tayo sa stocks at doon ako nawalan ng gana dahil sa palagay ko bakit ako maag-invest ng malaking pera sa bagay na walang kasiguruhan. Baka mali lang impression ko sa stocks trading.

Ang tanong ko, magkano ba talaga yong minimum amount para makapagsimula ka sa stocks trading, yong tipong may leverage ka na makapaglaro sa ganitong kalakaran.

I'm a believer of "If in doubt, please ask" so don't bash me here  Smiley.
ice18
Hero Member
*****
Offline Offline

Activity: 2492
Merit: 542



View Profile
June 19, 2020, 02:08:24 AM
 #7

Hindi ko pa den nasubukan ito kasi crypto lang ako lagi sa stocks kasi parang matagal kumita diyan lalo na kung maliit puhunan mo although marami den ako nakikita sa social media na karamihan sa stocks kagaya nga ng sinabi ni op bumaba ang price ng stocks ngayon dito satin kaya I agree na maganda pumasok ngayon dito pero may tanong lang ako recommended ba ang maghodl ng matagal dito or kapag kumita ka benta agad?   
Casdinyard (OP)
Hero Member
*****
Offline Offline

Activity: 2184
Merit: 891


Leading Crypto Sports Betting and Casino Platform


View Profile
June 19, 2020, 03:02:40 AM
 #8

My guess is maraming nag ccrypto trading at hindi nag sstock trading dahil:
1. Either walang TIN number, or ayaw lang mag effort ang mga tao na magsubmit ng documents and requirements sa stock brokers. Whereas sa Binance hindi mo na kailangan ng KYC(for now).
2. Probably dahil ang mga funds ng tao dito ay galing sa mga bounties at signature campaigns, hence dinederetso nalang nila sa exchange ung funds, kesa ibenta sa pesos.

Tama naman na maraming necessary documents ang pagiinvest sa stocks pero as far as I know kapag ikaw mismo ang nagtrade ng stocks especially sa mga platforms gaya ng BDO, BPI, Philstocks, is mas convenient like the common KYC na ginagawa naman ng karamihan sa atin. And I won't disagree na totoong galing crypto mismo ang profits ng karamihan rito sa forum pero kasi di din mawawala yung fact na mas solid ang pagtetrade sa stocks na good for both long term and daily trading.

Na check ko yung BDO Nomura parang maraming complain sa official group nila laging down daw ito, gusto ko ring matutong mag trade pero sa totoo lang need mo talaga pag aralan muna ito kasi long term ito di katulad sa Crypto pag kakuha ng rewards sa bounty dump agad o kaya pag hit sa market at may profit sell muna

Madami lang naging complaints si Nomura kasi ang lowest and minimum internet speed para mag live trading rito is 1mbps in which most of the users argued bakit di sila makalog in or nagloloko. I've also asked some people na madalas sa platform and they've said na mas better lang talaga ang BDO nomura for holding and long term investment kasi ikaw mismo ang may hawak ng stocks while most kept arguing the faulty system of the platform kasi daily trading ang hanap nila.

~
Ang tanong ko, magkano ba talaga yong minimum amount para makapagsimula ka sa stocks trading, yong tipong may leverage ka na makapaglaro sa ganitong kalakaran.
~

AFAIK minimum of P5,000 ang pinaka magandang start ng Stock Trading eh sa kahit anong platform kasi mabagal din ang paglaki nito, in example kung magdadaily trading ka, ang JFC is 100 ngayon nang binili mo before magclose ang market then tomorrow pagkabukas ng market nagsimula sa 110 but then yung holdings mo is 3 shares lang meaning 100x3= 300 and 110x3=330 meaning 30 pesos lang ang kikitain mo. Hence, if you really want to earn big, invest bigger.

... may tanong lang ako recommended ba ang maghodl ng matagal dito or kapag kumita ka benta agad?   

Depende sa kung anong klaseng investor and trader ka, are you long term (holding) or short term (day trading)? Mostly kasi sa mga stock traders mga inaaral talaga kung paano gumalaw ang market and how to read yung movement nito which is mostly analyzing ang market and research sa businesses ang ginagawa nila, therefore malaki ang kita mo IF you know when to buy and sell your stocks.
chrisculanag
Full Member
***
Offline Offline

Activity: 1344
Merit: 103



View Profile
June 19, 2020, 04:54:45 AM
 #9

Wala pa po akong karanasan sa pag sstock trading dahil na rin po ata sa mga katunayang dokumentong kailangan. Ang kaalaman ko lang po dito ay ang pag ttrade ng mga altcoins at mga bounty coins na natatanggap ko sa mga decentralized na trading exchange. Pero nang dahil sa mga kaalaman na nababahagi dito nadadagdagan ang kaalaman ko sa ibat ibang klase kalakalan pang online. Susubukan kong matutunan ang pag sstock trading at baka ito na ang makakasalba sa mga pangangailangan ko, pero bago ang lahat kailangan ko muna syang pag aralan para may kaalaman kahit papaano.
yazher
Hero Member
*****
Offline Offline

Activity: 2268
Merit: 588


You own the pen


View Profile
June 19, 2020, 06:33:42 AM
 #10

Hanggang basa2x nalang talaga ako dyan sa stock trading sa totoo lang napakahirap para sa akin ang lumahok jan. lalo na wala akong gaanong papeles na maipakita kung sakaling hihingian ako. ang advantage kung marunong ka rin jan ay marami kang magiging source of income o yung tinatawag nilang diversify. kung magwowork yung strategy mo jan at sa crypto trading aba! magiging successful ka talaga sa dalawang indusrtya. ngunit yung downside lang talaga compare sa crypto trading ay yung mga requirements na hihingin ng mismong site. kaya stick nalang ako sa crypto trading para wala masyadong hassle.
mk4
Legendary
*
Offline Offline

Activity: 2926
Merit: 3881


📟 t3rminal.xyz


View Profile WWW
June 19, 2020, 07:37:59 AM
 #11

Regarding sa TIN siguro swerte na din ako na pumasok ako sa stock exchange na estudyante ako at friendly yung stock broker namin na kahit wala daw tin basta nasa college ka pa din. When I asked kung paano naman yung mga hindi makakapag-submit ng TIN na graduate or matanda na hindi din naman sila pinag-babawal ang gagawin lang nila is iho-hold yung dividends na makukuha mo until makapag-provide ka ng TIN number sakanila.
Lucky! As far as I know nowadays pag wala kang TIN, kailangang ipangalan sa parents mo muna.

I don't know the exact numbers pero mukhang mas madami pa ang nasa crypto trading kumpara sa sariling stock market natin. Natatandaan ko dun sa isa kong post at least 17% ng internet users ay may hawak ng cryptocurrencies kumpara naman sa stock market na wala pang 1% ng populasyon ang kasama dito. Di ko alam ang totoong dahilan pero may dati nadin kasing research na yung mga millenials sa South Korea and Japan ay nagte-tend to invest in the crypto market dahil mas mabilis yung price movement dito kumpara sa stock market and baka kasama na din ito sa dahilan ng mga Filipino kung bakit mas madami ang nasa crypto trading kumpara sa sarili nating stock market.
Whatever the number is, I wouldn't be surprised. Malayong mas madali kasi pasukin ang cryptocurrency markets dahil hindi pa mahigpit lahat ng exchanges sa ngayon; and not to mention ung mga UI/UX ng most of mga stock brokers natin dito sa PH e parang website na ginawa nung 90s pa. *I'm looking at you, COL Financial*

Tama naman na maraming necessary documents ang pagiinvest sa stocks pero as far as I know kapag ikaw mismo ang nagtrade ng stocks especially sa mga platforms gaya ng BDO, BPI, Philstocks, is mas convenient like the common KYC na ginagawa naman ng karamihan sa atin.
Actually hindi talaga mas convenient ang KYC ng typical stock brokers. Kailangan ng TIN number from BIR, tapos minsan kailangan pa minsan ng videocall for verification(with COL Financial).

And I won't disagree na totoong galing crypto mismo ang profits ng karamihan rito sa forum pero kasi di din mawawala yung fact na mas solid ang pagtetrade sa stocks na good for both long term and daily trading.
Stocks vs crypto being better for trading and investing is hugely subjective.
meanwords
Full Member
***
Offline Offline

Activity: 1624
Merit: 163


View Profile
June 19, 2020, 08:11:06 AM
 #12

Hindi ko pa den nasubukan ito kasi crypto lang ako lagi sa stocks kasi parang matagal kumita diyan lalo na kung maliit puhunan mo although marami den ako nakikita sa social media na karamihan sa stocks kagaya nga ng sinabi ni op bumaba ang price ng stocks ngayon dito satin kaya I agree na maganda pumasok ngayon dito pero may tanong lang ako recommended ba ang maghodl ng matagal dito or kapag kumita ka benta agad?  

Hindi naman ganoon kalaking halaga ang kailangan mong Iinvest sa mga stocks. Sa mga brokers kasi, may batas sila na may specific minimum shares ka dapat na abutin bago maka-invest kaya kapag mahal na ang shares na gusto mong iinvest, malaki din ang capital mo, kapag mura naman ang company na gusto mong iinvestan, mura ang minimum capital. But I think the thing here is that compared sa cryptocurrency, mabagal ang kilos ng mga stocks. May time kang pag-isipin mabuti ang gagawin mo at may time kang gumalaw kung sakaling may mangyari man sa company, maganda man o pangit.
Allenzxc
Newbie
*
Offline Offline

Activity: 9
Merit: 1


View Profile
June 19, 2020, 03:55:46 PM
 #13

Ito yung pinag aaralan ko ngayon e. Sakto pa ngayon at mababa ang ibang mga presyo ng stocks like JFC dahil siguro sa COVID.
Hippocrypto
Sr. Member
****
Offline Offline

Activity: 1484
Merit: 277



View Profile
June 20, 2020, 12:26:43 AM
 #14

Hanggang basa2x nalang talaga ako dyan sa stock trading sa totoo lang napakahirap para sa akin ang lumahok jan. lalo na wala akong gaanong papeles na maipakita kung sakaling hihingian ako. ang advantage kung marunong ka rin jan ay marami kang magiging source of income o yung tinatawag nilang diversify. kung magwowork yung strategy mo jan at sa crypto trading aba! magiging successful ka talaga sa dalawang indusrtya. ngunit yung downside lang talaga compare sa crypto trading ay yung mga requirements na hihingin ng mismong site. kaya stick nalang ako sa crypto trading para wala masyadong hassle.

Sa tingin ko nga mas mabuting mag stay lang muna sa crypto trading kaysa iisipin mo pa ang mga bagay tungkol sa pag trade gamit ang stocks. Dati kasi meron akong kaibigan na nag suggest sa akin na maganda daw ang kitaan sa stocks gamit ang fiat. Kaso medyo malaking pera ang nakataya bago ka makalikom ng magandang kita. Ang ikinababahala ko lang ay kung babagsak ito kasama na pati capital mo, yun ang pinakamasaklap. Kaya focus lang muna sa cryptocurrency kasi marami kang choices di gaya ng stocks.
Awraawra
Full Member
***
Offline Offline

Activity: 338
Merit: 102


View Profile
June 20, 2020, 10:19:56 PM
 #15

Hindi ko pa yata natry yan sa katunayan kasi hirap ako dyan sa stock hindi ko rin masyadong maintindihan ang pasikot sikot dyan kaya hindi nalang ako pumapasok sa mga bagay na hindi ko kabisado. Baka kasi pag nag try ako mawala lang pera ko.
malcovi2
Member
**
Offline Offline

Activity: 1099
Merit: 76


View Profile
June 21, 2020, 01:24:04 AM
 #16

Hindi ko pa yata natry yan sa katunayan kasi hirap ako dyan sa stock hindi ko rin masyadong maintindihan ang pasikot sikot dyan kaya hindi nalang ako pumapasok sa mga bagay na hindi ko kabisado. Baka kasi pag nag try ako mawala lang pera ko.

madali lang yan, hanapin mo lang yung hinahype na company.. pump and dump din lang ang stock market..

Naalala ko talaga yung NOW grabe sila makapag hype yun daw ang 3rd telco hahaha ang daming nauto doon.
Bitcoinislife09
Full Member
***
Offline Offline

Activity: 1028
Merit: 144

Diamond Hands 💎HODL


View Profile
June 21, 2020, 02:36:04 AM
 #17

I'm still doing Stock trading pa minsan minsan, hindi kasing dalas pag sa crypto since sa stocks ok lang I hold knowing na pang long term talaga growth pag sa mga companies sa Pinas ang iinvestan. If nagcrcrypto na and alam na mas may chance na mabilis ang pagbaba akyat ng presyo mas mainam ito bilang trading. Gamit Colfinancial and ngayong quarantine ko lang totally naba naba bantay bantayan stocks ko.


Ang stock trading ay ginagawa sa Pilipinas ang crypto trading sa iba't ibang bansa. Pero san nga ba mas safe ang pera natin? Sang-ayon ako na pang long term talaga ang stock trading. Gamit ang mga stock websites tulad ng Colfinancial ay maaaring lumago ang pera mo.

Pero pano nga ba gumagana ang mga stock market? Maraming paraan, pero alamin natin ito sa pamamagitan ng paggamit ng isang palengke bilang ating larawan.

Tulad ng pagbili ng mga produkto at serbisyo sa isang palengke halimbawa na lamang ay mga prutas, rekado, gulay at marami pang iba ay tulad rin ng sa stock market. Ang pagkakaiba lamang ay ang mga produkto na binibili. Sa stock market kasi binebenta at binibili ang mga kumpanya. Malalaking kumpanya ang mga binebenta tulad na lamang ng Jollibee, Meralco, Ayala land at narami pang iba. Kaya't panghabang buhay talaga ang iyong stock investment unless wiwithdrawin mo ito.

Parehas namang lalago ang pera natin sa stock market at sa stock trading sa crypto. Pero sa stock trading sa crypto kailangan ng luck kasi tumataas at bumababa ang value nito.


meanwords
Full Member
***
Offline Offline

Activity: 1624
Merit: 163


View Profile
June 21, 2020, 03:25:03 AM
 #18

Parehas namang lalago ang pera natin sa stock market at sa stock trading sa crypto. Pero sa stock trading sa crypto kailangan ng luck kasi tumataas at bumababa ang value nito.

Pareho naman silang may kailangan ng luck kasi pareho lang tumataas at bumababa ang value nito. Pareho din silang bumabase sa news para makita ang galaw ng market. Satingin ko ang pinagkaiba lang ng dalawa ay lahat ng nangyayari sa cryptocurrency ay masmabilis kaysa sa stock market kaya dapat ay mabilis kang kumilos at mag-research or malulugi ka sa investment mo pag nangyari na ang dump.
mk4
Legendary
*
Offline Offline

Activity: 2926
Merit: 3881


📟 t3rminal.xyz


View Profile WWW
June 21, 2020, 03:38:22 AM
 #19

madali lang yan, hanapin mo lang yung hinahype na company.. pump and dump din lang ang stock market..

Naalala ko talaga yung NOW grabe sila makapag hype yun daw ang 3rd telco hahaha ang daming nauto doon.

When talking about small-cap hype stocks, then yes; may pump and dump cycles rin ang karamihan ng stocks. But let's not forget na mas sustainable long-term investments ang stocks as long as hindi ka masyadong maghohold ng risky businesses.
Shimmiry
Full Member
***
Offline Offline

Activity: 840
Merit: 105


★Bitvest.io★ Play Plinko or Invest!


View Profile
June 21, 2020, 06:54:18 AM
 #20

~

Akala ko noong una need pa ng valid papers such as legal documents and mga papel na pipirmahan para makapaginvest sa stocks and magkaroon ng shares. Ngayon ko lang nalaman to kasi hindi naman ako ganoon ka-focus sa stock trading kasi AFAIK madami nang nalugi rito at common na yung mga natatalo (napapanood ko sa movies na millions yung investment and millions din yung nalulugi). Salamat kababayan sa info! Sobrang nakakatulong ito, try ko na din sumali sa group na sinabi mo.

Ngunit ang tanong ko lang, pag ba nagstart ako ng stock trading and kumita dito, itatax ako ng BIR? Kasi online lang ang media na ginamit ko in which hindi sakop and instead na taxable job ito is nagiging convenient and free access sa iba. Would this be taxable?
Pages: [1] 2 »  All
  Print  
 
Jump to:  

Powered by MySQL Powered by PHP Powered by SMF 1.1.19 | SMF © 2006-2009, Simple Machines Valid XHTML 1.0! Valid CSS!