Bitcoin Forum
November 07, 2024, 08:35:54 AM *
News: Latest Bitcoin Core release: 28.0 [Torrent]
 
   Home   Help Search Login Register More  
Pages: [1] 2 »  All
  Print  
Author Topic: Ang kahalagahan ng pag gamit ng iba't ibang email kaugnay sa ating crypto  (Read 526 times)
Baofeng (OP)
Legendary
*
Offline Offline

Activity: 2772
Merit: 1679

View Profile
June 18, 2020, 01:32:04 PM
Merited by Theb (1)
 #1

Isalin ko lang to sa lokal natin, maraming nabigay na magagandang mungkahi tungkol sa paksang ito:

Nitong buwan ng Hunyo lamang, marami na tayong nakitang hacks/pagsasamantala/paglabag na. At nabasa natin na itong mga hackers ay itinatapon ang ating mga personal na impormasyon sa publiko o ibenebenta at mga ito sa itim na pamilihan.

Ang ilan sa mga ito ay maaaring hindi totoo, gayunpaman, ito ay pa rin isang banta "na-highlighted" nang maraming beses, at bilang mga gumagamit ng crypto, kailangan nating magsagawa ng mga hakbang sa kaligtasan ng ating sarili. Nasa ibaba ang ilan sa mga napabalitang data dumps sa mga nakaraang buwan.

Bakit ba ito mahalaga sa atin?

  • maaari nilang direktang ma-access ang iyong account sa crypto at manakaw ng lahat mula sa iyo
  • nakalantad ang iyong address at maaari kang maging target sa iyong pisikal na tahanan
  • ang mga lumbas na email ay maaaring maging "cross-reference sa iba pang mga paglabag sa data sa nakaraan panahon, at kung hindi ka nagsanay ng pagkakaroon ng iba't ibang email at malakas na mga password, mabilis nila itong na-decrypted, at maaaring gamitin ang "process of elimination" sa pamamagitan ng pag-log sa iba't ibang mga nauugnay sa crypto mga site tulad ng mga exchanges at mga online na mga wallet upang makuha ang nais nila mula sa iyo

Pinakamahusay na kasanayan:

  • gumamit ng malakas at random na password para sa iyong iba't ibang mga email account
  • gumamit ng mahusay na "password manager
  • 2FA

Orihinal na thread: The importance of using different emails for your crypto related activity.
Theb
Hero Member
*****
Offline Offline

Activity: 1680
Merit: 655

View Profile
June 18, 2020, 10:12:45 PM
Merited by Baofeng (1)
 #2

Hindi ko alam if ito yung common practice pero I always try to separate my emails depende kung anong klaseng account or purpose ang gagawin ko.

I am using 1 email for each of this group
  • Social media accounts
  • Subscription based accounts (Netflix, Spotify)
  • Custodial wallet accounts
  • Crypto exchange accounts
  • Business email

Also bukod dun sa sinabi na ng OP ito ang iba ko pang ginagawa
  • When it comes to sketchy websites use disposable emails when registering - Alam ko madami ng websites na bago ka makapasok kailangan mo mag-register so the best solution just to be safe is creating a new email para lang makapag sign-up ka ang verify yung account mo.
  • Always try to uncheck unnecessary options for receiving additional emails like newsletter or notifications - By doing so so are avoiding your account to be cluttered with trash and spam kung saan ka nakapag-register it's a good way of having a clean email and also lessens the risk na mabiktima ka sa phishing email na similar sa itsura na matatanggap mo, at least pag nakatanggap ka makakapag-duda ka kaagad kung bakit ka nakatanggap nun
maxreish
Sr. Member
****
Offline Offline

Activity: 1358
Merit: 326

View Profile
June 19, 2020, 12:21:21 AM
 #3

Noong baguhan pa lang ako sa crypto, iisa lang ang gamit kong password sa lahat ng accounts ko at iisang email lang din ang ginagamit ko noon sa mga pag sign up sa ibat ibang websites. Not until my one account was hacked and they've managed to get my funds. Mabuti at mabilis kong nareport at nachange password ang email ko. Though hindi na maibabalik yong nawala pero lesson learned eto sa akin.

After that incidents, I used 2fa google authy at iniiba iba ko na rin ang passwords sa lahat ng gamit ko. And just ike theb, I used different email adds din lalo na at gusto natin isecure ang crypto funds natin.
rhomelmabini
Hero Member
*****
Offline Offline

Activity: 2058
Merit: 578

No God or Kings, only BITCOIN.

View Profile
June 19, 2020, 05:50:34 AM
 #4

How about yung suggested password ng google kapag gumagawa ka ng accounts for example on a course platform na nasi-save naman sa browser cache mo? Do you think mainam na habit to and of course sini-save mo rin naman yung mga password na yun somewhere safe like hard drives, papel at iba pa.

This one: https://support.google.com/chrome/answer/7570435?co=GENIE.Platform%3DDesktop&hl=en
mk4
Legendary
*
Offline Offline

Activity: 2926
Merit: 3881

📟 t3rminal.xyz

View Profile WWW
June 19, 2020, 06:14:16 AM
 #5

How about yung suggested password ng google kapag gumagawa ka ng accounts for example on a course platform na nasi-save naman sa browser cache mo? Do you think mainam na habit to and of course sini-save mo rin naman yung mga password na yun somewhere safe like hard drives, papel at iba pa.

Personally haven't tried that feature, pero as much as possible, sana lahat ng passwords natin ay:

  • 40 characters or more
  • contains numbers
  • contains capital letters
  • contains special characters

Para mas mahirap to i-bruteforce kung may magbalak man.

As for saving passwords sa Google account, I prefer not to. Just use reputable and open-source password managers like KeePass2[1] and Bitwarden[2].

[1] https://keepass.info/
[2] https://bitwarden.com/
rhomelmabini
Hero Member
*****
Offline Offline

Activity: 2058
Merit: 578

No God or Kings, only BITCOIN.

View Profile
June 19, 2020, 08:58:59 AM
 #6

Thanks sa input. By the way, I have downloaded KeePass it's a little confusing to me since new to the platform mostly kasi umaasa ako sa cloud platform password manager pero hindi naman pala talaga siya safe. Thanks sa pagbabagi ng mga open source passwrod manager, I'll try to educate myself in these kind of things.  Wink
mk4
Legendary
*
Offline Offline

Activity: 2926
Merit: 3881

📟 t3rminal.xyz

View Profile WWW
June 19, 2020, 10:34:39 AM
 #7

Thanks sa input. By the way, I have downloaded KeePass it's a little confusing to me since new to the platform mostly kasi umaasa ako sa cloud platform password manager pero hindi naman pala talaga siya safe. Thanks sa pagbabagi ng mga open source passwrod manager, I'll try to educate myself in these kind of things.  Wink

Cloud hosted are a lot more convenient, pero yes added potential security issue. With KeePass pero, pwede mong isave sa Google Drive or Dropbox ung password database(database lang, hindi kasama ung master password of course) para mas madaling i-sync sa desktop at mobile.
dothebeats
Legendary
*
Offline Offline

Activity: 3766
Merit: 1354

View Profile
June 19, 2020, 06:41:50 PM
 #8

I have 57 emails to be exact, each of which e dedicated sa iisang service lamang. It's been a habit of mine na gumawa ng bagong email para sa panibagong service na pagagamitan ko. I store all of the login information on an old tablet capable of saving text files and accessing it without any problems. It has been a custom for 5 years now and over time, as more and more data breach are being publicized, mas lalo kong pinapasalamatan ang sarili ko dahil ginawa ko ito. Time-consuming at confirmations and 2-factor authentication, pero it gets the job done plus sure pa ako na safe ang aking accounts for possible resets and/or anything of the likes.
bL4nkcode
Copper Member
Legendary
*
Offline Offline

Activity: 2142
Merit: 1307

Limited in number. Limitless in potential.

View Profile
June 19, 2020, 07:57:10 PM
 #9

Di pa ako nag start ng crypto just a norm internet user, yan yung always kung ginagawa, separate emails base sa mga uses nito like sa trading exchange, custodial wallets, social media, business, personal, gaming, videos/youtube, subscriptions, pate tryouts if ever na sa tingin ko safe yung site.

Always din gumamit ng 2FA or OTP sa mga banking apps, social media accts ko na di ko madalas ginagamit is naka 2fa maging google accounts na importante is naka apply yung lahat ng security recommendations. Tapus naka security lock pa yan sa phones ko lol, though medjo time consuming pag gamit pero not a big deal its for safety naman.

And ever since naging may alam ako sa internet ni isa sa mga accounts ko ay wala pang na breach or hack kaya iba talaga pag may alam about security.

Related naman sa passwords nasa 20 characters lang with upper/lowercase, special characters and numbers at memorize yun never pa ako gumamit ng password managers ewan ko din kung bakit lol, pero so far lahat ng 20+ na emails ko na access ko pa naman with different pass yan sympre.

samcrypto
Sr. Member
****
Offline Offline

Activity: 2044
Merit: 314

Vave.com - Crypto Casino

View Profile
June 19, 2020, 09:11:17 PM
 #10

I have so many emails honestly and I’m using it depends on my transactions, since madali lang naman gumawa ng email why not using more emails diba para naman ito sa seguridad mo ren.

So far 2FA palang ang gamit kong security and di pa naman ako nabibiktima ng hackers sa email ko. Wala akong ginagamit na password manager, medyo doubt den kase ako dito pero marami naman na nagsabe na ok ito lalo na kung marami kang email at iba iba yung password.

Mahalaga na maging organisado ren tayo patungkol dito, if masyado nang marami yung mga account mo tendency is di mo na sya mamomonitor especially if may emails na importante. Kaya lagi talaga naka-on yung notification ko para naman di ko ren mamiss yung mga emails ko.
Allenzxc
Newbie
*
Offline Offline

Activity: 9
Merit: 1

View Profile
June 20, 2020, 06:19:26 PM
 #11

Hindi ko alam if ito yung common practice pero I always try to separate my emails depende kung anong klaseng account or purpose ang gagawin ko.

I am using 1 email for each of this group
  • Social media accounts
  • Subscription based accounts (Netflix, Spotify)
  • Custodial wallet accounts
  • Crypto exchange accounts
  • Business email

Same hereee. Sa dami nga ng mga email eh nakakalito na minsan kahit naka organize naman na according to use. Hahaha. Pero worth it parin for the safety of my accounts.
Theb
Hero Member
*****
Offline Offline

Activity: 1680
Merit: 655

View Profile
June 20, 2020, 08:00:47 PM
 #12

You can always write it down sa isang notebook o anything offline para lang mabilis mong matandaan yung mga emails na ito at kung saan mo siya ginagamit. Hindi ko mare-recommend sayo na ilagay mo itong email lists mo sa mga note apps like Google Keep o Samsung Notes kasi cloud based storage ito at hindi sya safe kumpara sa pag-store ng email list mo na ikaw lang ang may tanging access dito. Alam ko naman na hindi mahirap kabisaduhin yan kasi makakabisado mo naman ito at masasanay ka pag palagi kang nagbabasa ng email. Also when it comes to safety ng accounts I would suggest na basahin mo din yung mga ibang nasabi ng mga miyembro dito kasi itong pag separate ng email ay isa lamang sa mga paraan para lamang ma lessen yung data breach na mangyayari kung isang email lang ang meron ikaw para sa lahat ng gawain.
Kong Hey Pakboy
Member
**
Offline Offline

Activity: 1120
Merit: 68

View Profile
June 22, 2020, 07:33:12 AM
 #13

Hindi ko alam if ito yung common practice pero I always try to separate my emails depende kung anong klaseng account or purpose ang gagawin ko.

I am using 1 email for each of this group
  • Social media accounts
  • Subscription based accounts (Netflix, Spotify)
  • Custodial wallet accounts
  • Crypto exchange accounts
  • Business email

Same hereee. Sa dami nga ng mga email eh nakakalito na minsan kahit naka organize naman na according to use. Hahaha. Pero worth it parin for the safety of my accounts.
Marami din akong email accounts at nakadistribute ang mga ito accordingly sa social media accounts, wallet accounts, business account, at subcriptions accounts ko para kung sakaling mahack isa sa mga ito hindi madadamay ang iba kong mga accounts. Napakahirap din kasing tandaan talaga bawat passwords and usernames bawat email accounts ko kaya nililist ko kaagad sa notes ko after ko magcreate ng accounts o kaya sinasave ko ito sa google browser ko for easy access.
Rosilito
Sr. Member
****
Offline Offline

Activity: 658
Merit: 274

Wish for the rain? Then deal with the mud too.

View Profile
June 22, 2020, 08:45:15 AM
 #14

-

Same hereee. Sa dami nga ng mga email eh nakakalito na minsan kahit naka organize naman na according to use. Hahaha. Pero worth it parin for the safety of my accounts.

You can always write it down sa isang notebook o anything offline para lang mabilis mong matandaan yung mga emails na ito at kung saan mo siya ginagamit. Hindi ko mare-recommend sayo na ilagay mo itong email lists mo sa mga note apps like Google Keep o Samsung Notes kasi cloud based storage ito at hindi sya safe kumpara sa pag-store ng email list mo na ikaw lang ang may tanging access dito. Alam ko naman na hindi mahirap kabisaduhin yan kasi makakabisado mo naman ito at masasanay ka pag palagi kang nagbabasa ng email. Also when it comes to safety ng accounts I would suggest na basahin mo din yung mga ibang nasabi ng mga miyembro dito kasi itong pag separate ng email ay isa lamang sa mga paraan para lamang ma lessen yung data breach na mangyayari kung isang email lang ang meron ikaw para sa lahat ng gawain.

How about saving it sa spreadsheet MS Excel, and the likes? Dunno if good pero I used to do it sa mga important stuff ko even IRL activities. Madali lang rin kasi i-sort dito para 'di ka rin malito which email account dedicated to certain platform; games, servers...  Cheesy.

Ganda rin naman ilagay sa mga physical notes however if you're a type of person na burara sa mga gamit or let's say na makakalimutin ka, medyo magiging trouble 'yon lalo na pag need mo na hanapin haha  Grin. Pero okay na rin naman for physical backup specially if 'di nagana computer or laptop mo, or may nangyari na something.

Suggestion lang naman  Tongue.
peter0425
Sr. Member
****
Offline Offline

Activity: 2828
Merit: 458

Vave.com - Crypto Casino

View Profile
June 22, 2020, 12:32:50 PM
 #15

Marami din akong email accounts at nakadistribute ang mga ito accordingly sa social media accounts, wallet accounts, business account, at subcriptions accounts ko para kung sakaling mahack isa sa mga ito hindi madadamay ang iba kong mga accounts. Napakahirap din kasing tandaan talaga bawat passwords and usernames bawat email accounts ko kaya nililist ko kaagad sa notes ko after ko magcreate ng accounts o kaya sinasave ko ito sa google browser ko for easy access.
Exactly mate at bakit ba kasi andaming tamad na gumawa at tandaan ang mga email accounts nila samantalang pwede naman nila i save sa papel or anywhere na safe ang kanilang mga email account.

pangalawa Libre naman ang pag gawa ng emails so why hesitate to create many?

Ugaliin na nating ihiwalay ang ating mga emails lalo nat marami tayong mga pinapasukang or pinag lalagyan ng emails natin.
Shimmiry
Full Member
***
Offline Offline

Activity: 840
Merit: 105

★Bitvest.io★ Play Plinko or Invest!

View Profile
June 22, 2020, 02:27:30 PM
 #16

~

Totoo nga na maraming na hahack kapag iisang email lang ang gamit mo para sa mga crypto wallets and trading platforms ng gagamitin mo, pero ang hirap din kasi kung mayroon kang sampu o mahigit na wallets and/or trading/exchange platform na ginagamit and iba't ibang email pa ang gagawin mo para lang rito. Kasi sa kahit na ilang email pa gawin mo, phone number mo parin ang pinakamahalagang verification ngayon, hence making multiple email accounts is not that secured.

Maybe you should consider indicating in the OP this:

Weekly check if your email or your password is pwned or common by using:
https://haveibeenpwned.com for emails
https://haveibeenpwned.com/Passwords for passwords obviously

Overall, ang seguridad ng account mo is nakadepende padin sa kung gaano ka complex ang password mo and gaano mo tinatago yung private and personal phone number mo, and most likely depende din sa security ng devices mo and mga activities na maaaring magpavulnerable nito.
Twentyonepaylots
Sr. Member
****
Offline Offline

Activity: 1918
Merit: 370

View Profile
June 23, 2020, 08:08:20 PM
 #17

Marami din akong email accounts at nakadistribute ang mga ito accordingly sa social media accounts, wallet accounts, business account, at subcriptions accounts ko para kung sakaling mahack isa sa mga ito hindi madadamay ang iba kong mga accounts. Napakahirap din kasing tandaan talaga bawat passwords and usernames bawat email accounts ko kaya nililist ko kaagad sa notes ko after ko magcreate ng accounts o kaya sinasave ko ito sa google browser ko for easy access.
Exactly mate at bakit ba kasi andaming tamad na gumawa at tandaan ang mga email accounts nila samantalang pwede naman nila i save sa papel or anywhere na safe ang kanilang mga email account.
Ugali ko rin to minsan na alam ko namang mali pero nagagawa ko pa rin siguro dulot na rin ng procrastination, minsan sinasabi ko sa sarili ko na matatandaan ko tong email na to pati password although alam ko na hindi lol. I have several email, recovery and back up email na naka save sa google drive para ready to reach lang sya kung may mangyari man na di kanais nais. I suggests na isyn nyo lahat ng google accounts nyo para less hassle tsaka mas accessible sya gamitin.

pangalawa Libre naman ang pag gawa ng emails so why hesitate to create many?
Ang reason ko naman not to make many emails, guamagawa lang ko ng sa tingin ko sapat na 5 to 7 emails, kasi lahat sila connected through my mobile number. Ang mahirap lang pagnawala ang mga sim card or na snatch ang phone, pero meron pa rin namang mga ways to access yun ang maganda kay google.

Ugaliin na nating ihiwalay ang ating mga emails lalo nat marami tayong mga pinapasukang or pinag lalagyan ng emails natin.
Kailangan may label ang mga emails, kung san mo pinasok, san mo niregister, or kung san mo sya mainly na ginagamit. Malaking tulong to save time actually.

Email is the soul of an account - twntynpylts  Wink
Hippocrypto
Sr. Member
****
Offline Offline

Activity: 1484
Merit: 277

View Profile
June 24, 2020, 12:32:29 AM
 #18

Marami din akong email accounts at nakadistribute ang mga ito accordingly sa social media accounts, wallet accounts, business account, at subcriptions accounts ko para kung sakaling mahack isa sa mga ito hindi madadamay ang iba kong mga accounts. Napakahirap din kasing tandaan talaga bawat passwords and usernames bawat email accounts ko kaya nililist ko kaagad sa notes ko after ko magcreate ng accounts o kaya sinasave ko ito sa google browser ko for easy access.
Exactly mate at bakit ba kasi andaming tamad na gumawa at tandaan ang mga email accounts nila samantalang pwede naman nila i save sa papel or anywhere na safe ang kanilang mga email account.

pangalawa Libre naman ang pag gawa ng emails so why hesitate to create many?

Ugaliin na nating ihiwalay ang ating mga emails lalo nat marami tayong mga pinapasukang or pinag lalagyan ng emails natin.

Magandang payo yan para sa lahat sa atin kabayan, ang problema kasi sa iba sa atin medyo na ignore na ang pag save ng mga personal na detalye dahil sa pagka busy sa ibang bagay. Kaya mas mabuti talaga na may back-up sa lahat ng transactions na ginawa natin. Kung sa email takot ka e save ito sa internet, pwede naman e print out ito using hardcopy or e copy ito gamit ang notebook. Makakatulong din ang cloud saving gamit and onedrive at iba pang resources na makakatulong at least maraming options.
Bitcoinislife09
Full Member
***
Offline Offline

Activity: 1028
Merit: 144

Diamond Hands 💎HODL

View Profile
June 25, 2020, 12:24:30 AM
 #19

I have 57 emails to be exact, each of which e dedicated sa iisang service lamang. It's been a habit of mine na gumawa ng bagong email para sa panibagong service na pagagamitan ko. I store all of the login information on an old tablet capable of saving text files and accessing it without any problems. It has been a custom for 5 years now and over time, as more and more data breach are being publicized, mas lalo kong pinapasalamatan ang sarili ko dahil ginawa ko ito. Time-consuming at confirmations and 2-factor authentication, pero it gets the job done plus sure pa ako na safe ang aking accounts for possible resets and/or anything of the likes.
Sang ayon ako sa pagkakaroon ng maraming emails. Maraming websites ang humihingi ng email address kapag tayo ay maglalog-in sa kanilang site. Noon ako ay may isa lang email account, connected siya sa lahat ng social media accounts ko kaya naman nahihirapan akong iaccess yung mga bagong messages kasi natatabunan na siya ng mga notifications ng social media accounts ko.

Time consuming sobra kapag hinanap ko ang mga email na kailangan ko. Kaya naman  mas mapapadali ang buhay kapag may multiple email accounts ako. Sa pamamagitan nito kaya kong maaccess ang mga emails kaagad kapag kailangan ko na at sa mabilis na paraan.
Theb
Hero Member
*****
Offline Offline

Activity: 1680
Merit: 655

View Profile
June 25, 2020, 11:14:11 PM
 #20

You can always write it down sa isang notebook o anything offline para lang mabilis mong matandaan yung mga emails na ito at kung saan mo siya ginagamit. Hindi ko mare-recommend sayo na ilagay mo itong email lists mo sa mga note apps like Google Keep o Samsung Notes kasi cloud based storage ito at hindi sya safe kumpara sa pag-store ng email list mo na ikaw lang ang may tanging access dito.
~

How about saving it sa spreadsheet MS Excel, and the likes? Dunno if good pero I used to do it sa mga important stuff ko even IRL activities. Madali lang rin kasi i-sort dito para 'di ka rin malito which email account dedicated to certain platform; games, servers...  Cheesy.

Ganda rin naman ilagay sa mga physical notes however if you're a type of person na burara sa mga gamit or let's say na makakalimutin ka, medyo magiging trouble 'yon lalo na pag need mo na hanapin haha  Grin. Pero okay na rin naman for physical backup specially if 'di nagana computer or laptop mo, or may nangyari na something.

Suggestion lang naman  Tongue.

Sure you can if you are using old versions of MS Office where the file is saved locally, yung problema ko kasi now sa MS Office ko is connected sya online and sync yung files ko sa account ko na yun anywhere where I will log-in my MS Office account so I won't recommend this to people. Even kahit yung files natin na stored sa isang computer na directly connected sa internet ay may risk din makuha isang malware lang katapat nyan at pwede ng makuha yung mga files natin kaya ko rinirecommend ang offline solution which is ang pagsulat sa isang papel. Or maybe you can store that .xls file sa isang USB nalang at i-delete mo yung file sa computer mo para yun lang ang copy na meron ikaw, although I'm not sure kung mas ok ito para sayo kumpara sa paglista ng email mo sa isang papel.
Pages: [1] 2 »  All
  Print  
 
Jump to:  

Powered by MySQL Powered by PHP Powered by SMF 1.1.19 | SMF © 2006-2009, Simple Machines Valid XHTML 1.0! Valid CSS!