Pansin ko nagpapalakas talaga si binance sa Pilipinas, una nung independence day nagbigay sila ng 500 pesos sa mga magdedeposit sa promo nila, at itong post mo na nagdonate sila sa mga hospitals, maganda itong sign ng partnership mula sa kanila.
Sana magtagal ang ganitong magandang gawain ng binance dahil malaking tulong din ito sa bansa natin. Sa aking palagay maraming traders na pinoy ang members sa binance at tsaka sigurado ako na may malaking whales na kabilang dito. Kung ang ganyang pamamaraan sa pag donate nila sa mga hospitals, ay parang charity program at makakatulong ito sa kanilang reputasyon.
Sana nga dahil sa ganitong paraan mailalapit nila ang kanilang platform sa mga pinoy, nakakatuwa dahil nasa platform na nila ang ating local currency iba kasi ang pakiramdam ng ganun yung feeling na kinikilala na ang bansa natin sa mundo ng cryptocurrency.