Nagulat ako nung lumabas itong balitang ito, hindi ko pa nakikita na ang bansa natin ay makakasabay na sa mundo ng crypto currency, lalo't ang unang pumapasok sa isip ng mga Pilipino na scam ang bitcoin o ang crypto. Maraming interesado, ngunit mababaw ang nalalaman at ayaw matuto sa tamang paraan, gusto lahat ay sa mabilisang pamamaraan. Kaya hindi na ako magtataka kung bakit marami satin ang naloloko. Tungkol naman sa pag-aadapt ng ating bansa dito, kailangan sigurong pag-aralan pa nilang maigi ito para maging transparent naman sila tungkol sa government bonds na meron tayo.
Kadalasan kasi sa mga pilipino ay gusto ng easy money, kumbaga kanila ang perang ilalabas pero iba ang magpapalago. Ang cryptocurrency na mismo ang nag adjust para maresolba ang ganitong klase ng investment lifestyle ng mga pilipino pero mayroon paring talaga na ultimo binance investment ibang tao pa hahawak.
If we really want to earn in cryptocurrency, hindi mo kailangan ng iba dahil the more na pinagkakatiwala mo pera mo, bumababa ang chance na kumita ito dahil posible itong mawala sa kamay ng mga mapanlinlang. Hindi ko nilalahat pero hindi naman lahat ng nasa trading ay kumikita at nananalo. Kung matalo man ang trader, mahirap bawiin ang investment, nga nga nalang tayo.
Pero kung tayo ang may hawak ng pera natin at tayo ang nag iinvest, walang masamang magiging imahe ang crypto dahil risk what you can afford to lose. Pag natalo ang investment tayo ang may kasalanan hindi natin sisisihin ang crypto as a whole.