Hindi na din kasi maiiwasan yung mga ganitong website dahil mas mabilis silang dumami kaya mahirap silang mapigilan lahat kaya sa tingin ko ang kaya nalang natin gawin is mabawasan yung mabibiktima nila gamit ang ating sariling paraan katulad ng pagbibigay kaalaman sa mga kaibigan natin o di kaya pag-report sa mga pekeng website na ganito.
At dahil na rin ito sa characteristics ng cryptocurrencies kasi mas napapadali yung operations nila kumpara sa mga online wallets na centralized. Parang dumadami pa nga sila recently, dati wala ako masyadong nakikita sa feed ko pero ngayon may isa or dalawang post na lumilitaw buti na lang hindi sila pinapansin.
Parang walang maitulong sa isang baguhan sa crypto ang ganyang stilo kasi pangloloko lang ang pakay, at hindi naman tayo sigurado na bihasa sa trading ang mga taong ito. Dapat tayong matuto ng trading sa paraan na hindi naka asa sa ibang tao, maraming sources na makakatulong sa atin at wag na mag aksaya ng oras sa mga walang kwentang grupo na pakay lang ay magka pera lang galing sa atin.
Hindi naman sa kailangan matuto pero dapat maging aware or informed pag dating sa pagkakaiba ng dalawa kasi ang hilig ng mga tao mag assume ng basta basta kahit hindi pa nila nakikita lahat ng pangyayari.