Tingin ko hindi na nila kailangan gawin yan. Ang kailangan nilang mas paigtingin ay yung mobile banking at mas mabilis na serbisyo sa lahat ng mga bangko. Gumawa sila ng direktiba na lahat ng mga malalaking commercial banks ay magkaroon ng mas upgraded na system para mas mapabilis lahat ng transactions. Halos lahat naman transactions ngayon ay digital na at mobile kaya kung gagawa sila, parang masasayang lang yung pondo na ilalaan para dyan.
They might see a bigger potential on creating our own digital currency pero dipende paren talaga ito sa pag-aaral na ginagawa nila. May mga bank naman na maganda talaga ang online system nila pero yung mga major banks ay tila napagiiwanan lalo na yung BPI at BDO, considering their customer service ay sadyang nakakaiyak talaga.
Tama lang na pagandahin pa sana ng mga banks yung online system nila, super convenient nito at ito na talaga ang trend ngayon. Mas maayos na online transactions at mas secured para naman magkaroon pa tayo ng tiwala sa mga banks kahit na fiat currency ito.