Maraming Salamat sa recommendation na ito, nung mga panahon na inaaral kong idevelop ang app na iyan, hindi talaga ako familiar sa coingecko API's lately sa tulong niyo nakita ko na ang documentation nila at maigi na ma improve ko pa itong simple app na aking dinevelop.
anong base ng exchange rate OP?
Sa pagkakatanda ko, ang ginamit ko na API sa Bitcoin ay from
https://www.blockchain.com/api, ngunit ang problema na kinaharap ko ay walang direct conversion ito sa PHP, kaya't gumamit pa ako ng ibang currency API to convert USD to PHP.
Salamat pala dito, mabuti pala at nakita ko tong thread na ito. Nai bookmarked ko na rin for future use.
Salamat sa pag suporta kabayan, masaya din ako na nakatulong ako sa paraang ito kahit na hindi ako maalam ng madami sa field ng IT.