Ang laki naman ng minimum purchase kung ganun. Sana nga magbigay ng consideration ang binance sa tulad ko ding small time trader lang. 30,000 php minimum purchase, napakalaki na ito para saken at pwede na itong i diversify pa sa iba pa sanang crypto coins.
Kanina naka-tsamba ako ng seller na 1k lang minimum purchase requirement tapos 49.87 lang ang price niya. Refresh mo lang palagi para ma-update.
Ano nga palang ginamit mo pambili ng usdt sa binance? Credi card ba, bro?
Gamit ko palagi ay GCASH tapos yong 'Send to Bank' functionality niya. Depende kasi sa seller yon kung anong payment option(s) gusto niya.