Ok salamat sa link, pero parang malayo pa yata ang kakaining bigas ng DOT para maikumpara sa ETH. Nothing against the project, dahil ako nga mismo nasilip ko na rin to dati pa. Kailangan parin talaga ng consensus at support ng community para lumakas ito. Para na rin tumapat sa Ethereum kahit pa nung 2017, so far wala pa naman talagang malakas na project na nakakuha ng support ng katulad sa Ethereum, iba talaga pang ikaw ang prime mover, katulad ng bitcoin na rin.
Pero who knows, hindi rin naman masabi baka magtuloy tuloy ang DOT.
Sa tingin ko, market cap ang malakas sa Bitcoin but yung vision ng tao sa kung anong crypto ang mag boboom talaga in the future, Ethereum. Dahil ang ethereum ay may magandang usecase, most of the transaction nangyayari iba't-ibang token na gawa sa ethereum smartcontract at kumukunsumo ng Gas in which Ethereum ang pambayad. Ngayon pa, na lumabas ang mga DeFi projects at ang uniswap, maraming projects ang sumisikat dahil sa Ethereum Blockchain. Next na siguro dito ay ang mga project na nag susupport sa NFT's or non-fungible tokens.