Telco ba ang tawag dito? parang hindi naman yata dahil naka attach lang sila sa globe,
Legit? Globe ang kapit nito? but still ang mahal nga ng pricing nito compared sa mga baging promo ng Globe.
Kung hahatiin sa per gb nasa 12 pesos sya kumpara sa 10 pesos ng globe na 1 day lang ang expiration. Sulit pa rin sya dahil yung 25 pesos mo is kahit next year pa maeexpire dahil ang Sim card niya ay kailangan lang lagyan ng load pinakamababa isang beses sa isang taon.
Kumbaga yung 70 pesos na 1 week 1 gb ni Globe ay hindi pa rin sulit dahil pinaka panghatak nito ay yung walang expiration nya sa load. At yung data allocation mo ang ico convert mo sa calls at text na wala din expiration. Tska madami ko nakikita sa mga Facebook group ng gomo na mabilis daw "sa ngayon" ang internet nya. Pero siguro dahil konti pa lang ang user.
Naghahanap na rin ako ng sim na ito, kaya lang out of stock na sa lazada at Shoppee, wala akong makita.
Maganda talaga ito sa mga student na hindi heavy user, ang benefit lang naman nito sa mga users ay no expiration siya.
Gusto kung i try ito, sana makakita ng supplier, pero sure ako mahal na ito dahil may patong na sa mga reseller.
Kung 5g na sa area mo, wag ito, baka biglang ubos dahil lakas kumain ng data ang 5g.