Kahit sino sa dalawang presidentiables ay wala namang gaanong kalinaw na plataporma na nag a-outline ng mga gagawin nila para sa cryptocurrency, o kahit subtle hints kung ano ang maari nilang gawin sa industriya sa kanilang bansa. Kadalasan, halos lahat ng importanteng mga bill at regulations ay pinapangunahan ng mga mambabatas at pinipirmahan lamang ng presidente, kaya sa ngayon ay hindi pa malinaw kung anong magiging hinaharap ng cryptocurrency sa Amerika. Kahit sino sa dalawa ang manalo, sure na it's the least of their concerns to strengthen cryptocurrency, at malamang ay uunahin nila ang joblessness at ekonomiya ng bansa kaysa sa crypto.
Sang-ayon ako sa iyo kabayan. Kasi kahit ano pang sabihin ni Biden na positibo about Bitcoin and other Cryptocurrency, maaari pa rin itong magbago sa isang iglap lalo na at siya na ngayon ang presidente ng US. May kapangyarihan na siya sa lahat ng mga nais niyang gawin sa kanyang Bansa at sa mga naninirahan rito, maganda man ito o hindi. At wala tayong alam kung totoo nga ba ang kaniyang sinabi sa kaniyang plataporma o ang kaniyang mga sasabihin pa sa paglipas ng mga susunod pang araw, buwan, at mga taon.
Kung may maging issue man siya sa cryptocurrency, ito ay magiging epektibo lamang sa US ngunit apektado rin ang buong mundo kung bumagsak man ang presyo.