Bitcoin Forum
November 08, 2024, 08:29:26 AM *
News: Latest Bitcoin Core release: 28.0 [Torrent]
 
   Home   Help Search Login Register More  
Pages: [1] 2 »  All
  Print  
Author Topic: Bounty Hunter/Sig Participant ka ba? Read This.  (Read 396 times)
cabalism13 (OP)
Legendary
*
Offline Offline

Activity: 1428
Merit: 1166

🤩Finally Married🤩


View Profile
November 30, 2020, 01:44:17 PM
Merited by mk4 (1), Oasisman (1), Peanutswar (1), fishbonez11 (1)
 #1

Naisipan kong gawin itong thread na ito dahil sa nagkaroon na naman n bagong isyu sa ating mga pinoy at isa na naman ito sa dahilan sa pagkasira ng atig imahe.

Kung isa kang:
-All Time Bounty Hunter or Signature Campaign Participant
-Trusted User
-DT1/DT2
-Reputed Member of Bitcointalk

Kung isa ka sa mga nabanggit kahit pa mababa o maliit ang pagtitiwala sayo isipin mo ito bago ka lumugar sa (scam) o kahit anong maling gawain:

-Kahit gaano ka kagipit, dapat mong maisip ang positibong bagay na maibibigay sayo sa hindi pag gawa ng masama... Kung ikaw ay reputed member at patuloy na nakakasali sa mga campaign at ikaw ay may malaking loan sa isang indibidwal at maiisip mo na wag bayaran iyon, isipin mo ito:

a.) yung ipinundar mong account at tiwala
b.) yun sasahurin mo in the future kapag nabayaran mo yung loan
c.) yung feeling na nairaos mo yung loan mo kahit gipit ka
d.) yung kikitain mo sa future na mas malaki kesa sa nanakawin mong pera.

PAYO KO LANG BILANG ISANG REPUTED PERO DAKILANG MANGUNGUTANG:
Gumawa ka ng computation in the future, kumpara sa kukulumbatin mong pera.
Example:
May utang ka ngayon na 0.3BTC na kung susumahin eh kaya mong bayaran ng isa o dalawang taon sa pag kacampaign,
benefits:
Good Account History
Makakahingi ulit ng tulong
May positibong income kung hindi mangungutang



May dadating at dadating na hirap, pero laging tandaan diskarte at tiwala lang ang kailangan natin mga kabayan, wag tayo umasa sa swerte. WAG KANG MAGPASILAW SA PERA.

makakulimbat ka ng isang milyon ngayon, worth it ba?
isang bahay? kotse? kulang pa yan kumpara sa kaya mong kitain at sabayan ng pagiipon.
(syempre meron tayong bashers, pag pinakitaan mo daw ako ng higit sa isang milyon o bilyon eh titiklop na ako, mga tanga, kung magpapaka xian gaza ako eh sana matagal na, focus ko magpayaman at wala ng iba, anong silbi ng marami kang pera pero hindi mo magamit sa gusto mong paraan? magpapabili ka sa iba? wtf)

di porke anonymous tayo dito eh gagawin nyo na ang maling gawain, kesyo wala kayong paki sa iba, pero sino bang nawalan? sino ba ang tumigil sa pagkita ng salapi?
yung account na sinayang na sana eh kumikita pa ng maayos eh nasayang lang.

Alam nyo yun masarap?
-kumikita ka sa bahay ng hassle free.
-may extra income in an easy way
-may pamatay oras ka habang kumikita

Di naman sa pagmamayabang sa 2 years ko eh kahit madami akong utang may napala naman ako, napapakinabangan ko ng maayos yung account ko, nakakautang ako ng malaki, at eto pa last ay naaprubahan ako ng malakin loan pampagawa ng apartment, ito ay dahil sa account ko na hindi ko sinayang.

sa ngalan ng cabalism13 although isinambulat ko na ang pangalan ko mas kilala pa rin sa aking username, maraming nagtitiwala, maraming naniniwala.


kaya po sana kung kayo ay nakapagtapos na, may maayos na pamilya, may trabaho IRL please mahiya kayo sakin Smiley dahil ako wala ng mga yan.

Maganda at maaasahang asawa lang meron ako (yung motor ko kasi hindi pa bayad isat kalahating taon pa haha) Smiley
Good Day!

mk4
Legendary
*
Offline Offline

Activity: 2926
Merit: 3881


📟 t3rminal.xyz


View Profile WWW
December 01, 2020, 03:19:04 AM
Merited by cabalism13 (4), Asuspawer09 (1)
 #2

Binigyan ka ng platform para matuto at magkaroon ng pagkakataon para kumita ng pera ng limang taon. Tapos mag sscam quit rin lang sa huli. Ang nangyari ay parang ninakawan at tinakbuhan rin lang ung nagpalaki at bumuhay sakanya.

Reminder lang na kahit nasa ano-mang sitwasyon tayo sa buhay, hindi sagot ang pagnanakaw sa ibang tao. Lalo na sa sitwasyon na to na pwede namang pakiusapan pag di mababayaran agad agad ang utang.
arwin100
Hero Member
*****
Offline Offline

Activity: 2912
Merit: 852


Jack of all trades 💯


View Profile WWW
December 01, 2020, 06:26:10 AM
Merited by cabalism13 (2)
 #3

Isa lang ang lesson na matutunan natin sa mga case ng mga supposed to be trusted na pinoy members dito na wag uutang ng napakalaking halaga dahil tiyak magigipit ka talaga at maiisipan mong tumakbo nalang pag di mo na ito kayang bayaran.

Kaya disiplina rin ang kailangan natin dito dahil kapag nagpabaya tayo at utang lng ng utang tiyak malulugmok tayo dyan.

At sa mga nagbabalak pa dyan na gayahin sila dapat mag isip2x sila dahil may karma at ang pera at madaling maubos at tiyak kakargahin na yun sa inyong konsensya habang buhay ang malaking kasalanan na nagawa at pag minalas pa at naghabol ung ninakawan e tiyak makukulong yung mga defaulter at scammer, napaka laking kahihiyan nun. Kaya wag na maghanap ng problema at magtiis sa paunti-unti at pasa-saan ba't lalaki din ang kitaan dito pag nag sumikap lang.

fishbonez11
Full Member
***
Offline Offline

Activity: 322
Merit: 116


View Profile
December 01, 2020, 07:33:55 AM
Merited by cabalism13 (1)
 #4

May mas higit na opportunity kaysa sa pang scam. Yung account dito sa bitcointalk ay edge mo na sa ibang tao na may interes sa cryptocurrency. Sa totoo lang, since 2017 pa ako dito sa BTT at sobrang madaming naitulong ito sa akin. Medyo na stock na lang ako sa rank ko dahil matagal akong huminto dahil sa mas nag focus ako sa career ko. Hindi nauubos ang oportunidad dito sa BTT at wag sana natin na sayangin yun sa isang iglap.

Ngayon na lang ulit ako naging active sa community at pinipilit ko na maging good contributor dito sa community natin.  Actually, sobrang impressive ni cabalism, in just 2 years nakapag established sya ng good standing sa BTT. Hoping na mas maging better contributor ako sa community gaya nya.
bitcoin31
Hero Member
*****
Offline Offline

Activity: 1834
Merit: 523


View Profile
December 01, 2020, 09:46:31 AM
Merited by Question123 (3), Maus0728 (1)
 #5

Ako kabayan may utang ako as of now dito sa isang kapwa Pinoy natin pero wala akong pambayad pa , pero never kong isiping takbuhan kahit gipit ako ang ginagawa ko is nagbabayad ako ng interest kada buwan sa kanya at kapag medyo nakaluwag luwat ay uunti unti kong bayaran ang utang ko sa kanya. Ang mga campaign ay nakakatulong sa atin as extra income kaya sana huwag natin sayangin ang mga account natin para lamang sa pera.
NavI_027
Full Member
***
Offline Offline

Activity: 1232
Merit: 186


View Profile
December 01, 2020, 10:17:06 AM
 #6

Oh my God! I know na wala kang pinapatamaan dito sa thread mo cabalism13 pero siguro naman alam ng lahat kung sino tinutukoy mo. I can't also believe na gagawin niya yun, he is one of the most reputable Filipino members of this forum. He is good and kind until that accusation raised. Hindi lang ako makapaniwala talaga, I mean .2+ btc is not worthy in exchange of your soul. Nakakalungkot dahil nasilaw ang kababayan natin Sad. Kung tutuusin pwede niya naman bunuin yun sa pag sig campaign alone. It will take him short period of time only since high ranked member naman siya — what an unwise choice.

Actually di ko na kinoconsider yung pagka red tag ng account niya eh. The fact that the huge mistake you've done haunts you for the rest of your life is sooo terrible already. God bless him na lang.

Here's my what if: What if may alt account pala siyang Legendary din kaya okay lang sa kanya na idump yung "asu" kapalit ang malaking pera? I'm not a conspiracy theorist but it makes sense, isn't it?
Maus0728
Legendary
*
Offline Offline

Activity: 2030
Merit: 1582


View Profile
December 01, 2020, 10:26:47 AM
Merited by cabalism13 (1)
 #7

Ako kabayan may utang ako as of now dito sa isang kapwa Pinoy natin pero wala akong pambayad pa , pero never kong isiping takbuhan kahit gipit ako ang ginagawa ko is nagbabayad ako ng interest kada buwan sa kanya
Thanks you sa assurance @bitcoin31. Kahit sana ganitong gawin paraan ni @asu para mabigyan niya man lang ng comfort si @DireWolfM14   Undecided

Are these people truly appreciate what bitcoin and this community has to offer for the sake of their benefits? The heck! Mas okay na mag leave na lang ng forum nang walang atraso sa iba instead of faking yourself that you are a truly trusted and reputable member of this community tapos in the end lalabas din pala totoong kulay . L O L.

@asu -- Pwede ka naman magpaliwanag at makiusap dito sa forum kasi para din naman yan sa ikagagaan ng conscience mo and of course sa local natin. We can't afford to have another TYM loan scandal here. If in any case that you are silently lurking in our community, explain mo yung side mo and certain din ako na may makakaintindi ng side mo assuming that you are being honest.
cabalism13 (OP)
Legendary
*
Offline Offline

Activity: 1428
Merit: 1166

🤩Finally Married🤩


View Profile
December 01, 2020, 10:59:01 AM
 #8

Kung tutuusin pwede niya naman bunuin yun sa pag sig campaign alone. It will take him short period of time only since high ranked member naman siya — what an unwise choice.
Sahod nya nung nakaraan ay $100 per week sa BestChange, kung nagpursige sya at hindi nya pinabayaan yung utang nya na halos $2,700 eh kaya nyang bunuin yun in 27weeks or 7months less than a year tapos na utang nya, and about sa interes napapagusapan naman yun lalo na si DireWolfM14.
Sayang na sayang yung tiwalang ibinigay, sa halip na makakaulit ka pa sa mga malalaking halaga, hindi mo na magagawa.

@asu -- Pwede ka naman magpaliwanag at makiusap dito sa forum kasi para din naman yan sa ikagagaan ng conscience mo and of course sa local natin.
Hindi na yan babalik, kung  babalik man eh sa panibagong account na. kaya dapat talaga dito eh kilala natin ang bawat isa, tutal local naman ito. nakakayamot kasi isipin yung ganito,...

sa Group ko, baka i message ko siguro bawat member para kunin info nila... Just to be safe na wala ng susunod na ganito.
cryptoaddictchie
Legendary
*
Offline Offline

Activity: 2254
Merit: 1376


Fully Regulated Crypto Casino


View Profile
December 01, 2020, 02:43:41 PM
Last edit: December 02, 2020, 03:33:49 AM by cryptoaddictchie
 #9

Nakakabigla din talaga itong nangyari. Sorry ngayon lang ulit ako nakapagpost sa local at busy sa degen life.

Hands down ako kay OP, alam ko kung bakit medyo affected ka lods. Since naiintindihan mo yung hirap ng magipit sa pera pero never mo yan sinukuan or bayaran.

Sana wala ng sumunod na incident. Pero I doubt since pag pera na ang nakataya minsan nagbaba go na ang attitude ng tao. Depende rin siguro sa pangangailangan.

Sahod nya nung nakaraan ay $100 per week sa BestChange, kung nagpursige sya at hindi nya pinabayaan yung utang nya na halos $2,700 eh kaya nyang bunuin yun in 27weeks or 7months less than a year tapos na utang nya, and about sa interes napapagusapan naman yun lalo na si DireWolfM14.
Kaya pa siguro tong gawaan ng paraan ni asu kahit kausapin niya via PM si direwolf para maayos. Like what others said. Maintindihan ng local community kung ie explain ni asu ang side nya possibly may reason behind it.

Kita ko lang yung post ng isa natin kabayan.

Just in. I recently visit coins.ph office and they are willing to cooperate to solve the issue. They need a formal letter (official Request for Information) from the authorities to share information. I hope that someone can do this in my fellow country man to help OP since this the second big loan defaulted from him.

I can submit the formal request letter to the coins.ph office once its available.
Oasisman
Hero Member
*****
Offline Offline

Activity: 2772
Merit: 552



View Profile WWW
December 01, 2020, 10:02:18 PM
 #10



sa Group ko, baka i message ko siguro bawat member para kunin info nila... Just to be safe na wala ng susunod na ganito.

Sana lahat ay sasangayon jan boss.
Or mas ok siguro pag may nangungutang regardless of how huge or small the amount is ay kailangan mag bigay ng basic information like genuine social media accounts.
I guess you should be the one to do it boss @Cabalism13 since you're unarguably a trusted member handling all those huge amount of money for the charity ng hindi na sisilaw sa salapi.
This isn't only for our own good, but also for our local community's reputation in this forum.

Being in this forum is such a huge opportunity na kumita ng extra income, but sadly, hindi lahat ng tao ay nakukuntento. We don't know the story behind sa case ni Asu, pero let this be a lesson na instead of takbuhan yung utang dahil medyo gipit, e bakit hindi nalang harapin at pakiusapan and try to convince the lender na talagang gipit na gipit. Sa tingin ko hindi naman mahirap pakiusapan c Dire base dun sa prenisent nya dun sa post nya na mga.palugit pra kay Asu at sa ibang borrowers.
Asuspawer09
Sr. Member
****
Offline Offline

Activity: 1820
Merit: 436


View Profile
December 01, 2020, 10:10:24 PM
 #11

Maybe kailangan din magingat ng mga nagpapaloan and iwasan na din or ilimit ang pagpapaloan ng malalaking amount lalo na sa bitcoin na hindi stable ang value.

Mahirap din kase siguro kung magipit ka tapos mayroon kang utang kahit na gusto mong bayaran ay sobrang hirap naman ng sitwasyon mo.



sa Group ko, baka i message ko siguro bawat member para kunin info nila... Just to be safe na wala ng susunod na ganito.

Sana lahat ay sasangayon jan boss.
Or mas ok siguro pag may nangungutang regardless of how huge or small the amount is ay kailangan mag bigay ng basic information like genuine social media accounts.
I guess you should be the one to do it boss @Cabalism13 since you're unarguably a trusted member handling all those huge amount of money for the charity ng hindi na sisilaw sa salapi.
This isn't only for our own good, but also for our local community's reputation in this forum.

Being in this forum is such a huge opportunity na kumita ng extra income, but sadly, hindi lahat ng tao ay nakukuntento. We don't know the story behind sa case ni Asu, pero let this be a lesson na instead of takbuhan yung utang dahil medyo gipit, e bakit hindi nalang harapin at pakiusapan and try to convince the lender na talagang gipit na gipit. Sa tingin ko hindi naman mahirap pakiusapan c Dire base dun sa prenisent nya dun sa post nya na mga.palugit pra kay Asu at sa ibang borrowers.

Okey naman siguro as long as papayag ang mga ibang member pero di malayong maraming hindi pumayag lalo na at personal information naman ang pinaguusapan dito and kung gugustuhin nila hindi naten sila pweding pilitin.

Siguro masokey gawin ito sa mga Borrowers kung saan bago ka makautang ay dapat ay mayroon nang info sa iyo para safe  Grin.


Peanutswar
Legendary
*
Offline Offline

Activity: 1722
Merit: 1303


Top Crypto Casino


View Profile WWW
December 02, 2020, 03:07:48 AM
 #12

Nagulat ako sa biglaang pag kakaroon ng reputation report about kay asu kasi nakikita ko ang ganda ng profile nya at the same time nakikita ko sya kasali sa mga signature campaigns, di ko inaasahang magkakaroon sya ng trouble about this, tingin ko ay gipit lang talaga sya at hirap nadin bayaran dahil sa laki ng price ng bitcoin today but still mapag uusapan naman nila ito, pero syempre isa na naman itong problema sa atin kasi mag rereflect ito satin hindi lang pala ito ang unang issue about sa loan.



Ito din reason bakit ayaw ko mangutang sa ibang members kasi natatakot akong baka di ko na mabayaran but still im open to help others sa loan pero syempre baguhan palang ako sa signature campaigns hindi pa masyado malaki funds ko.
acroman08
Legendary
*
Online Online

Activity: 2506
Merit: 1112



View Profile
December 02, 2020, 09:57:34 AM
 #13

sa tingin ko lang alam na to ng mga reputed members natin including si asu(pero maganda pa ring idea na i remind sila tungkol dito). pero may mga tao lang talaga na mas pipiliin ang madaling landas para maiwasan ang problema. kaya mahirap mag pautang lalo na sa mga taong di ko kilala(depende na lang kung may colateral sila incase na di sila mag bayad) since most of them ay walang magiging problema kung tatakbuhan na lang nila bigla yung utang nila.

maxreish
Sr. Member
****
Offline Offline

Activity: 1358
Merit: 326


View Profile
December 02, 2020, 01:40:36 PM
 #14

Madami sa atin ang nagulat talaga at isa na rin ako doon. Ayoko ding mag judge doon sa naging isyu nya pero may malaking punto c @cabalism sa lahat ng sinabi niya dito. Isa akong signature participant  at sa totoo lang mahirap mag rank up at mahirap makahanap ng campaign dahil magbabase sila sa pagtanggap ng participant base sa iyong reputation at quality of posts.

 Isa ako sa nagsumikap from noob to full member at nakakapanghinayang lang din na mapupunta lang sa wala ang lahat ng pinaghirapan sa pag build ng good reputaion of account dito sa bitcointalk forum kapag gumawa tayo ng hindi kanais nais na gawain.

Hindi rin maiiwasan na ang pagkakamali ng isa ay maging dahilan ng kawalan ng tiwala nila sa mga kapwa natin pinoy. Ang ibig kong sabihin ay ang bad reputation ng isa ay pwedeng makaapekto sa pangkalahatan. Sana ay masettle ito at mapakinggan din natin ang side ni asu.
Cling18
Full Member
***
Offline Offline

Activity: 1708
Merit: 126


View Profile
December 02, 2020, 06:52:26 PM
 #15

Ilagay na lang natin sa isip natin na walang umaasenso sa paraan ng panlalamang sa kapwa. Hindi bale ng makaranas tayo ng hirap at least wala tayong tinatapakang tao dito sa forum kaysa magpakasasa tayo sa perang hindi naman natin pinaghirapan pero bunga ng panloloko at pangsscam lang sa kapwa. Yung oras na ginugol natin para bumuo ng account dito ay hindi na biro at di matutumbasan ng panandaliang pera yung pwede pa nating kitain sa mga darating na araw. Mas mabuting kumita sa maayos na paraan tutal marami pa rin namang oportunidad ang inoofer sa atin ng platform na ito.
bisdak40
Hero Member
*****
Online Online

Activity: 2464
Merit: 560


DGbet.fun - Crypto Sportsbook


View Profile
December 02, 2020, 09:07:00 PM
 #16

Madami sa atin ang nagulat talaga at isa na rin ako doon. Ayoko ding mag judge doon sa naging isyu nya pero may malaking punto c @cabalism sa lahat ng sinabi niya dito. Isa akong signature participant  at sa totoo lang mahirap mag rank up at mahirap makahanap ng campaign dahil magbabase sila sa pagtanggap ng participant base sa iyong reputation at quality of posts.

Isa ako sa nagsumikap from noob to full member at nakakapanghinayang lang din na mapupunta lang sa wala ang lahat ng pinaghirapan sa pag build ng good reputaion of account dito sa bitcointalk forum kapag gumawa tayo ng hindi kanais nais na gawain.

Hindi rin maiiwasan na ang pagkakamali ng isa ay maging dahilan ng kawalan ng tiwala nila sa mga kapwa natin pinoy. Ang ibig kong sabihin ay ang bad reputation ng isa ay pwedeng makaapekto sa pangkalahatan. Sana ay masettle ito at mapakinggan din natin ang side ni asu.

I can relate to this, napakahirap talaga para sa akin na mag-rank up kaya seeing a legendary account getting negged or banned from this forum ay sobrang nakakapanghinayang dahil pawis at pera ang pinuhunan ng iba para makamit ang rank na iyon at binalewala lang ng iba.

Ano pa man ang sabihin natin tungkol kay "asu", we can't changed what has happened and sure ako na may mabigat talagang pinagdadaanan si asu kaya nagawa niya ito pero ganon pa man ay hindi ito justification para gawin niya ang bagay na ito.

Tingin ko hindi pa ito ang huli at may mangyayari pang katulad nito (sana mali ako) kaya iwas-iwasan nalang natin ang manghiram ng malaking halaga ng pera dahil maari ito ang mag-udyok sa atin na gumawa ng bagay na hindi tama.
Astvile
Sr. Member
****
Offline Offline

Activity: 1484
Merit: 276



View Profile
December 03, 2020, 12:06:42 AM
 #17

Sayang lang lahat ng napundar na trust at reputation ni asu nang dahil sa 0.265BTC lang, napakaliit na halaga para ipagpalit ang high rank account at ang sariling pangalan dahil sa laki na yan at parehas namang pinoy madali lang malalaman kung sino talaga ang tao sa likod ni asu. Sobrang hirap mag parank at mag tayo ng sariling account ngayon sa forum pahalgahan natin dibale nang maliit ang kita ang mahalaga malinis lahat ng pumapasok na pera sa atin.

Ito din reason bakit ayaw ko mangutang sa ibang members kasi natatakot akong baka di ko na mabayaran but still im open to help others sa loan pero syempre baguhan palang ako sa signature campaigns hindi pa masyado malaki funds ko.
Mahirap mangutang sa ibang members kung wala kang stable na pagkukuhanan ng income mo pambayad dun sa niloan mo, theres nothing wrong sa pag papaloan normal na magkautang ang tao ang hindi normal ay yung tatakbuhan mo lalo na yung ganung kalaking halaga dahil may legal cases na pede isampa sa laki ng halaga na yon.
Lorence.xD
Sr. Member
****
Offline Offline

Activity: 1624
Merit: 315


Leading Crypto Sports Betting & Casino Platform


View Profile
December 03, 2020, 04:17:44 AM
Last edit: December 03, 2020, 04:58:29 AM by Lorence.xD
 #18

May life hack akong natutunan along my journey in this forum. Kung kaya mo, wag na wag kang gagawa ng katarantaduhan na ikakasira mo. In my opinion, pinaka malala na siguro is mangutang lalo na at di mo alam kung kaya mong bayaran. Kung kaya mo na bayaran edi go dor it pero kung tolongges ka na titiklop edi wag na wag ka mangutang. Tandaan niyo na ang utang ay hindi masamang bagay, nasa sayo kung ano ang kahihinatnan nito.
arwin100
Hero Member
*****
Offline Offline

Activity: 2912
Merit: 852


Jack of all trades 💯


View Profile WWW
December 03, 2020, 06:22:15 AM
 #19

Ito latest update o sa usapan Nila TGD at Direwolf at nag tulungan sila tungkol sa case nato at mukhang may makukulong ah, tiyak malaking balita ito pag nagkataon at malalagay to sa history ng Bitcoin forum at napakalaking kahihiyan nito pag nagkataon para sa kanya.

Willing din makipag coordinate si coins.ph pag me request galing sa cybercrime group kaya tiyak mahuhuli si asu pag nag pursige si direwolf sa case na ito.


I received a follow up email from coins.ph contains the context below. I hope that Direwolf will read this.

You can email coins.ph here: help@coins.ph
They are always online during weekdays, 8am to 8pm Philippines Standar Time. You can tell them directly your issue.

Quote from: coins.ph
We understand that you want to get more information regarding this matter.

If you or someone you know wishes to pursue legal actions, they may report the incident to the Anti-Cybercrime Group nearest them. In the event that they reach out to us requesting for more information, we will be happy to coordinate and cooperate with them and provide any and all relevant information that they request from us to help their case.

You may also inform them that they can reach out to us personally so that we can check on this incident better.

If you have questions about this, feel free to reach out.

Thanks for your help, TGD.  I'll definitely reach out to them. 

It probably wouldn't hurt to ask if they can help with the TYM issue also.  I submitted a report to the FBI Cyber Crimes unit about that, but who knows how long before they do anything about it.  Contacting Law Enforcement in the Philippines could be helpful.
plvbob0070
Copper Member
Sr. Member
****
Offline Offline

Activity: 658
Merit: 402


View Profile
December 03, 2020, 11:16:30 AM
 #20

Hindi pa ako gaano katagal dito sa forum pero pinapangalagaan ko yung reputation ko, lalo na kung mataas na ang rank mo kasi matagal mong pinaghirapan yan. Sayang lang kung sa isang iglap ay papabayaan mo dahil sa utang kung pwede mo pang mapakinabangan in the future nang mas matagal. Kagaya ng sa nangyari, yun ang isang dahilan kung bakit takot rin akong umutang ng malaki dahil wala akong gaanong assurance na mababayaran ko ito. Siguro dapat ito yung maging lesson or  yung mindset natin. Na suriin muna natin kung kaya ba nating mabayaran yung utang natin lalo na kung gipit bago tayo umutang. Kasi in real life, mahirap malubog sa utang. Hindi naman lahat ng utang ay pwedeng takbuhan kaya dapat talaga maging responsable tayo sa mga ipinangako natin hindi lang para sa image nating mga pinoy dito sa forum, pati na rin as an individual.
Pages: [1] 2 »  All
  Print  
 
Jump to:  

Powered by MySQL Powered by PHP Powered by SMF 1.1.19 | SMF © 2006-2009, Simple Machines Valid XHTML 1.0! Valid CSS!