Narinig niyo ba or nakita nag pop-up ang article na ito sa Facebook, or kung saan man. Bale nabasa ko to kahapon ng umaga, at medyo nanghihinayang kung hindi na marretrieve ang password ng kanya drive.
Brief intro tungkol sa article na ito; Isang German progammer ang nakakalimot ng kanyang drive/wallet password. Naka store daw ito sa Ironkey Digital wallet sa isang hard drive.
Base rin sa article, ang password ay sinulat sa isang papel at ito ang nawala.
Nakuha daw niya ang Bitcoin na ito dekada na ang nakakaraan bayad at umano ito sa kanyang trabaho ginawa noon.
https://news.yahoo.com/password-guess-worth-240m-bitcoin-114623757.htmlMasakit para sa isang enthusiast or nahumaling na sa crypto, ang mga ganitong pangyayari. Bagamat may mga pangyayari talaga na hindi inaasahan tulad ng mga gantong bagay.
Sino ba naman ba ang hindi manghihinayang mawalan ng Millions worth of Bitcoin in Dollars, pano pa kaya kung in Peso.
Pano nga ba dapat tayo mag store o mag safe keep ng Private keys/password ng ating mga wallets? (Base sa mga napakingan kong parang podcast or interview dati 2016 or 2017 pa yata ito) pero eto yung tumatak sakin:
May mga advantages at disadvantages ito;
Advance Keeping (eto kasi yung narinig kong term nung speaker noon):
- USB storing - Sa isang USB naka store ang keys at password
- Google drive - Sa email naka store
- HDD - Hard drive
Maraming paraan na paniguradong bago pedeng idadag dyan, adyan ang Hardware wallets (ledger for example), yung tinatawag na cryptosteel (Nabangit lang sakin to ng kaibigan before pero di pa ako nakakakita totally) at iba pa.
Advantages:
USB storing at HDD - offline storage, pede mo itago kahit saan mo gusto. For USB, kung hindi makampante pede mo ito dalhin kung nasaan ka man.
Safe kung titignan kasi ikaw lang makakakita o makakahawak, as long as nakatago ng maayos.
Google Drive - Online storage kung titignan, Private email o ikaw lang mismo ang nakakaalam na may email ka nito. (not much of an advantage I guess)
Disadvantage/s:
USB at HDD - Madaling sabi prone, sa sira ang mga eto. Simpleng bagsak lang pede ng ma corrupt ang file o masira mismo ang mga ito.
Sa pagkakataon na gusto nating iretrieve ang mga laman ngunit kulang tayo kaalaman kung papaano, dito pumapasok si risk factor na ipapaayos natin sa iba. Sabihin nating kakilala o kaibigan, pero alam natin pag may perang involve ibang usapan na.
Magamit ang mga ito sa hindi secured na Laptop o Computer (hindi inaasahang pagkakataon) - maaring mapasukan ito ng virus or maaring ma kopya ang lama nito
Google Drive - ang disadvantage ay ang pagiging online, Prone nito sa mga hack at para sakin hindi siya advisable.
Traditional:
Sulat kamay - Nakasulat sa papel, libro, at iba pa.
Safety deposit box - (eto yung last na nabangit) medyo matrabaho (pag mag open ka sa mga banko) at mahal (Kung bibili ka ng personal) pero safe nga naman, kasi at ikaw lang ang makakabukas.
Advantages:
Sulat kamay
- Kung titignan (para sakin) sa paraan na to mas free sa online hacking.
- Madaling makita at hanapin BASTA nakatago ng maayos (tipong hindi Magagalaw ng asawa o nanay yung sarili nating kalat
)
- Magandang itandem sa safety deposit box, para safe and secured
Disadvantage:
- Kung hindi maigi pagkakatago, maari itong maisantabi at makalimutan lalo na kung ito isang pirasong papel (tulad ng nangyari sa article)
- Mas madaling makopya at maaccess ito ay kung lantaran ang pagkakatabi ng mga ito.
Ang mga nasa taas ay kakaunti pa lamang kumpara sa mga bago ngayon.
Sa aking opinyon:
Ang pag store ng wallet keys or password, ay dapat nga talaga natin pahalagahan. Kung maari mas madami kang pag tataguan o lalagyan (Basta alam mo sa sarili, na ikaw lang ang may alam) mas okay. Hindi naman natin masasabi ang mga mangyayari mga o susunod na mga ara, kaya mas maigi ng sigurado. Wag makuntento na safe na ito, kung maaari safe na safe na safe talaga. Iwasan din pala na ipanglandakan ang kita mo sa Bitcoin maaring maging target ka ng iba alam niyo naman ang mundo ginagalawan natin. Maging lowkey (personal na opinyon lang
)
Hindi rin, naman masama ang pagkakaron ng onte o iilang back ups para sa mga ito. Basta siguradihin lang natin na maiingatan natin ang mga ito. Para maiwasan natin mga pangyayari tulad ng nasa article.
Eto ay naipayo lang din sakin dati ng kaibigan ko, iwasan ang pag kuha ng litrato (sa mga sulat kamay) or iscan ang mga ito para iwasan na mahack kunyari ang phone at makuha lahat ng laman.
Sa iba nating mga kababayan dyan, ano sa tingin niyo pa ang maaring o maipapayo niyo lalo na sa baguhan?
Mahalaga talaga na magkaroon ng isang seguredad na lalagyan ng passoword or keys pero ang tanong saan kaya ito mainam na ilagay?
Lahat ng nabanggit sa itaas ay pwede pero lahat din na iyan ang may kanya-kanyang risk or disadvantage.
Ang pagkakaroon ng google drive at safety deposit box ay pinakahuli sa aking gagamitin kung maisipan ko man na ilagay ang aking personal na keys or password. Gusto ko yung simple at madaling kunin kung sakaling kailanganin ngunit ako lang ang nakakaalam o makakabasa.
Pina mainam parin sa akin ang sulat kamay, maiging isulat ito sa notebook at itago sa mataas na bahagi ng cabinet or drawer kung saan hindi ito madaling mapaglaruna ng bata, wag ilagay sa isang scratch na maaaring mawala pag ito ay natupi.
At ang isa ay ang pagkakaroon ng USB storage at itago ito kasama sa mga mahahalagang papeles para madali lang itong hanapin kung kinakailangan.