Ang point ko lang naman, sa dami ng mga apps na kumukuha ng data, dati pa tayo kinukuhaan ng data tapos ngayon lang parang nagiging sensitive mga iba tungkol sa data privacy eh noon pa naman tayo open sa mga apps na yan. Partner ni Facebook ang WhatsApp at sila rin mismo ang may ari nun na may current issue rin tungkol sa data privacy. Pero ang maganda dito, madami na sa mga kababayan natin ang nagiging sensitive tungkol sa data privacy kaya marami na ang nagiging aware sa kahalagahan ng privacy.
Heavilty regulated nga kasi si Facebook kabayan kaya kahit papaano comfortable ang mga tao about data privacy. Di naman din yan maiiwasan pero kung ang associated platform na involved is somehow reputable, it minimizes the risks.
Si Lyka kasi hindi ganoon ka popular na app and recently lang nag bloom so normal lang na sensitive ang iba about dyan. Siguro kabayan kung di Facebook ginamit mong example puwede natin ma-apply ang pagiging sentive ng ilan sa privacy.
Pero gaya ng sinabi mo, tama rin na ganyan ang mga kababayan natin at least nagkakaroon sila ng awareness.
Legit talaga ata punta ka sa vlog ni Ivana hehe Lyka gems ginamit niya pambili sa brand new car FORD para sa kanyang nanay kaya nga siguro naglipana yan sa facebook kasi pwede impambili ng kotse or iba bang items na gumagamit ng lyka gems.
Pag dumami ang demand, tataas din ang needed na value. Masyado ng nangarap ang iba na akala magagaya iyong ginawa ni Ivana. Kailangan ng milyong milyong gems para maabot yan.