~
Tama naman, depende siguro sa timing, pero naalala ko lang nung 2017, kalakasan ng bounty, halos lahat ng project successful, hehe.. iba yata ang bull run ngayon, wala pa akong nakitang bounty na kung saan naka tsamba ang bounty hunters na malaki ang kita.
Mukhang marami pa din naman kung active ka lang sa bounties section. Kung hindi ako nagkakamali, malaki din ata kinita ni @akirasendo17 dyan noong nakaraang taon.
Nagbago na din kasi ang trend ngayon at mas kokonti na yung nakakalusot na laway lang ang puhunan. Nasa DeFi ang market at makikita mo naman halos lahat eh may "finance" o kaya naman may "y" na nakakabit sa pangalan.
Sa bounty na pinopromote mo ngayon, sa pagkakaalam ko weekly ang bayad pero medyo bumaba ang price, parang weekly rate pa rin sa btc paying campaign, hindi talaga tulad ng dati na kung saan maari kang kumita ng 50k to 100k or even more.
Wala akong ideya magkano bayad dati pero lumalabas parang $40/week ang rate ngayon kung pagbabasehan yung price ng token. Pwede na.
~
Iba rin kasi nung 2017 bullrun, basta magkaroon ng ICO putok agad sa mga investors at syempre panalong panalo ang mga bounty hunters.
Announcement nga lang release ng whitepaper dati pump na agad. Lintik na yan