cheezcarls (OP)
|
Source: https://news.bitcoin.com/philippine-central-bank-cryptocurrency-regulation-growth-crypto/Mga kabayan, anu masasabi nyu dito tungkol sa latest cryptocurrency regulation move ng BSP? Pabor ba kayu dito? Ako mixed reaction dito kasi naguumpisa na i-level up ang regulation sa paggamit ng mga crypto exchanges. Is it a good sign? Or bad? Or neutral lang? Itong statement kasi ang para medyu concerning sa akin:"The new framework also emphasizes that all transactions involving the transfer of cryptocurrencies “shall be treated as cross-border wire transfer”Sa akin lang ha, if crypto transfers are treated like this, baka sa service charge pa lang malaki na sisingilin nila (on top pa sa mga gas fees tsk) Gusto ko marinig mga opinion nyu tungkol dito mga kabayan. Maraming salamat!
|
|
|
|
mk4
Legendary
Offline
Activity: 2814
Merit: 3856
Paldo.io 🤖
|
|
January 27, 2021, 05:56:04 AM |
|
"Entities engaged in these activities will now be “subject to the BSP’s licensing requirements, regulatory expectations for money service businesses (MSB)” as well as AML, CFT, and PF obligations."
Probably safe to assume na hihigpit saatin ang local exchanges, as to be expected naman. Kaya sa mahihilig parin magstore ng lahat ng funds nila sa Coins.ph: not your keys.. you know the drill.
Wag na natin hintayin na kasing higpit na ng Coins.ph ang Coinbase.
|
|
|
|
Insanerman
|
|
January 27, 2021, 08:51:11 AM |
|
~ Gusto ko marinig mga opinion nyu tungkol dito mga kabayan. Maraming salamat!
Sobrang hirap nito kung matutupad at talagang magiging mahigpit sila sa lahat ng crypto traders. Di ko lang din kasi magets pano nila tinitignan na yung crypto is 'cross-border wire transfer' while decentralized ito, or for short, walang specific place na pagbabasehan na ikaw eh nagtatransfer. It is also hard to detect crypto users dito sa pilipinas kasi nga halos lahat ng crypto at blockchain system nito eh vinavalue yung privacy ng mga users. I think Coins.ph would really be harsh to its users soon and ang worse is baka each and every btc transaction is lagyan nila ng mas malaki pang fee. Overall, hindi ito magandang hudyat sa future ng crypto sa pinas. I think madami rin magrereklamo lalo na't lumalaki na rin yung demand ng mga users. Probably safe to assume na hihigpit saatin ang local exchanges, as to be expected naman. Kaya sa mahihilig parin magstore ng lahat ng funds nila sa Coins.ph: not your keys.. you know the drill.
Guess its time to use HW for safety purposes. Hopefully yung pag accept ng BTC ng Coins.PH is hindi sobrang mag mahal sa fees, pati ibang crypto na support nito. Para kahit papano makapagwithdraw padin instantly.
|
|
|
|
Fredomago
Legendary
Offline
Activity: 3024
Merit: 1054
Leading Crypto Sports Betting & Casino Platform
|
|
January 27, 2021, 08:59:02 AM |
|
Itong statement kasi ang para medyu concerning sa akin:
"The new framework also emphasizes that all transactions involving the transfer of cryptocurrencies “shall be treated as cross-border wire transfer”
Sa akin lang ha, if crypto transfers are treated like this, baka sa service charge pa lang malaki na sisingilin nila (on top pa sa mga gas fees tsk)
Gusto ko marinig mga opinion nyu tungkol dito mga kabayan. Maraming salamat!
Kung tama din ung pagkakaintindi ko sa statement na to, gaya ng iniisip mo ung processing fee / transfer fee ang papatay sa mga crypto peps dito sa pinas. Maliban sa network / minig fee ng bitcoin mismo mag iimplement pa ng additional para sa transfer then for sure taxable na rin ung processing na yun, so lahat ng pera na manggaling sa crypto papunta sa peso eh mapapatawan ng dagdag buwis. Sana lang magbigay ng pakunswelo na wag masyadong maghigpit, para wag naman sana maitaboy yung mga kabayan nating gusto rin matutunan at mag invest dito sa market na to'.
|
..Stake.com.. | | | ▄████████████████████████████████████▄ ██ ▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄ ▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄ ██ ▄████▄ ██ ▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀ ██████████ ▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀ ██ ██████ ██ ██████████ ██ ██ ██████████ ██ ▀██▀ ██ ██ ██ ██████ ██ ██ ██ ██ ██ ██ ██████ ██ █████ ███ ██████ ██ ████▄ ██ ██ █████ ███ ████ ████ █████ ███ ████████ ██ ████ ████ ██████████ ████ ████ ████▀ ██ ██████████ ▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄ ██████████ ██ ██ ▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀ ██ ▀█████████▀ ▄████████████▄ ▀█████████▀ ▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄███ ██ ██ ███▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄ ██████████████████████████████████████████ | | | | | | ▄▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▄ █ ▄▀▄ █▀▀█▀▄▄ █ █▀█ █ ▐ ▐▌ █ ▄██▄ █ ▌ █ █ ▄██████▄ █ ▌ ▐▌ █ ██████████ █ ▐ █ █ ▐██████████▌ █ ▐ ▐▌ █ ▀▀██████▀▀ █ ▌ █ █ ▄▄▄██▄▄▄ █ ▌▐▌ █ █▐ █ █ █▐▐▌ █ █▐█ ▀▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▀█ | | | | | | ▄▄█████████▄▄ ▄██▀▀▀▀█████▀▀▀▀██▄ ▄█▀ ▐█▌ ▀█▄ ██ ▐█▌ ██ ████▄ ▄█████▄ ▄████ ████████▄███████████▄████████ ███▀ █████████████ ▀███ ██ ███████████ ██ ▀█▄ █████████ ▄█▀ ▀█▄ ▄██▀▀▀▀▀▀▀██▄ ▄▄▄█▀ ▀███████ ███████▀ ▀█████▄ ▄█████▀ ▀▀▀███▄▄▄███▀▀▀ | | | ..PLAY NOW.. |
|
|
|
blockman
|
|
January 27, 2021, 11:49:31 AM |
|
Maghihigpit si BSP sa mga exchanges at ang resulta niyan ay maghihigpit din sa atin. Wala naman tayong magagawa kung ganyan kasi kailangan natin ang mga exchanges para ma cash out mga crypto natin. Yun nga lang di pa natin alam paano ang magiging reaction ng mga exchanges sa mga karagdagang regulation na gagawin sa kanila at pati na rin sa atin. Baka mandatory KYC na yan sa lahat ng mga magreregister sa kanila.
|
|
|
|
Bttzed03
Legendary
Offline
Activity: 2114
Merit: 1149
https://bitcoincleanup.com/
|
|
January 27, 2021, 12:24:07 PM |
|
Paparating na talaga yung karagdagang regulation simula noong itinuring na parang money changers ang mga licensed palitan sa atin. Sa totoo lang parang late na nga yung policy ng BSP eh kasi nga ginagawa naman na yan ng mga palitan dito. Hindi ba puro KYCd naman na tayo dito bago pa maka-send gamit ang coinsph o bago maka-trade sa mga BSP licensed exchanges? ...Sa akin lang ha, if crypto transfers are treated like this, baka sa service charge pa lang malaki na sisingilin nila (on top pa sa mga gas fees tsk)
It's not about the fees pero yung pag-kolekta ng mga Virtual Asset Service Providers (VASPs) na kagaya ng coinsph ng data from sender to receiver ang hinihigpitan dito alinsunod sa international standards. Kasama sa mga kukunin ang mga sumusunod: - Sender information
- Receiver information
- Amount
- Purpose
Basically, gusto ng BSP ng transparency sa bawat crypto transaction na gagawin natin. ~ Di ko lang din kasi magets pano nila tinitignan na yung crypto is 'cross-border wire transfer' while decentralized ito, or for short, walang specific place na pagbabasehan na ikaw eh nagtatransfer.
That is precisely why ginawa na nilang blanket rule na cross-border na lahat.
|
|
|
|
chrisculanag
|
|
January 27, 2021, 12:33:49 PM |
|
Sa akin lang okay lang maghigpit basta nasa tama at pantay para sa lahat , kung maglalagay man sila ng additional charges para sa paggamit natin ng crypto ay sana naman ay naaayon at hindi yung naaayon para sa kanilang kapakanan lamang. Yung KYC talagang magiging mandatory at hindi talaga natin ito maiiwasan dahil gusto rin nilang kumita sa pamamagitan natin. Kung ang ilalabas naman nilang regulation ay katanggap-tanggap naman para sa atin ay siguradong magbibigay ito ng sigla sa lahat.
|
|
|
|
mk4
Legendary
Offline
Activity: 2814
Merit: 3856
Paldo.io 🤖
|
|
January 27, 2021, 12:36:48 PM |
|
Guess its time to use HW for safety purposes. Hopefully yung pag accept ng BTC ng Coins.PH is hindi sobrang mag mahal sa fees, pati ibang crypto na support nito. Para kahit papano makapagwithdraw padin instantly.
I mean, in the first place kahit kung hindi pa man mag-announce na maghihigpit ang BSP dapat dati pa sana tayong gumagamit ng hardware wallets(or non-custodial wallets in general) for security purposes lol.
|
|
|
|
cheezcarls (OP)
|
|
January 27, 2021, 02:22:04 PM |
|
It's not about the fees pero yung pag-kolekta ng mga Virtual Asset Service Providers (VASPs) na kagaya ng coinsph ng data from sender to receiver ang hinihigpitan dito alinsunod sa international standards.
Kasama sa mga kukunin ang mga sumusunod:
Sender information Receiver information Amount Purpose
Basically, gusto ng BSP ng transparency sa bawat crypto transaction na gagawin natin. Naku ayaw na ayaw ko talaga yung mga ganito, lalo na yung "purpose" pag malakihan na ang cashout or nag heavy pump mga cryptos natin. At isa pa, crypto taxes may be implemented rin in the future if hihigpitan pa ni BSP ang industriyang ito. Mahirapan tayu mag withdraw o convert ito to fiat pag itong mga details maging "requirement" na. Sa akin lang, this tight regulation destroys the purpose of decentralization. "Entities engaged in these activities will now be “subject to the BSP’s licensing requirements, regulatory expectations for money service businesses (MSB)” as well as AML, CFT, and PF obligations."
Probably safe to assume na hihigpit saatin ang local exchanges, as to be expected naman. Kaya sa mahihilig parin magstore ng lahat ng funds nila sa Coins.ph: not your keys.. you know the drill.
Wag na natin hintayin na kasing higpit na ng Coins.ph ang Coinbase.
Eh what about yung Abra at Binance P2P kaya?
|
|
|
|
mk4
Legendary
Offline
Activity: 2814
Merit: 3856
Paldo.io 🤖
|
|
January 27, 2021, 02:27:48 PM |
|
Eh what about yung Abra at Binance P2P kaya?
Most definitely a lot less affected obviously dahil foreign companies sila. But then again, wag tayong masyadong maging confident. May rason kung bakit may ibang versions ng Binance(binance.us, binance.je, etc) dahil mas mahigpit ung mga states na un.
|
|
|
|
Bttzed03
Legendary
Offline
Activity: 2114
Merit: 1149
https://bitcoincleanup.com/
|
|
January 27, 2021, 04:07:05 PM |
|
..... Sa akin lang, this tight regulation destroys the purpose of decentralization.
Well, nagsimulang naapektuhan ang decentralization noong nagsilabasan ang mga centralized platforms kagaya ng coinsph lalo na nung na-patronize natin ito. In a way, tayo din ang dahilan. Kung mahilig ka naman sa true P2P transactions, hindi ka naman masyado maapektuhan ng mga ganitong regulation.
|
|
|
|
qwertyup23
|
|
January 27, 2021, 04:18:28 PM |
|
..... Sa akin lang, this tight regulation destroys the purpose of decentralization.
Well, nagsimulang naapektuhan ang decentralization noong nagsilabasan ang mga centralized platforms kagaya ng coinsph lalo na nung na-patronize natin ito. In a way, tayo din ang dahilan. Kung mahilig ka naman sa true P2P transactions, hindi ka naman masyado maapektuhan ng mga ganitong regulation. This is true. The purpose of cryptocurrencies is because of its decentralization- which is free from any outside control. Tama din yun sinabi ng iba na dahil mag iimplement sila ng new regulations about sa cryptocurrencies, expect na din natin na mas hihigpit ang coins.ph at maaaring pwedeng magkaroon ng unnecessary na bayad. Nevertheless, anything din naman na improvement sa stance natin sa Philippines ay advantageous din naman sa long-run.
|
|
|
|
bL4nkcode
Copper Member
Legendary
Offline
Activity: 2142
Merit: 1305
Limited in number. Limitless in potential.
|
|
January 27, 2021, 04:40:12 PM |
|
Guess its time to use HW for safety purposes. Hopefully yung pag accept ng BTC ng Coins.PH is hindi sobrang mag mahal sa fees, pati ibang crypto na support nito. Para kahit papano makapagwithdraw padin instantly.
Not necessary na HW kase iba ayaw bumili or kulang lang talaga pambili, so using non-custodial wallets is enough already. Expect na hihigpit talaga ang regulation for new at existing users, maybe another new rollout na naman for verification kay coins.
|
|
|
|
Asuspawer09
|
|
January 27, 2021, 05:21:40 PM |
|
Maganda sana pero mukang magiging style bank lang din ang babagsakan naten kung ganito yong mga policy nila tulad ng coins.ph, obviously mukang hindi naman pabor ang gobyerno naten pagdating sa anonymous transactions dahil maaari nga naman mangyari ang mga illegal transactions, panget lang talaga dahil KYC ang bagsak niyan. Siguro okey na rin parang coins.ph sa ngayon dahil medjo madali nga naman maglabas ng pera, pero kung long term dun parin ako sa safe na wallet at hindi sa custodial, sana ganun lang din sa coins na calculated na ang fees, dahil baka mamaya magdoble doble na ang fees sa bawat transactions tayo ang kawawa niyan sa hule. Paparating na talaga yung karagdagang regulation simula noong itinuring na parang money changers ang mga licensed palitan sa atin. Sa totoo lang parang late na nga yung policy ng BSP eh kasi nga ginagawa naman na yan ng mga palitan dito. Hindi ba puro KYCd naman na tayo dito bago pa maka-send gamit ang coinsph o bago maka-trade sa mga BSP licensed exchanges? ...Sa akin lang ha, if crypto transfers are treated like this, baka sa service charge pa lang malaki na sisingilin nila (on top pa sa mga gas fees tsk)
It's not about the fees pero yung pag-kolekta ng mga Virtual Asset Service Providers (VASPs) na kagaya ng coinsph ng data from sender to receiver ang hinihigpitan dito alinsunod sa international standards. Kasama sa mga kukunin ang mga sumusunod: - Sender information
- Receiver information
- Amount
- Purpose
Basically, gusto ng BSP ng transparency sa bawat crypto transaction na gagawin natin. ~ Di ko lang din kasi magets pano nila tinitignan na yung crypto is 'cross-border wire transfer' while decentralized ito, or for short, walang specific place na pagbabasehan na ikaw eh nagtatransfer.
That is precisely why ginawa na nilang blanket rule na cross-border na lahat. Banko style na rin talaga dahil inaavoid talaga nila dito ang mga ilegal na transactions, kahit sa banko kapag biglang may pumasok na malaking pera sa account mo tatawagan kana agad at iinterviewhin.
|
|
|
|
Baofeng
Legendary
Offline
Activity: 2646
Merit: 1670
|
|
January 27, 2021, 07:43:17 PM |
|
"Entities engaged in these activities will now be “subject to the BSP’s licensing requirements, regulatory expectations for money service businesses (MSB)” as well as AML, CFT, and PF obligations."
Probably safe to assume na hihigpit saatin ang local exchanges, as to be expected naman. Kaya sa mahihilig parin magstore ng lahat ng funds nila sa Coins.ph: not your keys.. you know the drill.
Wag na natin hintayin na kasing higpit na ng Coins.ph ang Coinbase.
Yeah, actually I expected na rin to, katulad nung sinabi ko na may mga naglalabas ng video na kumita kuno sila ng milyon milyon sa Ethereum at bitcoin, nasabi ko sa sarili ko na malamang magkakaroon na naman ng panibagong regulatory framework at ito na nga yon. At tiyak naring mag hihigpit ang Coins.ph nito kaya kailangan na rin nating mag comply otherwise wala tayong choice specially kung kailangan nating mag cash out.
|
| │ | ███████████████████████ ███████████████████████ ███████████████████████ ███████████████████████ ███▀▀▀█████████████████ ███▄▄▄█████████████████ ███████████████████████ ███████████████████████ ███████████████████████ █████████████████████ ███████████████████ ███████████████ ████████████████████████ | ███████████████████████████ ███████████████████████████ ███████████████████████████ █████████▀▀██▀██▀▀█████████ █████████████▄█████████████ ████████▄█████████▄████████ █████████████▄█████████████ █████████████▄█▄███████████ ██████████▀▀█████████████ ██████████▀█▀██████████ ▀███████████████████▀ ▀███████████████▀ █████████████████████████ | | | O F F I C I A L P A R T N E R S ▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬ ASTON VILLA FC BURNLEY FC | | | BK8? | | | . ..PLAY NOW.. |
|
|
|
serjent05
Legendary
Offline
Activity: 2898
Merit: 1260
|
|
January 27, 2021, 11:46:26 PM |
|
Paparating na talaga yung karagdagang regulation simula noong itinuring na parang money changers ang mga licensed palitan sa atin. Sa totoo lang parang late na nga yung policy ng BSP eh kasi nga ginagawa naman na yan ng mga palitan dito. Hindi ba puro KYCd naman na tayo dito bago pa maka-send gamit ang coinsph o bago maka-trade sa mga BSP licensed exchanges? ...Sa akin lang ha, if crypto transfers are treated like this, baka sa service charge pa lang malaki na sisingilin nila (on top pa sa mga gas fees tsk)
It's not about the fees pero yung pag-kolekta ng mga Virtual Asset Service Providers (VASPs) na kagaya ng coinsph ng data from sender to receiver ang hinihigpitan dito alinsunod sa international standards. Kasama sa mga kukunin ang mga sumusunod: - Sender information
- Receiver information
- Amount
- Purpose
Basically, gusto ng BSP ng transparency sa bawat crypto transaction na gagawin natin. Normal naman tong process na ito kapag nagpadala ng pera from coins.ph so I think wala namang nabago, if ever siguro yung purpose baka imandatory nila sa pagfill-up, pero madali lang nmn yan gawan ng paraan. I have been using Coins.ph for remittance sa mga iba't-ibang tao at lagi naman ganyan ang hinihingi. ~ Di ko lang din kasi magets pano nila tinitignan na yung crypto is 'cross-border wire transfer' while decentralized ito, or for short, walang specific place na pagbabasehan na ikaw eh nagtatransfer.
That is precisely why ginawa na nilang blanket rule na cross-border na lahat. Decentralized doesn't mean na walang transfer na nangyayari. So basically inomit nila yung idea of decentralization at pinrocess yung idea na nagtatransfer ka regardless of location.
|
|
|
|
AicecreaME
|
|
January 28, 2021, 04:32:24 AM |
|
Sa akin lang ha, if crypto transfers are treated like this, baka sa service charge pa lang malaki na sisingilin nila (on top pa sa mga gas fees tsk)
I hope not. Sana it is the other way around just like this article that I've read. There are also hundreds of other open-source blockchain experiments underway around the world, as financial institutions search for ways to streamline and simplify payments infrastructure. With lower fees on overseas transfers, fast processing of transactions and the ability to cut out the middle man, Bitcoin represents an exciting opportunity for international money transfers.
If I'm not mistaken, ang pagkakaintindi ko ay they will broaden the regulations of cryptocurrency and at the same time they will only use it for the advantage of everyone who use and will use of cryptocurrency. But if it is the exact opposite of what I'm thinking, like they will put a huge tax and will requires a lot of registrations for the users of cryptocurrency here in the Philippines, oh well I guess that should be expected since we're here in the Philippines.
|
|
|
|
orions.belt19
|
|
January 28, 2021, 04:33:00 AM |
|
"Entities engaged in these activities will now be “subject to the BSP’s licensing requirements, regulatory expectations for money service businesses (MSB)” as well as AML, CFT, and PF obligations."
Probably safe to assume na hihigpit saatin ang local exchanges, as to be expected naman. Kaya sa mahihilig parin magstore ng lahat ng funds nila sa Coins.ph: not your keys.. you know the drill.
Wag na natin hintayin na kasing higpit na ng Coins.ph ang Coinbase.
Yeah, actually I expected na rin to, katulad nung sinabi ko na may mga naglalabas ng video na kumita kuno sila ng milyon milyon sa Ethereum at bitcoin, nasabi ko sa sarili ko na malamang magkakaroon na naman ng panibagong regulatory framework at ito na nga yon. At tiyak naring mag hihigpit ang Coins.ph nito kaya kailangan na rin nating mag comply otherwise wala tayong choice specially kung kailangan nating mag cash out. Laganap na kasi ang pag gamit ng crypto at marami na rin ang may malalaking transactions lalo na sa mga kumita nung bull run kaya dadating at dadating tayo sa ganitong point na hindi na pwedeng hindi na bigyang pansin. Takot lang din siguro ng awtoridad sa money laundering kaya may ganitong patakaran na pinalabas. Mahigpit ang AMLC, may transfer of 500k pa lang sa banks eh mainit na mata nila. Whether may karagdagan na regulation o hindi, kapag ang crypto na hinohold natin ay nasa isang third-party entity tulad ng coins.ph at hindi natin hawak ang private keys nito, kailangan talaga natin mag ingat. Mainam pa din gumamit ng cold wallet etc.
|
|
|
|
cheezcarls (OP)
|
|
January 28, 2021, 05:47:16 AM |
|
Banko style na rin talaga dahil inaavoid talaga nila dito ang mga ilegal na transactions, kahit sa banko kapag biglang may pumasok na malaking pera sa account mo tatawagan kana agad at iinterviewhin. Ang tinatatakutan ko is what if nag transfer na ako, and then they hold it asking me questions, at pag d natanggap, they would be stuck (and might steal it away from me) and possibly not returning it sa pinagmulan na wallet. And this is a disadvantage if we only send small amount because of the possibility of wire transfer fee on top ng gas fee, plus tax pa in which masakit sa bulsa. What if they ask kung saan ko kinuha ang funds at nagsabing airdrop at bounty rewards yung answer, baka i-disapprove nila at ma freeze o ma deactivate na account ko for that, or even making me spend lots of time providing documents mga ganun. Sana before they do this, mag consult sila muna sa public para marinig nila ang opinions natin. Opinion ko lang.
|
|
|
|
mk4
Legendary
Offline
Activity: 2814
Merit: 3856
Paldo.io 🤖
|
|
January 28, 2021, 06:50:14 AM |
|
Ang tinatatakutan ko is what if nag transfer na ako, and then they hold it asking me questions, at pag d natanggap, they would be stuck (and might steal it away from me) and possibly not returning it sa pinagmulan na wallet.
Legit ito ung isa sa mga malaking problema ng mga exchanges ng ibang bansa, sobrang higpit nila. Lalo na ung nangyayari sa Bitstamp users ng Netherlands ngayon? Pati ba naman ung receiving address pag magwiwithdraw ka kailangan na ng proof na sayo talaga ung wallet address. https://bitcointalk.org/index.php?topic=5310637
|
|
|
|
|