2 years na din pala mahigit nung naalala ko itong pinost pero hanggang ngayon di pa rin ako naka-create ng account sa kanila. Nabalitaan ko nga din yung tungkol sa pagiging hindi responsive ng COL at sobrang daming reklamo. Dati rati COL ang pinaka-kilala kaso ngayon ang dami ng reklamo.
Magkano fees nila bawat trade na gagawin? nakaraming trade ka na sa kanila?
Oo, matagal na nga yung huli. Ngayon lang ulit nag focus dahil nga dun sa naging problema with COL. And I'm happy because you could just easily access it with their app. Yun lang, mabilis lang. Kahit hindi ako trading daily sa PSE market pero mas maganda pag okay yung UI itself.
Salamat sa guide kung pano mag start ng account at paano mag top-up. Gusto ko lang din malaman since wala pa talaga akong idea sa stock investment, any suggested site na friendly user for starters at kung nag bibigay rin ba sila ng stock dividend as passive income for holding long-term. Maraming salamat in advance.
I think what you need is background with trading itself. Broker is just where you would trade. I think friendly naman ang Philstocks. Meron silang WINvestor na thing, may mga suggestion sila at bakit nila napili yung mga current stocks na yun. Pag meron kang broker, sila na din mag iisue ng mga dividend etc. Not sure with Philstocks kasi hindi pa ko ulit naka receive ng dividend with my holdings eh. Hindi ko pa sure.
Sinong gumagamit ng Philstocks dito? Masokey ba ito kaysa sa COL?
Personally, mas gusto ko siya dahil easy access siya sa portfolio mo. I don't need to continuously login. Nasa phone ko lang at anywhere ko pwede tingnan. Pwede mo din gawin sa COL kaso dadaan ka pa sa browser which is tiresome din.
Nirerecommend kase saken ang COL pagdating sa stocks market dito sa Pilipinas and may kakilala din ako na malaki kumita dito.
Siya kasi ang pinakasikat noon, I'm not sure with the results sa recent na nangyari with all the lag with their system. Baka iba na ang puntahan ng mga traders.
Maganda sana ang colfinancial pero nabalitaan ko na temporary suspended ang pagopen ng account noong nakaraang January 20 pero wla na akong update, kaya nagtry muna ko ng etoro na mukang madali lang naman din gamitin ang masokey din dahil international ang market nila. Pangdagdag din ito sa mga investment naten.
Hindi ko alam na suspended pala. Baka overload na talaga system nila at need ng upgrade. Anyways, yung eToro hindi ko pa din nattry pero ang alam ko is copy-trading siya diba? Yun ang maganda pala dun kasi may forex din siya. Ngayon ko lang ata nalaman yun.