Baka nga hindi mo lang talaga feel ang pagiging active ng mga kababayan natin sa crypto. Pero ako, feel na feel ko kasi parami na ng parami ang nagkakainteres at kusang nag invest at nagkakaroon ng kaalaman patungkol sa crypto. Yung tipong sila na mismo nagreresearch kung ano ang dapat nilang gawin. Hindi tulad dati, nagtatanong muna sila sa mga kakilala nila. Ngayon, nangsusurprise na sila eh, kusa nalang sila nag iinvest kasi alam na nila ginagawa nila.
This gives me an idea about creating a poll para malaman natin kung anung lugar ang active pagdating sa cryptocurrencies.
Based on the article may mga places silang nabanggit like Cagayan where it is active. Base sa mga nakikita kong posts, maybe this depends on the place kung nasaan kayo the reason I am not feeling this activeness tulad ng pagkakasabi ng article na ito.
Active talaga ang Pinas sa crypto kabayan , patunay dito ang dami ng na iiscam na kapwa natin pinoy gamit ang Bitcoin or ibang altcoin gaya ng Ethereum.
I agree with @mk4 kasi before this pump, we already had a lot of scams happening.
They are even taking advantage of the fact that there are a lot of people that don't know what Bitcoin and cryptocurrencies is, tapos gagamitin nilang exit para hindi sila magmukhang masama.
Active talaga ang bansa natin kasi may kalayaan ka na gumamit ng app at ma transact mo sa ibat ibang gusto mo halimbawa sa bills, mobile loading at kung anong features na available sa coinsph app.
Kung ito icoconsider natin, pwede kasing ginagamit lang nila ang coinsapp for the sake of online transactions but not actually using Bitcoin or any other cryptocurrencies na available in that mobile app.
May kakilala ako na isang freelancer online and coins din ang gamit niya to get his salary but hindi niya alam kung anu yung Bitcoin not until magkasabay kami magwithdraw one time and I told him about it. Sabi niya nakikita niya lang daw yun but never used it until I told him that it could give him profit. Siguro may kinita na din siya ngayon.
So siguro merong mga active crypto communities outside of bitcointalk, pero hindi parin ito sapat para pumutok talaga or at least ma sensationalize ang bitcoin o crypto unless na may ma scam na naman ng malaki.
There are some groups na hindi pa din alam ang forum na ito. Based yan sa mga nagtanung saken last year.
Sa tingin ko marami din naenganyo sa crypto lalo na ngayong pandemic thinking that its 'easy' money, marami din kasi ako nakikita sa mga FB groups. Yun nga lang ang napansin kong naging laganap ay yung mga nasa telegram bots na kadalasan ay mga ponzi/hyip tulad ng forsage, bitaccelerator, XUM etc.. Sana yung mga nabiktima dito ay hindi magkaroon ng masamang tingin sa crypto at gawin nalang itong lesson, at sana yung ibang mga pinoy ay maenganyo na matuto tungkol sa crypto. Siguro panahon din dapat na magkaroon tayo ng learning platform na magiging accessible para sa mga kabayan natin.
Napakarami talaga since marami ding nagseshare ng posts or mydays nila about sa profits nila with the recent pump of Bitcoin
Syempre, napakaraming naengganyo din about investing and not just Bitcoin but with other cryptocurrencies as well. Although may mga hindi pinalad tulad nung mga naginvest in Doge na mga kakilala ko din.
Nararamdaman ko na ang activeness ng crypto dito sa ating bansa. Kahit dito pa lang sa city namin e marami na akong mga kakilalang active traders sa Binance, at mga gusto pang matuto deeper into bitcoin para raw mas lalo nilang malaman ang pasikut-sikot nito. Mostly sa mga kakilala ko, alam ang crypto na kahalintulad ng sa stock market. Magkakapera daw, ganito ganyan. Pero beyond that, hindi na nila alam kung para saan ito. I guess it's good that they know what bitcoin is, at alam kong along the way e matututunan din naman nila ang mga ins and outs ng cryptocurrencies once their curiosities are teased way beyond what it is on right now.
I guess this reallly depends on the place that we are on now.
I really like to know the main regions kung saan active ang Bitcoin also with other cryptocurrencies. Maybe someone could make a poll about kung saan kayong region included or maybe I could add a poll and based on your answers here then I could sort it out para malaman natin kung alin nag pinakaactive. That could help our users and maybe other people that would like to visit the country na user ng cryptocurrencies.
As for kung pag uusapan eh pang dito-dito lang sa ating bansa eh pwede na din siguro dahil alam mo naman ang pinoy sunod sa uso lagi yan lalo na kung may kinalaman ang pagkakaperahan, medyo madami na din naman tayong pwedeng pagbasehan tulad nga dyan yung nabanggit mong coins, and other platforms which is na meron din kani-kaniyang communities, isa pa dyan yung sa traffic ng bawat platform na alam ko eh matatrack natin kahit papaano using Online Tools.
That's another thing.
Since sobrang uso ngayon ng investments, napakaraming taong gustong maginvest. AFAIK, it started with IWE and then after that napakaraming sumunod na schemes like right now may mga nagbebet on three numbers then magbabased sila on 6/49 or 6/45 na kapag lumabas yung three numbers na yun panalo sila.
This just proves na napakaraming gustong kumita and with the pandemic still here, madami pa din andg affected. A lot of cryptocurrency-related projects ang nagrurun but we don't know kung alin talaga ang legitimate so better be careful mga kababayan.
What most Filipino know is that cryptocurrency is just only an asset used solely for trading purposes and investment sCaMs
and that's it! People won't even attempt to study crypto in general as long as they are making money out of it!
We should really emphasize this as @orions and @dothebeats are saying, hindi lang tungkol dito ang cryptocurrencies.
Just imagine, napakaraming matatalinong tao ang andito sa bansa natin, let's say may maging interesado and invent something from this technology, as far as I know meron na, for sure a lot of people would follow not just the people here but from other countries as well. That could really prove that we are one of the most active communities here in Asia.
PS. Pinoy ka pala @Janation
hehe. Pasensya na kabayan. hindi kasi ako active dito sa thread natin.
very active kasi cryptohub at ang gobyerno ang nag encourage sa mga kompanya na dito sila mag operate tapos medyo lax pa ang regulations.
I've heard Cagayan's cryptohub in the past, right? May mga updates na ba tayo dun?
Kung titignan na lang natin sa Facebook, napakaraming crypto pages na Filipino ang members so in summary masasabi ko na maraming tao dito sa bansa natin ang involved sa crypto or sa Bitcoin.
Sobrang dami nga tulad ng mga nagtatanung saken.
I myday-ed the movement of Bitcoin once and ang daming nagreact and nagPM about it. But I don't see this as an active community since as I said, mga nagtatanung lang karamihan and even some of them still consider Bitcoin as a scam.
Sana ay walang epal na opisyal ng gobyerno na gagawa ng batas na magbabawal ng cryto dito sa pinas.
They have a bigger problem that cryptocurrency and I think them regulating some of the most known exchanges here in our country means that they have no plans on banning it.
IMO, siguro may mga magbabagong batas in the future pero hindi ko nakikitang magdedeclare sila ng ban to the usage of cryptocurrencies dito sa bansa natin.
That's why Bitcoin Enthusiasts here in the Philippines are just earning quietly, kasi nga naman sobrang hassle magpaliwanag sa tao on why Bitcoin is number 1 profitable investment compare to stocks.
Siguro at hindi ganun kaingay ang Bitcoin pero sa totoo lang, tumataas talaga ang bilang ng mga pinoy na nagiging interesado dito lalo na ngayong tumaas ang value nito. Sa aming lugar, mas marami na ang nahumaling dito pero nananatiling lowkey ang karamihan. Hindi purkit wala sa trending topic and Bitcoin atin ay hindi na active ang users nito sa bansa natin. Marami ang silent investors sa atin dahil kahit ang mga sikat ay nagiimbak dito.
Tama kayo jan mga idol. Hindi lang sa pagpaliwanag. Iwas chismis na din.