tama dahil kahit pano yong mga nasa mainstream ay tried and tested na and medyo mataas naang moral , hindi na nakakatakot gamitin or hawakan dahil may mga napatunayan na , not like sa mga sleeping coins na medyo nakakatakot dahil pwedeng trap lang at naghihintay lang ng mag iinvest then maglalaho ng parang bula .
Kaya karamihan talaga sa mga investors, imbes na sumubok ng iba. Doon na tayo sa subok na pero marami pa rin naman ang sumusubok nung parang mga gem ika-nga nila. At pwedeng isama natin itong nano doon kaso yun nga lang, hindi ganun kalaki atensyon na meron para sa coin na to.
Kasi dati yung Ethereum ang pinaka considered na cheap fees tapos mabilis din. Kaso nga nung naging crowded na at mas maraming transaction ang nangyari, ICO at DEFI, tumaas ang fee kasi sobrang daming transaction ang nagaganap.
Ito talaga malaking dahilan kung bakit, ung mga tao kasi mas nagtitiwala pag masyadong kilala na ung project, gaya nga ng pagkakasabi mo mainstream at talagang madaming gumagamit.
Unlike dito sa Nano kung saan maganda ung offer na feeless na talagang pumapatay dun sa mga token owner na gumagamit ng
ERC at ung mga may hawak ng ETH at BTC.
Tingin ko kapag may isang kilala at mataas na reputasyon ang mag endorse nito tulad ni Elon tapos ipaliwanag niya tungkol sa fee less at mabilis na transaction, dadami ang user nyan at gagamiting payment option.
Natatandaan ko pa tong coin na ito. Base sa kaibigan ko, nakukuha lang ito noon thru captcha typing at sa ngaun may hawak siya na NANO/Raiblocks noon.
Natatandaan ko rin ung time na may nagpost somewhere sa internet na nabenta niya ung mga NANO na nakuha nya thru captcha typing ng 30$ (malapit un sa ATH nya). Instant milyonaryo siya.
Bwenas nun, tingin ko may mga mangilan ngilan tayong kababayan na naging instant milyonaryo dahil dyan.