Kung tutuusin marami rin namang mga PH-based exchange at wallets. Yun nga lang, hindi sila masyadong kilala at maganda lang din talaga ang serbisyo ni coins.ph.
Kumbaga sa kanilang lahat coins.ph ang outstanding. Ewan ko kung ang gcash susubukang pantayan ang coins.ph dahil napabalita na papasok na din sila sa crypto.
Si pdax naman, nagkaroon din ng funding, tignan natin kung magkakaroon sila ng additional services ng katulad kay coins.ph para maging competitor din sila.
Rumor palang pero I think parang papasok ang gcash lalo na't at marami rin kasing nag dedemand na mga customers. I don't see it as an easy feat kasi parang nag iingat lang din yung GCASH lalo na sa kaliwa't kanang mga crackdown sa crypto at mga regulations na involve rito yung may crypto services.
Marami na sana yung ka-kompetensiya ni coins.ph ngayon pero parang ang bagal nila at naging dominating coins.ph lalo na sa kasagsagan ng crypto boom noong 2017 hanggang 2019 kasi pagdating ng 2020 mas umangat si GCASH ng maging option siya sa Binance P2P. Never have an update sa PDAX pero sa tingin ko they are more into sa exchange service nila, just my two cents.