Mahirap din kasi ngayon kasi isang click mo lang sa isang bagay na nakita mo susunod na agad ang mga ads na related sa isang website o item na nakita mo. Ganun kabilis ang mga ads ngayon halos nakikita na agad kung saan tayo interesado, Maaari tong phishing survey na ito maging dahilan pa upang mahack ang mga accounts natin kapag nag fill up tayo dito. Napahirap iblock nang mga ads lalo na kapag sunod-sunod, kaya gumamit ako nag ibang browser upang mablock ang mga ads o phishing sites na tulad nito. Brave browser gamit ko ngayon. so far okay naman siya lagi niya nabloblock ung mga nag-auautomatic na nagpop up na unauthorize sites.
Yes totoo ito, kaya ugaliin na mag clear cookies kase dun usually nadedetect yung mga activities na ginagawa at mag search ka lang talaga puro ganun na ads na ang lalabas even scam site kase di naman masyado mahigpit ang google since nababago ito ng mga hackers. Wag mag lagay ng impormasyon kung hinde naman trusted yung site, umiwas sa mga too good to be true na projects and always confirm if nasa tamang site kaba, mahirap mahack ang mga accounts mo.