Gumawa ako ng thread at ito yung post na yun, hindi ko akalain na meron na palang ganitong thread so paste ko nalang ito dito.
Maraming salamat sa pag turo nitong thread nato @arwin100
Newbie GuideSiguro batid na ng karamihan ang bagong trend ngayon na kumakalat sa mga social media, at sa tingin ko isa ito sa mga magiging dahilan upang mas makilala ang crypto saan man sa mundo. Sa sobrang hype nito sa mga kabataan, pumapasok ang mga ito sa mundo ng crypto nang walang gaanong sapat sa kaalaman tungkol dito at nauuwi sila sa pagkawala ng mga assets na kanilang binili at inipon.
Dahil sa trend na yan posible na may bagong batch ng mga new users ang pumasok dito sa ating forum upang maghanap ng mga detalye o inpormasyon tungkol sa bagong trend, kaya naisipan kong gumawa ng Newbie guide para maiwasan ang mga trahedya na tulad ng nabanggit.
Narito ang listahan :
1. Phishing Ito ang isa sa pinaka madalas nakakalimutan nating lahat, kahit maging mga beterano na sa larangan ng crypto nahuhulog o nabibiktima nito. Mas mainam na gawin upang maiwasan ito, ugaliing bumisita sa mga social media like facebook, twitter, Telegram, Discord etc. ng project na nais mong pasukin ng sa ganoon makasigurado ka na tama ang site na iyong pinapasok, lalong lalo na kung involve ang iyong wallet. Metamask, Ronin, etc.
Ang mga phishing sites ay gumagamit ng visual illusion (Ewan ko kung tama yung term). Ito yung method na nagdadagdag sila ng additional letter sa unahan, gitna o hulihan ng link upang hindi ito maging kapansin pansin.
Example :
axiieinfinity . com
axieiinfinity . com
axieinfinity . comHalos hindi mo mapapansin kung hindi mo titingnan ng mabuti. Kaya mas mabuting icheck ito ng mabuti.
2. Secret phrase Marahil napapansin mo sa tuwing mag gagawa ka o mag iimport ng wallet phrase sa app or sa browsers. Palaging may note ganito :
I understand that if I lose my recovery words. I will not be able to access my walletDahil yan ang natatanging phrase na gagamitin mo upang mabuksan ang iyong wallet kung saan mo ilalagay ang iyong mga assets. Once na mawala ito, huwag ka nang umasa pang maibabalik ito sayong muli.
May mga time na once na nagkaproblema ka sa iyong account and kelangan mo ng solusyon, most of the time pumupunta tayo sa mga social medias ng project na iyong pinasukan o sinalihan upang humingi ng tulong. Ang mga developers and staff ay laging nandyan upang tulungan ka anuman ang iyong problema, ngunit maging aware na mas maraming nagpapanggap na staff o developer na hihingin ang iyong Secret Phrase o Private address which is isang malaking Red Flag.
Ang tunay na staffs o support ay :
1. Hindi unang nag di-DM
2. Walang karapatan hingin ang iyong Secret phrase o Private address
3. Karaniwang sumasagot sa general chat
Kung sakaling maka tagpo ka ng mga ganyan sa Discord and mostly telegram, much better na ireport ito sa main page nila.
3. Email and password Meron na akong ginawang
Article tungkol sa mga tips upang maprotektahan and email and passwords. Masaya akong bisitahin mo ito at basahin.
Kung meron man kayong nais idagdag, feel free to comment it down.