Mas maganda kung sa facebook groups at mga axie related pages ka maghanap ng scholarship. Malabo makahanap ka ng scholarship dito sa forum kasi dapat tiwala yung magbibigay ng scholarship sayo at dapat kilala ka nila, hindi man personally pero dapat may identity na ipapakita sa kanila. Kaya yun lang ang mapapayo ko sayo pero kung meron ka namang savings, kaya mo makahanap ng murang axie team para sayo upang makapag grind ka na, yun nga lang hybrid yun at hindi pure pero at least nakapag simula ka na. Ganyan ginawa ko at ok naman, nananalo sa arena kaso mababang mmr lang.
Sorry, kakatanong ko lang sa isang Axie related thread. Gusto ko na rin itanong dito ito para lang clear. May nabanggit ka na kasi about the scholarship and being an axie scholar. Tanong ko lang eh, kailangan ba ng puhunan para maging isang scholar. Wala ako alam sa game pero nagtatanong sa akin mga kakilala ko na gusto sana subukan maging scholar ng axie. Kung may puhunan man. Magkano naman ang puhunan na dapat mo na ipasok para maging isang scholar?