Source:
https://bitpinas.com/regulation/sec-advisory-xum-token-masa/Nakita ko lang ito mga kabayan sa Facebook news feed ko. Alam ko kasi meron nag alok sa akin na bumili ng XUM token. Pagbasa ko pa lang ng mga detalye, alams na alams ko na ponzi scam na naman ito dahil sa "promise" or "guaranteed" returns for a certain period of time or locking it for a year kumbaga.
After a few months, ni-follow up nya naman ako, pero ayaw ko pa rin. Tinanong ko xa if may secondary license na ba ito from SEC? At registered na ba sa Bangko Sentral ng Pilipinas? Parang confident ang sinabi nya sakin na "Yes". I give him friendly advice, pero ayaw maniwala at ni-defend nya ang XUM Token.
Now, lumabas na ang news na ito, so ayun karma na xa agad because of investing in that ponzi scheme.
Kaya lang sa totoo, walang astronomical guaranteed returns ang cryptocurrencies. Always DYOR at mag invest lang ng pera na kaya mo mawala kahit paano.