Ok ito para sa mga nahihirapan magcash out at para sa mga walang Binance.
Well, alam naman naten na medyo mataas ang rate and fees ng coinsph and dahil dito di ko na sya masyadong ginagamit pero if ok naman ang conversion at Ronin capable ang wallet, then why not to try diba. Good news ito!
Actually mas madali nga magcashout using Binance tapos papuntang gcash sa P2P, basta siguraduhin mo lang na legit yung ka-transaction mo. Ang pinakaayaw ko lang talaga sa coins is super maselan at mataas ang fee. Kapag diyan diniretso ng manager yung milyon na SLP na nakahodl, for sure iinterviewhin kaagad yan ng coins, which is super hassle for me. Lalo na kung napakaraming ipapagawa sayo para lang mabuksan mo ulit account mo.
Wala din kasing magagawa ung coins dahil sa umiiral na AMLA, sakop sila ng batas kung hindi nila susundin mawawalan sila ng permit na mag operate sa pilipinas, kaya kung sino man na manager na may balak mag cash out, mas maganda pa din yung P2P ng binance basta maging maingat lang at dapat aral mo rin yung ginagawa mo.
Wala naman problema sa binance basta wag ka lang din lalagpas sa limit ng bank mo, sila kasi ang magiging problema pag masyadong
malaki ung transactions at madali rin masilip at mapaghinalaan na money laundering.