Ano pa mas safe na pag withdraw sa Binance bukod sa P2P? Nakakabahala kasi yung P2P eh madami ako nababasang post sa fb na nascammed sila through P2P.
Trade mo sa XRP tapos saka mo i-transfer sa coins.ph kung meron kang account sa kanila. Mabilis lang tapos mura pa kaso nga lang may minimum na 30 xrp kay binance pag sa withdrawal.
Tapos kung nasa coins.ph na, saka mo na ibalik into btc or gawin mo ng PHP. Ganyan ginagawa ko madalas kapag nagte-trade ako sa binance.
Eto ang pinakamagandang suggestion , bukod sa mababa ang fee ng xrp ay mabilis din itong dumating. but then, iba iba tayo ng sitwasyon . Sa katulad kong mas prefer ang magkaroon ng pondo sa gcash (business related) then mas prefer ko ang diretso p2p na lang. So far, hindi ko pa naman na experience ma scam sa binance p2p pero meron din akong ilang kilala na na scam na din dyan.
Actually, nasa binance platform pa din sila at pwede namang ireport ang buyer/seller na hindi nag release ng asset. My isa akong kilala na nireport nya sa binance yong asset na hindi nirelease ng buyer at naibalik naman ng binance dahil sabi nito ay reliable ang binance sa mga ganyang issue.
Hindi din ako basta basta nagre release agad ng asset kung hindi ko nari receive yong bayad.