Kung nabasa niyo mga kabayan na kamakailan lamang, ang bansang El Salvador to adopt bitcoin as legal na sa kanilang bansa. Kinilala rin ng mga bansang tulad ng Japan, US at European Union ang mga cryptocurrencies as legal, financial assets with value.
Sa ngayon, nagpapakita na rin ang Pilipinas ng pagtaas ng optimismo tungkol sa crypto. Ipinapakita din ng data ng Banko Sentral ng Pilipinas (BSP) na halos
20 milyon na o
362% taon-taon ang dami ng mga transaksyon sa cryptocurrency sa unang kalahati ng 2021.
Ang mga transaksyong ito, ayon sa isang ulat, ay nagkakahalaga ng
P105.93 bilyon. https://www.philstar.com/business/2021/12/03/2145304/virtual-currency-transactions-hit-p106-billion-h1/amp/
Kung inyo rin nabalitaan, naiulat na ang Pilipinas ay nasa ikalawa na sa buong mundo o
22.7% ng mga nasa hustong gulang na nagsasabing sila ay nagmamay-ari ng cryptocurrency.
https://bitpinas.com/feature/philippines-ranks-2nd-in-crypto-ownership-survey/Masasabi ko na dahil ito sa lumalagong digital awareness at tech-savviness ng mga Pilipino na lalong nagpatibay at lumawak ang kaisipan mula ng pumutok o yung napausong larong play-to-earn. Idadagdag ko narin yung mga bagong at karagdagan services ng ng crypto app gaya ng Gcash, Paymaya, Coins.ph at maging ang bangko narin na unti unti sumasabay sa takbo ng digital finance na sa palagay ko magbibigay ng malawak at malayang transakyon.
Masasabi ko din at naniniwala ako na sa crypto investment ay maaaring makagawa ng bagong batch ng mga milyonaryo ng digital currency basta't may malawak kang kaalaman, patience at experience kung paano ito laruin.