Nakakatuwa lang isipin na ang Bitcoin sa mga kapanahunang ito ay nagagamit na sa mga tshirt design, at isa lang ang parang nakikita ko dito at ito ay maliwanag na nararamdaman na talaga ng karamihang mga pinoy ang kahalagahan na pwedeng maidulot nito sa bawat indibiwal na tao kung aalamin lang nila talaga.
Saka may nakita din ako nyan sa Megamall, meron pa nga sa wrist watch nakadesign ang logo ni bitcoin, maging sa damit din.
At yung price nya parang nasa around 10$-20$ mga ganun umiikot ang value nya.
Yung way ng pagpropromote makakatulong pa lalo sa curiosity ng ibang kapwa nating pinoy, yung makakita lang sila ng mga items
na may logo ng Bitcoin at nung iba pang known crypto malaking bagay na yun.
Sa ganun kasing paraan makakahatak ng interest lalo ung may mga kakilalang nagkaroon na ng kaalaman sa industriya.
Lalong lalaim yung interest nun mga taong yun, una sa merchandize like t-sahirt or watch , mugs at kung ano ano pa, ang kasunod
eh pag research na sa internet at pag invest na ng tuluyan.