Nung nagsimula akong pumasok sa mundo ng trading, ang nasa isip ko ay ito ang pinakamadaling paraan para kumita. Nagresearch ako by myself kung paano magtrade at nasurpresa talaga ako kasi ang daming videos about dito sa yt. Madami akong pinanuod at dahil nagagamay ko na ang mga strat na nakikita ko ay agad ko na itong inaapply saking sarili, nagtrade ako. At sa unang entry ay tumama kaagad sa Take Profit area, at ganun din sa pangalawa. Pero habang tumatagal sa pagtitrade — dahil may mga talo ako — napapansin kong hindi parin lumalaki yung puhunan. Hanggang sa umabot sa punto na tuloy-tuloy yung pagkatalo at naubos ang puhunan. Hindi ako sumuko sa trading kasi kung susuko ka ay talo ka, kaya pumasok sa mentorship program. At yung mga tinuro ay wala sa mga nakita ko yt kaya namangha talaga ako. Inapply ko din ito sa pagtitrade, at working talaga sya kasi tumatama din kasi tp area ko. Pero sa katagalan ay naubos pa rin yung puhunan.
Napatanong ako sa sarili ko kung ano ba talaga ang pagkukulang ko kung bakit nauubos yung puhunan.
Ang totoong dahilan pala ng pagkatalo ko ay
trading mindset ko at wala ring
risk management.
Sa mga panahon kasi na tumatama yung TA ko sa pagtitrade, ay hindi maiwasan na dagdagan yung margin sa pagtititrade kasi masaya ka eh. Pero nung time na dinagdagan ko yung margin, dun pa yung time ng pagkatalo ko. Kaya yung mga kinikita ko sa mga previous trades ko ay inubos lang ng isang trade. Isa din talaga sa dahilan ng pagkaubos ng puhunan ay dahil walang risk management, kasi kapag malapit ng umabot sa stop loss yung price ay tinatanggal ko ito kaya ang nangyari ay niliquidate yung margin ko kaya naging mabilis ang pagkaubos ng puhunan ko.
Mga natutunan ko sa pagtitrade:
- 1.Tiwala sa TA
- 2. Sundin ang yung trading plan
- 3. Mindset sa trading
- 4. No to revenge trading - dahil din ito sa emosyon
- 5. Risk Management - pinakaimportante talaga ito.
Note: Huwag kayong magpapaniwala na kapag pinakitaan kayo ng winning trades nila ay profitable na sila kasi karamihan mas marami talaga ang losing trades nila. Not until they provide you their PnL and WinRate.