Ano nga ba ang GHOST COMMERCE?
~ito ay tumutukoy sa pagbili at pagbenta ng mga produkto at serbisyo sa internet na nagaganap sa labas ng traditional na e-commerce o electronic commerce. Ito rin ay kadalasang tinatawag na "dark commerce", dahil ito ang kadalasang ginagamit ng mga consumer para bumili at magbenta ng hindi nalalaman ang kanilang personal na impormasyon. Isang popular na halimbawa nito ay ang pagbebenta o pagbili ng mga illegal na bagay o serbisyo. Isa na nito ay ang dark web, at hindi lamang ginagamit ang ghost commerce sa mga ilegal na bagay, mayron ding ginagamit ito para bumili ng mga limitadong bagay na kadalasang hindi binebenta sa mga lokal na pamilihan.
Sa pag usbong ng internet sa ating bansa, dumarami na rin ang mayroon ng mga gadget kagaya ng cellphone at iba pa, marami din ang nangangamba sa kanilang seguridad at gusto nilang itago ang kanilang pagkakakilanlan, kaya isa ito sa pamamaraan ng mga mamimili upang maiwasan ang pasisiyasat ng gobyerno at malalaking korporasyon. Iilang lang ito sa benepisyong makukuha sa Ghost Commerce, subalit kung may benepisyo man, meron din itong mga panganib kagaya ng mga sumusunod;
* kakulangan sa tiwala ng nagbebenta/mamimili
* makabili ng mga depektibo at pekeng mga produkto
* kakulangan ng warranty
* potensyal na maparusahan sa pakikilahok sa mga ilegal na transaksyon
Habang patuloy na umuunlad ang teknolohiya hindi lamang sa ating bansa, hindi natin maitatangging unti-unti itong malalaman at madali na itong ma access ng publiko. Sa katunayan marami na ngang mga content sa mga social media platforms patungkol nito.
Kayo? ano sa tingin nyo?
Masmagandang iwasan nalang ang mga ganitong transaction dahil wala din naman itong magandang maidudulot lalo na ang transations sa mga hindi naman legitimate nasellers kung saan walang kasiguraduhan ang product na maaari nating makuha dito. Dagdag pa dito ang risk ng paglalagay naten ng ating personal na information, lalo na kung mayroong involve na pera, madalas hindi talaga ako nagtatransact online lalo na kung hindi ako sigurado sa website or medjo suspicious ito ay hindi ko na tinutuloy ito, lalo na sa paglalagay ng mga card details ay sinisigurado ko muna ang transaction. Dahil sobrang delikado kapag nakuha nila ang details mo na mayroong involve na pera.
Hindi ito mapipigilan lalo na ngayon na nasa social media ang ghost commerce pero maaaring magrely sa mga reviews ng isang product bago ka bumili, kahit papano ang bababa ang chance na mascam ka or makakuha ng defective na product. Ang Ghos Commerce naman ay bagong strategy na ngayon ng mga sellers so i guess suriin lang naten ng mabuli ang business bago tayo bumili.