Isa itong topic na ito sa pinaka naguguluhan akong intindihin dati nung panahong bago palang sumisikat ang mga sidechain. Magandang malaman ang pagkakaiba ng dalawang klase ng blockchain at kung paano sila gumagagana. Maaring nagiinvest tayo sa isang Blockchain na hindi natin nalalaman kung Layer 1 or 2 sya.
Ano nga ba ang Layer 1 at Layer 2?Ang layer 1 ay ang base level ng blockchain architecture. Ito ang pangunahing structure ng blockchain network. Ang mga example ng Layer 1 Blockchain ay Bitcoin, Ethereum, BNB Chain at iba pang blockchain na may sariling blockchain structure.
Ang Layer 2 naman ay ang mga network na ginawa sa isang existing blockchain o mas kilala bilang sidechain. Ang pangunahing layunin ng Layer 2 blockchain ay masolusyonan ang problema sa scalability ng blockchain dahil sa madaming transaction kagaya ng Bitcoin at Ethereum. Ang mga example ng layer 2 project ay Lightning Networ(Bitcoin) at Optimism(Ethereum).
Pagkakaiba sa Blockchain network scalability improvementsLayer 1
- direktang binabago ang rules at mechanism ng original blockchain kaya nagreresulta ito ng mabagal na epekto dahil sa consensus.
Layer 2
-gumagamit ng external, parallel network para mafacilitate ang transaction sa labas ng mainchain kaya mapapansin nyo na mura at mabilis ang transaction sa sidechain dahil hindi it dumadaan ng direkta sa main chain. Shortcut kumbaga.
May future ba ang mga Layer 2/sidechain project?-Sa aking palagay, Ang mga ito ay magandang investment hanggang may blockchain na kagaya ng Bitcoin at Ethereum na hindi pa din masolusyonan ng permanente ang scalability issue. Pero mapapansin nyo na medyo nagimprove na ang speed at transaction ng ETH simula ng nagpalit sila ng concensus galing sa PoW to PoS. Ang mga sidechain ay maaring maging useless kung ang layer 1 project na based nila ay tuluyan ng magawan ng paraan ang scalability issue. High risk high reward ang ganitong project kung nais mo na maginvest.
Reference:
https://academy.binance.com/en/articles/blockchain-layer-1-vs-layer-2-scaling-solutions