Nawala na rin ang interst ko dito sa DeFi dahil sa mga hacking at rugpull incidents. Marami rin kasing naluging investors dahil sa sobrang tiwala sa mga nagsipaglabasang mga DeFi platform.
Ok ang projects under ETH network though may mga problem lang before when it comes to DeFi projects since not all of them succeed or most of them nagpupump lang during the early stage but sooner or later the investors will leave them. Its good to know more about DeFi, maybe you can share knowledge here na about this since may market ren naman talaga sa DeFi, need lang talaga itong aralin mabuti.
Sa tingin ko itong mga DeFi na trip ni OP ay yung mga fresh project na related sa mga successful DeFi. Madami akong kaibigan na ganito ang trip. Yung tipong paunahan bumili kahit na walang kasiguraduhan yung project tapos unahan nalang sa pagbenta.
Ito ba iyong tipong in-demand ngayong nganga bukas? Kadalasan kasi sa mga nakikita ko sa fb group at telegram ay HYIP and scheme kaya nakakawalang ganang magparticipate.
Napaka daming defi project sa ETH at karamihan dito ay pump and dump scheme since iniiwan ng dev yung project pagkatpos ng funding round then gawa nanaman ng bagong project para sa panibagong token.
Parang ang siste kasi nila ay gumagawa sila ng dummy wallet na kunyari investor then ito yung magdudump ng token sa market. Nakakaexit padn ang devs kahit na nakalock yung liquidity since may token sila na pwedeng idump. Maganda sana ito kung yung mga real gem ang tinutukoy ni OP.
Matagal ng maraming ganitong scheme sa ETH network, nung nagmahal sobra ng gas fee nila, iyong mga scammers eh nagsipagtalunan sa BSC at iba pang mas murang network. Pero kung makatyempo tyo ng gem, talagang tiba tiba ang mauunang maginvest sa project na ito.