Ilang araw lang ang nakalipas ay naglabas ng pahayag isang kumpanya sa Bhutan country na sikreto silang nagmimina ng Bitcoin gamit ang green energy ng Bhutan. Nakakamangha lang dahil ang isang tahimik na bansa na nasa himalayan region ay may ganitong klaseng investment sa Bitcoin.
Talagang nakamangha ito kasi wala naman sa radar ang bansang Bhutan bilang isang bansa na seryosong nagmimina ng Bitcoin, maaring mayroon pa ngang mga bansa na hindi pa nababalita na nag mimina at maaring lumabas ngayun o sa hinaharap at hawak pa nila ang kanilang namin so in the future maaring isa ito sa makatulong sa kanilang ekonomiya.
Ang nakakabigla pa dito ay nagsimula sila magmina noong 5000$ pa lng ang price ng isang Bitcoin kaya sobrang laki na siguro ng holdings nila dahil hindi pa sila pumapasok sa buy and sell at purong pagmimina lang ang knilang ginagawa.
Napakalaki ng kanilang paniniwala sa Bitcoin kaya di nila pinakawalan ang kanilang namiminang Bitcoin, maaring i sell nila sampung taon mula ngayun kung saan ang halaga ng Bitcoin ay napakalaki na o umabot na ng isang milyon dolyar
Naisip ko lng. Mayroon din tayong mga ganitong resources kagaya ng hydro electric power sa mga dams, windmill at solar plant. Mayroon din kaya mga kumpanya dito sa pinas na nagventure sa Bitcoin ng tahimik lang?
Maaring mayroon pero wala pa nag spill na empleyado na meron ngang ganitong kumpanya tutal nasa tropical naman tayo at marami tayo falls pero kung sakali ma swerte ang company na ito kung tutulad sila sa bansang Bhutan.