Para sa akin lang, di kasi sapat ginagawa ng gobyerno para sa awareness sa mga ganito. Oo nagpapaalala sila pero yun lang parang di lang siya sapat sa akin.
Pero may kasalanan din naman mga kababayan natin kahit na narinig o nabasa na nila yung paalala, tuloy pa rin sa mga pinaggagawa nilang mga steps na hindi recommended lalo sa mga online transactions at pag click ng mga links. Hindi ako hater ng gobyerno at hindi rin naman ako woke pero dapat talaga mag mula sa kanila yung active raising ng awareness regarding sa cyber space.
Obligasyon din kasi nating maging aware and observant and also kailangan din nating tulungan ang gobyerno , meaning mag report tayo each time na meron tayong nakikitang pwedeng panggalingan ng panloloko at pandarambong .
Kasi hindi lang naman tong hacking ang kailangan harapin ng gobyerno , and also ang pinaka gusto kong mas mag improve is yong PARUSA SA MAHUHULI in which mas magbabawas ng kagustuhan para sa mga magiging hacker pa sa susunod na araw.
sa english section napaka dami n paalala at pagtuturo pano makakaiwas pero still andami pa ding nabibiktima.
ang masakit pa is kahit yong pinaka lumang style n hacking ay may nabibiktima pa din so yeah minsan kasalanan na din natin bakit tayo nabibiktima .
Ingat nalan sa mga desisyon at pagpili para na din sating mga kabutihang kalalabasan.
Totoo naman yan, tayo dapat ang kikilos pero sa pagiging illiterate ng karamihan sa mga kababayan natin, kailangan umaksyon ng gobyerno para mabawasan naman yung mga nabibiktima ng mga scam at hacking. Tulungan naman ang dapat, citizens at government kaso parehas kulang at madami din namang walang pakialam na akala nila hindi mangyayari sa kanila. Mag start tayo sa sarili natin tapos sa pamilya tapos sa mga kaibigan natin, dapat may push din ang gobyerno sa mga ganitong campaign.