Gcash is already compromised I think, kase inaccept den naman nila na fault nila kaya we cannot blame the users kase ang security ng gcash ay sobrang hina talaga.
Imagine, doing your transaction without having any OTP, natalo pa ng mga crypto exchanges na sobrang higpit when it comes to OTP.
Dapat na talaga silang magupdate ng security system nila, at syempre need paren natin magingat sa mga phishing sites kase baka tayo ren ang mabiktima at baka hinde na ibalik ang perang nawala.
Ganun din ang paniniwala ko na talagang na hacked ang GCASH kasi pag ang isang OTP based ang isang application at ang mga users ay aware dito dapat walang nangyayaring confirmed transaction, yung ibang mga complainant dito ay alam ang tungkol sa OTP alam nila na di dapat sineshare ang OTP pero talagang nagyayari.
Nakakalungkot lang, kasi malaking company ang GCASH milyon ang gumagamit nito at milyon milyon ang transaction nito pero tingnan mo di mataas ang security nila.
Malamang marami na ang mag dalawang isip na gumamit ng Gcash lalo na yung nawalan ng malaki.
Pero karamihan parin ng users ng gcash ay for sure na mananatili parin na gagamitin parin ito. At isa na ako dun, dahil sa kasalukuyan naman ay naresolba narin ang isyu kahit papaano naman.
Saka hindi naman din nagkulang ng paalala ang gcash sa kanilang mga users tungkol sa mga bagay na hindi dapat gawin at maging aware lang palagi sa mga phishing link at iba pang isitilo ng mga hackers hindi naman siguro mahirap intindihin yun.