I wonder kung meron ba ditong may experience na sa pagbili ng Bitcoin in remote location sa hindi mo kilala. Nauso dati yung localbitcoin at madaming pinoy seller na nagooffer ng Bitcoin meetup.
Naisip ko lng kasi kung haano ito ka risky both seller at buyer dahil pwede silang malagay sa alanganin kung sindikato ang kadeal nito. Naka basa ako sa global about buying ng Bitcoin P2P para lang maging complete anonymous yung crypto funds at para na din maka avoid sa tax.
Alam natin na P2P transaction talaga ang purpose ng Bitcoin at ginawa ito para wala ng maging middleman kagaya ng banko. Yun nga lang ay sobrang hirap magtiwala sa online para magsend first.
Kung sakali man na magkaroon tayo ng strict crypto taxation kagaya ng sa India na sobrang unreasonable percentage. I’m sure na mauuso ulit itong IRL P2P dahil regulated halos lahat ng exchange at kung meron man pure decentralized ay maari pa dn matrack yung transaction mo dahil sa bank account transaction unlike cash transaction dahil walang paper trail.
Kung kayo ang tatanungin, Susubok ba kayo nito halibawa na 60% or above ang crypto tax natin?
Siguro kung talagang sobrang taas ng Tax at kelangan talaga ito para lang makabili or makapagbenta ng Bitcoin, maghahanap talaga ang marami ng alternative way para makabili or makapagbenta kayo maaaring maging popular ang mga ganitong transaction, lalo na kung ganoon ang sitwasyon, mahihirapan tayong magtransact kung sobrang taas ng fees at tax. Sobrang risky naman talaga ng ganitong meetup pero may mga paraan naman siguro para maiwasan ang scams sa ganitong transactions basta magingat ka lang lalo na kung marami ng red flags ay huwag mo ng ituloy. Saka privacy din delikado kapag marami nakakaalam na may Bitcoin ka.
Kahit sa mga platforms na mayroon P2P ay marami ng scammer kailangan mo lang magingat lalo na kung Ikaw mag unang magsesend ay madadali ka talaga ng scammer, madali lang naman maiwasan eh siguraduhin mo lang na pumasok na sa bank or account mo ung pera bago mo iapproved ung pera nila.