Magandang araw sa lahat na mga kababayan ko dito, Nabasa nyo naba ang balita tungkol sa title na aking ginawa dito?
Kung papansinin natin sa panahon ngayon kung walang internet ay mahihirapan tayo. Dahil may mga gawain tayo na kapag mayroon internet ay magagawa lang natin ito. At masasabi din natin sa ating mga buhay ay malaki ang role ng internet sa daily life natin, lalong-lalo na sa ating pag-aaral, trabaho at iba pang mga pangangailangan nating mga tao. At masasabi na talaga nating itong internet ay kasama na sa ating mga buhay sa mga panahong ito. Sa madaling sabi ay mahihirapan tayong mabuhay kung walang internet, at ito ang katotohanan ngayon.
Ngayon mga kababayan ko, sang-ayon sa NASA sa mga darating na panahon ay sinabi nilang ang ating mundo ay may kakaharaping na mawawalan tayo ng internet o tinatawag na "Internet Apocalypse". Ano nga ba ito? at bakit magkakaroon ng ganitong pangyayari? Ayon sa science sa loob ng madaming dekada ay nagkakaroon ng matinding solar storm dahil dito ay nagkakaroon ito ng epekto sa ating mga electrical grid at posibleng magdulot ng matagal na blockout. Kung kaya ang epekto nito ay pang-mundo, hindi lamang sa elektrikalgrid kundi pati sa internet connection, kung kaya kapag ngyari ito ay ang iba't-ibang access ay biglang mapuputol lalo na nga yung internet. Dahil ang solar wind ay nagdadala ng mahahalagang impormasyo mula sa araw hanggang sa mundo.
*Mga hindi magandang maidudulot nito*1. Madaming mga tao ang magkakagulo, dahil madaming mga tao ang umaasa sa internet.
2. Madaming mga tao din ang mawawalan ng trabaho kasi nga madaming mga tao ang umaasa sa internet.
3. Pagnawalan din ng internet ay madaming mga tao ang magpapanic, isipin mo na nga lang mawalan lang nga ng internet saglit ay madami na ang nagagalit sa kanilang mga internet provider how much more pa kaya yung ilang buwan o taon na mawala ito.
4. Yung mga tao malulungkot din lalo na yung mga taong mayroong mga mahal sa buhay na nasa ibang bansa ay mahihirapan na sila itong makausap o magkakaroon ng problem communication due to out of internet connection.
5. Madami ding mga negosyo ang babagsak din dahil karamihan na mga kumpanya ngayon ay malaki ang ambag ng internet sa kanilang business. At kasabay nito ang pagbagsak din ng ekonomiya ng lahat ng mga bansa sa buong mundo.
6. Tataas din sigurado ang mga pangunahing bilihin din for sure. At pangngyari ito madaming tao ang magugutom dahil sa mahal ng mga bilihin pagngyari ang mga ito.
7. Madaming mga gadgets din ang hindi na magagamit gaya ng mga smartphones na ginagamitan ng internet, smart tv at iba pang mga ginagamitan ng mga internet. Lalabas ang mga ito ay mawawalan na ng silbi dahil hindi na ito magagamit.
8. Magakakaroon din ng problema sa mga online banking transaction na nakadepende lang din sa internet.
9. Itong Bitcointalk mawala narin na bigla kasabay ang lahat ng community dito.
10. Maglalaho narin ang Bitcoin o Crypto trading for sure.
So dito palang maliwanag na magkakaroon talaga ng kaguluhan, kalungkutan at takot ang mangyayari kapag nawala ang internet ng ilang buwan o taon.
*Mga magandang maidudulot pag nawala ang internet*1. Yung mga tao babalik sa dating simpleng buhay, maaari kasing yung mga tao ay babalik sa kanilang mga basic na gawain na makakatulong sa kanilang mental health. Dahil mababawasan yung mga nakiita nila online na nagdudulot kung minsan ng stress at iba pang emosyon na hindi inaasahan na mararamdaman nila.
2. Pwedeng maging mas lalong close ulit ang pamilya dahil wala na ang internet, hindi katulad ngayon, aminin man natin o sa hindi mas mahaba pa oras ng mga anak sa internet kesa sa kanilang mga magulang at ganun din ang mga magulang dahil lahat sila nakatutuok sa kani-kanilang mga cellphones.
3. Mas magpopokus na ang mga tao sa kanilang mga pamilya at sa kanilang mga kaibigan.
4. Matututo ding magexplore pa lalo yung mga tao dahil walang internet.
5. Malamang yung mga bata din magbalik sa natural na paglalaro ng tumbang preso, patentero madalas at iba pang nakagisnan natin nung tayo ay mga bata pa nung wala pang internet.
6. Madami naring mga tao ang hindi na mapupuyat dahil wala ng internet lalo na sa mga bata.
7. May mga pagkakataon din for sure namaging palabasa na ang mga tao dahil wala ng internet or magbasa pa ng gospel gamit ang Bible.
Pero kung tutuusin kaya naman natin mabuhay ng walang internet, yun nga lang kailangan lang natin na mag-adjust dahil nga malaki ang naidulot nito sa ating mga buhay nung nasanay na tayo. Bagama't nagbigay ng babala ang NASA sa atin, siguro ang gawin nalang natin ay paghandaan ang mga bagay na ito kesa naman yung hindi tayo handa, Malay natin kung gumagawa din naman pala ng paraan ang nasa na magawan ang paraan na ito sa hinaharap.
Ikaw kabayan ano masasabi mo? Handa kaba sa bagay na ito?
Reference: https://www.india.com/science/internet-apocalypse-no-internet-wifi-nasa-solar-storm-6137407/