Grabe yung taas ng fees. Satingin ko yan yung dahilan kung bakit iilan lang ang gumagamit ng GCrypto. Masyadong natataasan ang mga tao sa fees nila. Pero hindi na rin ako nagulat since halos lahat naman ngayon ng transactions under Gcash ang tataas ng fees. I think mas maraming gagamit ng GCrypto if hindi ganyan kalaki yung fee nila since madami na rin naman nag titiwala sa Gcash.
- Oo mate, tama ka, yan nga yung dahilan talaga dahil sobrang mahal ng fee, bigla kang magkakaroon ng atake sa puso pag ganyan kahit wala ka namang sakit sa puso, hehehe... Pero seryosong usapan, meron akong napanuod na channel sa utube hindi ko lang natandaan ang name nung channel, nabanggit nya dun na may kamahalan nga yung transaction fee sa gcrypto, at pinayo pa nga nya na mas magandang magtrade ng crypto sa Maya apps.
So, sa bagay na ito ay masasabi kung tama nga siya, kaya malamang mga ilang buwan pa mula ngayon kung hindi nila babaguhin ang charge fee nila ay for sure posibleng alisin nila yang gcrypto sa features ng gcash. Halatang walang alam ang gcash management sa strategy about sa crypto.