Ang dami kong nakikitang mga FB group na focus sa mga airdrops na members lahat ay mga kababayan natin. Ang dami ko din nakita na madaming nabiktima na auto-withdraw kapag naglalagay sila ng pang gas fee nila. Hindi na bago yung ganung style ng mga airdrop scam, kaya dapat mag ingat. Dahil kung nasaan ang mga tao, nandun din ang mga scammer na nakafocus lang mangtangay ng pera ng mga mabibiktima nila. May mga airdrop na maganda ang bigayan at ganun lang din naman tulad ng dati na chambahan lang.
- Kapag airdrops sa FB ang pinag-uusapan huwag kang umasa na magkakaroon o makakakuha ka ng profit dyan, dahil pugad talaga yan ng mga scammers at ng mga hackers. Madalas talaga dyan ay malalagay pa sa risk yung mga accounts mo sa email dahil sa mga phishing link na ibibigay nila.
Ang tanung bakit hanggang ngayon ay lantad parin yan sa FB? yun ay hanggang ngayon madami parin kasing mga kababayan natin ang uto-uto, at mga Tatang*-T*nga na nag-iisip na madali silang makakuha ng pera sa sa madaling paraan lang dito sa cryptocurrency. Madami parin sa mga kababayan parin natin ang hindi na natuto sa mga kamalian ng iba.