nakakabasa na din ako ng defi sa facebook friends ko na nagki crypto pagkakaintindi ko dito ay parang ilalagak mo ang funds mo sa isang dapp sa pamamagitan ng staking, yield farming, liquid staking at iba pa, at yun ang magbibigay sayo ng interest medyo malaki yung interest na binibigay sa defi kumpara sa mga bangko natin pero sa bangko ay low risk pero low reward at dito naman sa defi ay high risk pero high reward naman kaya papaldo ka talaga kapag nakaswerte ka. Sa ngayon ay hindi ko pa eto nasusubukan dahil gusto ko munang matuto sa mga eto. Sana ituro ito ni Op kapag nagkaroon sya ng oras. Mas maganda na kababayan natin ang magtuturo para mas lalo natin maiintindihan at isa pa mukhang madami ng na experience si Op sa Defi. At sana turuan din tayo ni Op kung paano bumasa ng code sa isang smart contract kahit basic lang.
Mas malawak pa ang definition ng DeFi kung tutuusin, yang mga staking, yield farming, liquid staking ay isa lamang sa mga dapp utility na kayang ioffer ng mga tokens sa DeFi. Pero in reality, mas malawak ang DeFi, karamihan ng mga utility ay para sa mga crypto traders. Minsan ang mga sikat na meme coin ay nagsisimula sa DeFi bago pa dumating sa mga CEX. Katulad na lamang nung $Pepe, nakita ko na siya small mcap palang last year but ngayon ang laki na and listed sa mga top CEX katulad ng binance. Ang mga layer 2 solutions ng Ethereum is actually part of the DeFi, sobrang dami at lawak pa.
Yes madami na and I'm one of those na naging successful sa DeFi kaya naglielow din ako dito sa forum. Ang problema lang talaga is very risky but profitable, kailangan lang din marunong tumingin ng contracts to avoid scams, kailangan din ng network para mas malessen yung mga moments na bigla ka nalang mawawalan ng pera. I can do tutorial but it'll take time since pagiisipan ko din mga basic na tuturo ko if ever.
Na gets ko yang sinabi mong very risky pero profitable. Ang dami ko na din nakita na nasa space na yan sa mga FB groups at madaming proud na nagse-share ng mga successes nila. Sana kapag nagkaroon ka ng time ay mashare mo pa dito yung tungkol sa mga yan. Dahil basta tungkol sa mga earning opportunities ay madaming mga kababayan natin ang interesado. At welcome back ulit sa forum, mukhang pumaldo ka ng lubusan at siyempre di ka pa rin nakakalimot dito sa forum.
Naging libangan nalang sa akin itong forum pero yes willing ako magturo ng mga basic knowledge ko sa DeFi, gawa ako ng thread kapag sinipag talaga. Kung nakikita mo yung mga Solana na pumaldo sa Bonk.
Actually isa yung wallet ko sa mga na-airdroppan ng BONK last feb 2023 kaso nabenta ko agad mid-year, ngayon listed na din sila sa Binance.
but look, free money siya. 100k mahigit din pero mas malaki if nabenta sa ATH. Daming opportunities sa DeFi.