Kahit saan naman basta may money involved ay madali talagang mkakapangloko. Lalo na at pasugalan, siguradong marami ang mabibiktima dito. Kung tutuusin nga, sa naraid na pogo na yan ay may mga kababayan din tayong nabiktima nila at naging empleyado na kung saan ay napangakuan nila ng hindi naman totoo.
Legal o hindi man ay nkakapangbiktima ang mga ito at nkakapagsagawa ng maraming illegal na transactions dahil sa totoo lang, may mga kilalang tao din naman sa likod nito. Maraming illegal na pogo ang nagsasagawa ng money laundering kaya sana nga at maging mahigpit at mabusisi ang goberno para hindi na lalo pang maging talamak ang ganitong kalakaran sa bansa lalo na at mga banyaga pa ang mga nagpapatakbo dito ang masama pa, kahit tayong mga nasa sarili nating bansa ay naloloko rin ng mga ito.
Sa dami ba namang perang lumalabas dyan for sure talaga nagagamit yan sa illegal na gawain. Marami tayomg nababalitaang scamming at kidnapping na nagaganap at na link sa pogo ang mga activities nila kaya di talaga maitatanggi na nangyayari na talaga yan dyan. Mahirap lang talaga itobg masawata dahil may protektor ang mga yan at kadalasan nakakatakas yun talagang pasimuno ng kalukohan at yung nahuhuli ay yung maliliit na isda lang.