Ang weird naman na ngayon lang sila nakapag-issue ng statement ukol sa Axie Infinity, dead na yung hype for almost 2 years hahahaha. Yung 300 USD na sinasabi nila, nung kalagitnaan pa ng hype yang price na yan, not to mention na at that time, hindi yan yung price ng decent na team eh. Tsaka, hindi naman sapilitan bumili ng Axies, may scholarship programs yung mga early adopters na mayroong funds to create teams na pwede nilang ipagamit sa iba so hindi siya pasok sa Ponzi scheme.
Is this an old news or talagang may nagpapakalat ng ganitong gawain with Axie ngayon?
Well, mas mataas pa nga ng bilihan noon kung tutuusin with Axie and sobrang swerte nung mga nauna dito and now sa tingin ko dahil sa sobrang daming tao na nalugi nagbabala ang PNP with regards to this. Ang tanong nalang talaga ngayon is, may nagiinvest paba kay Axie ngayon?
Hindi siya old news, August 17, 2023 yung date dun sa article ng Cointelegraph kung chineck mo sana. Regarding sa mga nag-iinvest sa Axie ngayon, wala na masyadong matunog na pangalan pero may mga players pa din na active sa FB Buy and Sell groups, yung iba nga sa V2 naglalaro kahit walang rewards eh. Axie is just a small part ng Ronin ecosystem so sa ngayon yung mga investors, nasa bagong laro ata nakafocus o di kaya dun sa Ronin blockchain.