Oo kabayan, ideal talaga mag transact ngayon kung may mga funds ka na gusto mo itransfer, malaking halaga man yan o maliit. Kahit na gumagalaw din ang fees ngayon, hindi naman siya kasing brutal noong mga nakaraang buwan na sobrang sa taas. At sa ngayon, tumaas lang ng konti ulit pero babalik balik nalang yan sa 3-4 sats/vB, magiging 5 sat/vB man pero hindi nagtatagal bumabalik din talaga siya sa 4 sat/vB.
Nagtransact ako kanina at sobrang baba ng transaction pwede ka pa magtaas within your budget para ma confirm agad kung nagmamadali ka, sana maging ganito palagi at ganito na lang hangang sa holiday season kung saan expect na mataas ang volume ng transaction, pero unfortunately hindi ganun bukod sa volatility wala tayong control sa volume at preferences ng mga nag tatransact ay mga miners.
Dapat lang i cooordinate natin ang mga transactions natin kung di mahalaga i delay na lang muna.
Ganyan ginagawa ko kabayan, nagdadagdag ako 1-2sats v/B para lang mas mabilis na maconfirm at hindi lang dahil dun. Dahil sa madalas na pagkakataon ay tumataas din biglaan kaya mas maganda mag adjust na din ng fees kapag magtatransact para hindi maipit yung transaction natin pero regardless naman, macoconfirm pa rin at okay lang naman kung hindi nagmamadali. Wala tayong magagawa diyan kapag gumalaw ulit at ang miners naman ang panalo lagi sa volatility maging sa mga fees.