May pinapirmahan silang NDA sa mga sasali sa call meeting nila para mamaya, kaya hindi na daw makakapag bigay ng information yung tropa kong kasali dito. Hanap nalang ako sa mga susunod na araw ng ibang info, siguro magkakaroon naman ng leak sa ibang kasali, mahirap na din daw kasi nakapirma na siya dito at kung sakali man malaki ata yung fine sa mga ganitong agreement once na nilabag.
Any update here? mayroon na bang leak sa information or napag usapan during the call meeting? Pero tama ka, malaki ang piyansa once na nilabag mo ang rules lalo na at may NDA na pinirmahan. About naman sa topic na ito, Sa tingin ko, dumadami na ngayon ang mga play2Earn sa market at ang target nila ay mga pinoy, dahil alam siguro nila na madaling mapaniwala ang iilan sa mga kapwa natin pinoy, lalo na yung mga walang idea sa play2Earn at madaling naniniwala sa mga sabi sabi about sa game na ipinapakita sa kanila, pero para sa ibang may kaalaman na sa ganitong bagay, Magdadalawang isip ka muna talaga bago sumali sa inooffer nila.