Actually di na ako madadali nito kasi I was personally involve in a pyramiding scheme before nakapag-invest pa ako ng 5k as starting investment ko kaso pumalya at ayon ayaw na magbayad o magrefund. Ganito din naman strategy ng mga power power kuno na mga investments scheme at dahil sa mga matatamis na mga salita at pang-eengganyo ng mga hayup na uplines ay mapapainvest ka talaga kasama pa dyan yung mga too good to be true na mga pangako and offers kaya marami parin nahuhulog sa trap na ito. Sa tingin ko ay kailangan talaga ng sapat na kaalaman ang mga tao about sa investments para hindi sila mapapahamak sa mga ganitong uri ng system of investments.
Minsan kailangang maging biktima muna para matuto eh , ang masakit pa yong iba eh nauulit pa mabiktima dahil sa sobrang pagka gahaman , marami kasing mga Pinoy ang naniniwala sa instant millionaire , mga tamad magpakahirap gusto yumaman in an instance .
Buti ikaw kabayan 5k lang ang nabiktima sayo samantalang sa karamihan eh 6 digits minsan eh 7 digits pa.
nasa News naman na ang mga ganitong scheme at kung paano nakakapangloko pero still meron pa ding nadadale mga organisadong grupo kasi to eh , madalas sila sila lang din ang nagpapaikot ng systema .
may point ka naman, madalas ay mas matututo tayo once na naexperience na natin ang isang bagay pero pwede ka din namang matuto depende sa mga nakikita mong nangyayari sa mga kasamahan mo, pwede kangmatuto sa experience ng iba. totoo din na na kahit minsan ay nangyari na satin ang mga d magagandang bagay, may mga times padin na nauulit sya lalo na't alam naman natin na karamihan sa kapwa natin ay pag usapang pera, madaling masilaw, kahit na hindi pa talaga alam yung totoong pakay or pwede mangyari, susugal at susugal sila pero in the end, masscam padin naman.