Pero kung papalarin matanong ko lang sana kung nasa magkano ang shipping fee ng inyong napanalunan sa auction? Kahit sana estimate lang. Para sana maging ready man lang ako just in case na may magustuhan akong item at ipursue kong labanan sa bid ng iba. Flex mo na din yung nabili mo kung maaari.
Around 40$ to 60$ kung gusto mo na may tracking number tapos 10$ to 20$ naman kung walang tracking number. Yan yung average price ng overseas worldwide pero last year pa ako huling nakabili or nakapagpadala kaya hindi ko na alam ang updated rates now. Karaniwan nmn stated sa auction/sales thread kung magkano estimated shipping fee.
Sobrang dami kong collectibles pero ayaw ko iflex for privacy purposes. Pero baka may specific token ka na hinahanap at baka ibenta ko nlng sayo para medyo maka tipid ka sa fee.
Right now may natira pa akong ilang satori at ibang mga physical crypto. Pm ka kung interested ka.
Tanong ko nadin if safe ba bumili ng mga collectibles na may laman na bitcoin or other crypto-currency dahil nga nasa Pilipinas tayo baka macustom tapos buksan diba? Matatalino na ang mga tao ngayon baka mapag interesan diba.
Salamat sa sagot.
Safe? Hindi ko masasabi since iba’t iba ang tao sa custom lalo na ngayon na halos alam na ng lahat ang Bitcoin. Dati kasi nakakabili pa ako ng mga loaded coin na walang problema pero now hindi ko na ginagawa lalo na kung hindi naka declared yung real value ng items since ang marerefund lang sayo ay yung declared value.
Suggest ko lng na wag ka bumili nung mataas ang value ng loaded amount since sobrang risky lalo na sa custom natin.