Magandang araw mga kababayan!
May nais lamang ako ibahagi sa inyo para sa mga hindi pa nakakaalam dahil may nakita akong isang thread dito sa local patungkol sa
Business idea gamit ang Bitcoin.Nakita ko na ang ilang concern ay patungkol sa fees kapag kailangan mo mag-send ng payment or receive ng Bitcoin na talagang masakit talaga sa bulsa lalo na sa sitwasyon ngayon.
Naisipan ko gawin ang thread na ito para makatulong sa mga gumagamit ng BTC o balang araw ay magamit ninyo kapag magsesend din kayo sa ibang tao locally or international.
Ang ginagawa ko para makatipid sa fees pag nagsesend ng BTC ay gumagamit ako ng Binance Funding.
Ito ang mga steps..
STEP 1Pumunta lamang sa wallet/assets, tapos funding, then click
PAYSTEP 2Ito ang pagkatapos ng step 1, makikita ang SEND at RECEIVE.
STEP 3Click send tapos makikita ang options (email,phone,binanceID or PayID ng receiver)
STEP 4Pagkatapos ilagay ang receiver ID, piliin lamang ang Bitcoin (fyi, pwedeng any crypto or kahit stablecoin)
STEP 5Enter the amount, then confirm.
Kung makikita ninyo, walang fee na nakalagay at instant ang transfer dito ng funds. Kahit BTC pa yan. Para sa mga namroblema sa fee, maaari niyo ito magamit para makatipid kahit papano.
FYI: Binance to Binance lang po ito
DISCLAIMER: Hindi ko pinopromote ang binance at lalong hindi parte ng binance team. Nais ko lamang makapagbigay alam sa mga naghahanap ng ibang paraan para makatipid sa transaction fees.