Para sakin eh talagang pag naririnig mo ang salitang bitcoin and crypto currency ay behind those are may maiisip kang pwede magamit to sa masamang paraan. Because some of the bitcoin's or crypto's feature, isa na ron is ang mga users are identified by addresses instead of personal information, this will make it challenging to track kung sino ang mga individuals behind those addresses. Isa pa ron is decentralized nga ang mga cryptocurrencies, it makes them resistant to control by any single authority. Kaya cryptocurrencies can be used in some illegal activties like money laundering, scams, at ayan ngang paghingi ng ransom. Actually nung high school ako nung una kong narinig ang bitcoin, eh uso pa non yung mga darkweb and darknet kuno, nakwento sakin ng kaibigan ko na gumagamit raw mga tao ron ng bitcoin as a mode of transaction.
Tulad ng fiat currency, basta may value at pwedeing maging pera ay pwedeng gamitin ng mga masasamang tao para makapaglikom sila ng pera. Pero hindi alam ng mga taong ito na kapag ginamit nila ang cryptocurrency basta hindi privacy coins ay pwede silang matahak at makilala ng mga awtoridad dahil nga sa transparent ang blockchain at kung ipapapalit nila ito sa mga exchanges ay maari silang makilala.
Pero gayunpaman di magbabago ang mga tingin ng taong may knowledge na about crypto, di mababago ng mga ganyang balita ang mga pananaw nila. Siguro sa mga bago na hesistant pa pumasok or sa mga matatanda, ayun ang mga pwedeng magulo pa ang take nila about crypto.
Iba ang nasa paniniwala ko. Kapag nagkaroon ng solidong suporta ang gobyerno sa paggamit ng cryptocurrency ay maaring maiba ang mga paniniwala ng taong bayan. Alam naman natin na karamihan sa mga mamamayan ay tinatanggap kung ano ang kikilalanin ng gobyerno.