Marami pa rin ba sa inyo dito ang interesado o naglalaro pa rin ng mga Web3 games? Nakita ko ang article na to tungkol sa mga play-to-earn games and actually familiar ako sa mga ito. According sa article, ito ang mga larong dapat abangan.
https://bitpinas.com/feature/10-web3-games-to-play-and-earn-in-2024-and-why/
Anito Legends Siguro ay narinig nyo na ang about dito? Ang larong ito ay gawa ng mga kapwa nating Pinoy. Hindi ko pa ito natry laruin pero nung nagresearch ako, gumagamit sila ng mga typical Philippine mythical creatures and Filipino terms dito such as $LARO, &GINTO, lupa etc.
Sa mga naka try nito, anong masasabi nyo?
Axie InfinityMalamang ay sobrang familiar tayo rito lalo na sating mga Pinoy. Pero nung bumagsak ang SLP, marami rin ang tumigil dito. Para sa mga hindi na updated about Axie, may bago silang update which is yung Coliseum. Tbh, I still have some Axies left and sinubukan ko na syang laruin for fun. Andun pa rin naman yung saya sa paglalaro ng Axie especially less stress. Pero kung typical player ka lang, I don't think you'd earn that much unlike before.
Star AtlasKagaya ng sa Anito Legends hindi ko pa sya nasusubukang laruin so wala akong masyadong idea patungkol dito. Pero it's a futuristic/spaceship sort of theme.
PixelsIto yung currently tinry kong laruin. Chill game lang and mag farm, kinda similar to Farmville pero hindi lang sya about sa pag farm since it's like a whole village na pwede mong puntahan at iexplore. It's free to play din so hindi mo need gumastos. But of course, don't expect na makakakuha ka nang malaki. Pero pwede ka rin mag VIP for a better gameplay with more benefits so meaning, pwede ka mag invest. Pero it's still up to you kung gusto mo since makakapaglaro ka pa rin naman kahit hindi ka maglabas ng pera. Currently nasa beta palang sya so I'm kinda looking forward dito this year.
The SandboxI bet familiar din kayo with sandbox, a gaming platform on Blockchain which is similar sa mga laro tulad ng Minecraft and Roblox. Kilala din ang sandbox and solid ang mga partners nito, also mayroon ding mga kilalang accounts pag dating sa NFT ang may land sa sandbox so if gusto nyo mag explore sa metaverse gameplay, pwede kayo dito.
Sa tingin nyo ba worth it pa rin ang pag explore ng mga play to earn games tulad nito? Also based sa article, may mga bagong Web3 games pa ang lalabas ngayong 2024. Although familiar ako sa mga ibang games na yan, medyo hindi na rin kasi ako updated pagdating sa NFT games in general. Kaya curious din ako kung meron sa inyo dito ang into games, at kung worth it pa rin ba mag invest ng time at pera dito?